KABANATA 3

1829 Words
XANDER POV. Hindi ako makapaniwalang umalis sa mga nagkakagulong mga tao. Anong lugar itong tinirahan ko. Sukdulan sa kasamaan ang gumawa sa batang walang muang na iyon. Awang-awa ako sa bata lalo na sa Ginang na nawalan ng anak. Doon mabilis ko tinunton ang kuwarto ko at tinunton ang malaking kabinet ko. Binuksan ang mahabanv drawer at inilabas ang mahaba kong baril. Kapag nahuli ko ang babeng may gawa sa bata ay uubusin ko ang bala ng baril ko rito. Napalingon ako nang magbukas ang pinto ng kuwarto ko, naigtad sa gulat si Rolly nang makitang hawak ko ang mahabang baril ko. "Bo-boss, bakit hawak mo iyan?" nauutal na tanong ni Rolly. "Alamin mo kung ang babaeng si Devora ba ang may gawa sa bata, balikan mo ako kung siguradong-sigurado ka na," mahabang wika ko kay Rolly at mabilis itong tumango at umalis sa pinto. Nagiigting sa galit ang mga panga ko, hindi ko mapapalampas ito. Lumabas ako g kuwarto at inilapag sa mesa ang baril, sandali ako naupo hanggang sa bumalik na si Rolly at humihingal na bumaling sa akin. "Boss, kumpirmado. Si Devora ang may gawa," sambit ni Rolly at nagmadali ako lumabas ng bahay. Hindi sa nakikialam ako, pero bilang sa isa ako sa mga may malawak na lupain rito at sa lupain ko pa pumapatay ang babaeng iyon ay kailangan ko gawin ito para sa ikatatahimik ko. Una akong nagpunta sa bayan at pumunta sa maliit na tindahan binibilhan ko ng kaha ng sigarilyo. "Manang, isang kaha nga," saad ko at natutulala ito sa akin. "Aba'y nakakatakot naman iyang baril mo, Iho," sambit ng matanda at napatingin ako sa nakasabit na baril sa katawan ko habang natatakpan ng itim na balabal. Doon inayos ko ang nakatakip rito at binalingan ang matanda. "Sundalo po ako, huwag kayong matakot," saan ko rito. "Hindi naman sa natatakot ako sayo, Iho. Pero sa tuwing nakakakita ako ng baril ay naalala ko ang mga naganap na m*****r rito noon sa baryo namin," turan nito at kunot noo lamang akong nakikinig rito. "Sampung taon na rin ang nakakalipas nang huminto ang pag mamasaker rito sa baryo namin. Sa tuwing mayroong mga aramadong lalaki na nagagawi sa baryo namin bitbit ang mahahabang baril ay talaga naman nagtataguan na kami sa aming mga bahay." Kwento ng matanda. "Pasensya na," mahinang saad ko. "Walang anuman, Iho. Maari ko bang itanong kung bakit dala mo iyang baril mo?" tanong nito at matagal ako nakasagot. Nagsindi at humithit muna ako ng sigarilyo bago nagsimula sumagot sa matanda. "Self defence lang," saad ko at umalis na sa maliit na tindahan. Nagpalakad-lakad lamang ako sa buong baryo hanggang sa marating ko ang malaking luma na puting bahay. Minasdan ko iyon ng matagal bago maglakad sa tapat ng malaking pinto. Kumatok ako sa pinto ngunit walang magbubukas. Muli pa ako kumatok ngunit wala pa rin nagbubukas, doon ay ilang oras pa ako nanatiling nakatayo sa tapat ng pinto ngunit wala pa rin nagbubukas mula sa malalakas na katok ko. Doon inikot ko ang bakuran ng malaking bahay, binasag ko ang salamin at pinasok ang lumang bahay. Madilim at puno ng alikabok, maraming sapot at tila walang tao naninirahan sa loob ng bahay na ito. Nadapo ang tingin ko sa isang kuwarto at binuksan ang pinto. Doon tumambad sa akin ang napakaraming patay na hayop, mabaho ang kuwarto at nagkalat ang laman loob ng mga hayop. Ngunit nadapo ang tingin ko sa isang malaking litrato, isang litrato ng magandang babae sa dingding. Habang nakatitig roon ay mayroong malakas na pumalo sa ulo ko dahilan ng pagbagsak ko sa sahi at nawalan ng malay. Nang magmulat ako ng mata ay inikot ko ang tingin sa kabuan ng kuwarto. Dahan-dahan ako bumangon at napagtanto na nasa loob ako ng kuwarto ng bahay ko. Paano ako nakauwi rito? Tanong ko sa isipan ko ngunit natigilan nang makita ko ang isang babae nakaupo sa sulok ng kuwarto ko. Tulala itong pinagmamasdan ako dahilan ng mabilis kong pagbaa ng kama. Akmang tatakbo ito mula sa bintana ngunit mabilis ko ito napigilan at hiniga sa kama ko. Mahigpit kong hawak ang mga kamay nito at mariin akong nagsalita. "Bakit pinatay mo ang walang muang na bata, tao ka ba talaga?" kunot noo na tanong ko rito. Doon muli nito sinunggaban ang braso at muli kinagat dahilan para mapadaing ako at malakas itong sinampal. "T*ng *na! Bakit ka nanga-ngagat! Aso ka ba?" galit na sigaw ko rito, at nang bumaling ito ng tingin ay napansin ko ang luha na lumandas sa pisngi nito. Sapo nito ang pisngi at napaatras sa akin habang nasa kama ko. "Hoy, kapag kinagat mo ako ulit. Hindi lang 'yan matitikman mo sa akin," saad ko rito ngunit napatitig ako sa babae. Pinasadahan ko rin ito ng tingin habang punit ang maruming damit nito. "Pi-pi ka ba?! Bakit hindi ka sumasagot?!" turan ko rito ngunit nakatitig lamang ito. Napalingon naman ako sa bintana nang malakas bumuhos ang ulan kasabay ng malakas na kidlat. Nabigla ako nang kumaripas ito ng takbo at tumalon muli sa bintana. Nakatayo lamang ako at hinayaan ko na lamang ang babae makalabas, napagbuhatan ko g kamay ito at hindu ko nagustuhan ang ginawa ko. Napahilamos ako gamit ng palad sa mukha at naupo sa kama ko. Sinuklay ko gamit ng daliri ang buhok ko at nakapa ko ang isang gasa sa ulo. Doon napalingon ako mula sa bintana na nilabasan ng babae. Lumipas ang ilang oras tahimik akong nakahiga sa kama ko. Patay ang lahat ng ilaw sa buong kuwarto ko at malakas ang buhos ng ulan. Hindi ko pa rin sinasara ang pinto, ginugulo ang isipan ko ng babaeng iyon. Nawawala ang baril ko, sa pagkakatanda ko ay bitbit ko iyon nang pumasok ako sa lumang bahay. Ngunit napunta ako rito sa bahay ko at nabungaran ang babaeng iyon sa kuwarto ko. Nguguluhan na ako, hindi naman nagsasalita ang babae kaya't hindi ko iyon makausap ng maayos. Panay ang takbo at iwas sa akin kaya't paano ko malalaman kung siya ang may gawa sa walang buhay na bata rito sa bakuran ko. Marami akong tanong sa isipan ko, nagpunta ako rito sa probinsya na ito upang makapag pahinga at magbakasyon. Ngunit tila lalo lamang ako nagulo rito. Ilang oras ay nagsimula na ipikit ko ang mga mata ko. Nakapikit ako ngunit gising ang diwa ko. Malalim akong nag iisip hanggang sa may marinig akong kaluskos, narinig ko ang ingay mula sa bintana at pagpasok muli ng babae. Tahimik akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang babaeng muling pumasok sa kuwarto ko. Anong pakay nito sa akin at palagi itong pumapasok sa bahay ko. Maya-maya nakaramdam ako ng ginaw mula basang bagay sa balat ko. Naramdaman ang pag-galaw ng kama at nang mag mulat ako ng mata ay nilingon ko ito sa tabi ko. Nakahiga ito sa tabi ko habang yakap ang sarili. Basang-basa ng ulan ang buhok at kapirasong maruming bistida na suot nito. Nakatitig lamang ako rito hanggang sa nag angat ito ng tingin at nagsalubong ang mga tingin namin. Napauwang ang labi ko habang nakatitig sa babae, nawala ang dumi nito sa mukha at buong katawan dulo't ng ulan. Napakaganda ng mukha ng babae at mamula-mula ang mga labi. Dahan-dahan ako bumangon sa kama habang hindi nag aalis ng tingin rito. Dahan-dahan kinuha ang makapal na kumot at binalot ko sa nilalamig na katawan nito. Nakita ko ang pag pikit ng mariin nito at niyakap ang makapal na kumot. Nakatitig ako rito habang tahimik itong natutulog sa kama ko. Napalunok ako habang hindi makapaniwala sa nangyayari. Bakit narito ang babaeng ito sa kama ko, bakit siya nagpunta rito? Naguguluhan na tanong ko sa isipan ko. Nang gabi na iyon ay hindi ako natulog, nakaupo sa single na sofa sa kuwarto ko at pinagmamasdan ko lamang ito mula sa kama. Doon lumakas ng husto ang ulan dahilan para balingan ko ang bintana at isara. Dahan-dahan binuksan ko naman ang lampshade at natitigan sa liwanag ang kabuan ng mukha nito. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa mukha ng babae ngunit isa lamang ang sambit sa isipan ko. Iyon ay napakaganda ng babaeng ito. DEVORA POV. Hindi ko na nakayanan umuwi pa dahil sa lakas ng ulan, sa takot ko na baka mayroong makakita sa akin at bigla na lamang akong patayin ng mga tao sa baryo doon bumalik ako sa bahay ng lalaki at dumaan sa bintana nito. Naratnan ko itong tulog kung kaya't nahiga ako sa kama nito. Maka ilang beses na kaming nagkikita ng lalaking ito, magaan ang loob ko sa kaniya at kampante ako sa kaniya. Batid kong nasaktan lamang ako nito dahil sa kinagat ko ito. At kung sasaktan muli ako nito ay hindi na ako magpapakita rito at susubaybayan pa ito. Pilit ko iwawaksi ang pagkahumaling ko rito kung ito ang taong papatay sa akin. Nagising ko ito ngunit hindi ko iyon binigyan pansin dulo't ng ginaw na nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa higaan nito at nang mag mulat ako ay maliwanag ang kuwarto, bukas ang ilaw ng kuwarto at gulat na inikot ko ang kabuan ng kuwarto. Ngunit mayroon pang mas kinagulat ko dahil wala akong suot na damit at tanging kulay puting kumot lamang ang takip sa hubad kong katawan. Napalingon ako nang lumabas ito mula sa kabilang pinto dala ang damit. "Pasensya na kung nagising kita, isuot mo muna itong damit ko. Tinalo pa ng basahan ang damit mo sa sobrang dumi at basang-basa rin," mahabang saad nito habang nakatitig lamang ako rito. Nakatitig ako nang dumapo ang tingin nito sa kabuan ko kaya't mahigpit ko naitakip sa katawan ko ang makapal na kumot. "Pasensya ka na kung hinubaran kita, wala naman kasi gagawa sayo niyan rito at kung magtatawag ako ng tao para magbihis ng damit sayo ay baka sugurin itong bahay ko kapag nalaman na narito ka," mahabang saad pa nito habang tahimik lamang ako. Dahan-dahan ito lumapit at naupo sa kama. Nakatitig ito sa akin at ganoon din ako. Doon dahan-dahan ko kinuha ang hawak nitong damit ngunit bago ko magawa iyon ay nilayo ng kamay nito ang damit at nagsalita. "May itatanong lang ako sayo bago ko ibigay ang damit na 'to sayo," sambit nito. "Pinatay mo ba ang bata sa talahiban?" seryosong tanong nito. Kapag sinagot ko ba itong ako ang pumatay ano ang gagawin nito sa akin? At kung sasabihin kong hindi ako ang pumatay maniniwala ba ito? "Bakit hindi ka sumasagot?! Pi-pi ka ba? O kaya't bingi ka?!" inis nitong saad mabilis akong nag alis ng tingin rito. "Hoy, kinakausap kita," wika pa nito at tinitigan ko ito ng matalim. "Huwag mo ako titigan ng ganiyan, kapag hindi ka sumagot palalabasin kitang hubad sa kuwarto ko," mariin na baling pa nito sa akin. "Hindi," tipid kong sagot at natigilan ito. Habang nakatitig ito ay mabilis ko binitiwan ang kumot at yumakap rito. "Tulungan mo ako... ." mahinang saad ko at naramdaman ang kamay nito humagod sa likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD