KABANATA 2

1709 Words
XANDER POV. "Ha?" kunot ang noo at tipid na sambit ni Rolly. "Pinagawa ko ang bahay na ito para sa akin, gusto ko sa pagtanda ko dito ako maninirahan," saad ko. "Kasama ka Rolly," dugtong ko at tumingin kay Rolly. "Salamat bossing, pero kailan mo ba ako tuturuan gumamit ng baril," saad nito at lumagok ako ng alak. "Sa susunod na lang Rolly, delikado iyang gusto mo. Kapag humawak ka ng baril kontrolado mo dapat ang utak mo, hindi ang baril ang kokontrol sayo," mahabang saad ko. "Anong ibigmong sabihin boss?" tanong nito. "Kapag nagkaroon ka ng baril maraming magbabago sayo, takbo ng utak mo pati na ang simpleng pamumuhay mo," saad ko at bumaling ang tingin sa bintana. Nahagip ng mata ko ang luma at malaking puting bahay sa hindi kalayuan. "May itatanong ako sayo Rolly," sambit ko rito. "Ano iyon boss? Huwag lang math," tugon ni Rolly. "Iyong nakatira sa lumang bahay na 'yan, si Devora. Bakit inaasukasahan siyang aswang," turan ko. "Ah, si Devora ba boss? Naku, sa tuwing sasapit ang gabi umaaligid-aligid 'yan sa buong talahiban. Madalas iyan habulin ng mga tao rito dahil sa pinapatay ng babaeng iyon ang mga alagang hayop ng mga taga rito." Paliwanag ni Rolly. "Bakit naman gagawin iyon ng babaeng 'yon? Anong dahilan?" magkasunod na tanong at ngayon nagsindi ng sigarilyo. "Empakta raw kasi ang babaeng iyon bossing," turan ni Rolly at mahina ako natawa. "Oo nga Rolly, ang tinatanong ko kung bakit naman papatayin ng babaeng iyon ang mga alagang hayop ng mga taga rito." Paliwanag ko kay Rolly. "Pagkain niya," tipid na turan ni Rolly. "E'di magnanakaw ang tawag sa kaniya, hindi empakta," natatawang wika ko at muli humithit ng sigarilyo. "Bossing, mano-mano niyang kinakain ang hayop. Buhay man o patay," saad ni Rolly at natigilan akong napatingim rito. "Si-sigurado ka?" kunot noo na turan ko kay Rolly. "Aba'y, oo naman bossing. Mukha ba akong gagawa ng kwento," mabilis na turan nito at nalipat ang tingin ko sa puting luma na bahay. "Pero alam mo ba bossing, ito pa ang nakakagulat kay Devora. Sa umaga napaka pangit ng kabilang bahagi ng mukha niya, at sa gabi naman ay napakaganda ni Devora. Usap-usapan ay sinumpa raw ang babaeng iyan." Mahabang kwento ni Rolly. "Si-sinumpa?" Ulit ko sa sinabi nito. "Oo bossing, ang mga ganiyan gaya ni Devora ay sinumpa. Sukat mo ba naman nagbabago ang itsura sa umaga at gabi," mahaba pang saad ni Rolly. Doon ay napaisip ako, ang babaeng nakita ko sa talahiban na mayroong itim na peklat sa kabilang bahagi ng mukha at ang babae kanina ay iisa lang. Doon ay pagak akong natawa. "Grabe mga kwento rito sa lugar ninyo, Rolly," natatawang saad ko. "Boss, tignan mo! Ayun si Devora oh! May dala na naman na patay na kambing, naku! Wala talagang ka dala-dala ang babaeng iyan, kapag nahuli 'yan ng may ari siguradong gugulpihin na naman 'yan sa talahiban," mahabang baling ni Rolly at seryosong tinanaw ko ito sa bintana. Mabilis ako umalis sa harap ni Rolly at lumabas ng bahay. "O-oy! Bossing, saan ka pupunta," tanong ni Rolly. "Pupuntahan ko ang babaeng iyon," wika ko hanggang makalabas ng bahay. Mabilis ako naglakad palapit sa babaeng si Devora. Dahan-dahan ang lakad nito at palinga-linga ng tingin. "Oy!" tawag ko rito at lumingon ito. Nang makita ako ay mabilis itong kumaripas ng takbo dahilan para habulin ko. Anak naman ng pating, napa jogging ako ng wala sa oras. Reklamo ko sa isipan ko hanggang sa maabutan ang babae, mabilis niyakap ko ito at bumagsak kami sa damuhan. Nagpa gulong-gulong kami at napunta ito sa ilalim ko. Napatitig ako sa maamong mukha nito at sa ilang bahid ng dugo sa mukha nito dulo't ng duguan at patay na kambing na bitbit nito. Nagsalubong ang tingin namin hanggang sa maramdaman ang pagpupumiglas nito sa ilalim ko at gusto kumawala. "Totoo bang kumakain ka ng buhay na hayop?" agad na tanong ko ngunit nakatitig lamang ito sa akin. "Bakit hindi mo na lang lutuin, sayang naman kung hilaw mong kakainin," nakangisi kong sambit rito ngunit wala itong imik at nagpupumiglas. Magulo at kulot ang mahaba nitong buhok, napakaganda ng babaeng ito lalo nang mapagmasdan ko ito sa malapitan. Hindi ito nagsasalita at nagpupumiglas lamang mula sa ilalim ko. "Devora ba ang pangalan mo?" mahinang tanong ko habang nasa ibabaw pa rin ako nito. Doon nabigla ako nang kagatin ako nito sa braso at napadaing ako ng malakas. Nabitawan ko ito kasabay ng mabilis na pag alis nito sa ilalim ko. Kumaripas ito ng takbo papalayo sa akin habang ako ay nakatitig lamang papalayo ito. Nang mawala sa paningin ko ang babae ay kunot noo akong bumaling sa batang kambing na nakaratay sa damuhan. Patay at bahagyang laslas ang leeg nito dahilan ng pagkamatay nito. Binalingan ko ang braso ko at nakita ang pagbakat ng ipin ng babae, mayroong kaunting dugo hanggang sa umalis na ako sa talahiban. "Rolly, paki abot ng alcohol," bungad ko kay Rolly nang makapasok ng bahay. Mabilis binuhusan ng alcohol ang sugat sa braso ko. Umigting ang panga ko sa hapdi at binalingan ako ni Rolly. "Boss, anong nangyari d'yan?" tanong ni Rolly. "Kinagat ng babae," tipid na sagot. "Ha! Sinong babae?" tanong ni Rolly. "Yong babaeng empakta kamo, si Devora," sambit ko. "Naku, boss. Lumayo-layo ka roon," turan ni Rolly at hindi ko na ito pinansin. Matapos takpan ng gasa ang sugat sa braso ko ay nagtungo ako sa kuwarto at tahimik naupo sa kama. Nilibot ang mata ko sa kabuan ng kuwarto, binalingan ko ng tingin ang bukas na bintana at minasdan tanaw ang bilog na buwan. Malamig at sariwang hangin ang pumapasok kaya't iniwan ko na lamang bukas iyon. Nahiga ako sa kama at sandali natulala sa kisame. Isa akong sundalo, nais ko muna manatili ng dalawang taon rito sa pinagagawa kong bahay. Nag file ako ng two years vacation mayari lamang itong bagong bahay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar itong napuntahan ko ngunit dahil kay Rolly ay binili ko ang lupang kinatitirikan ng bahay ko. Bukod sa nagustuhan ko ang paligid dahil sa tahimik at mapuno nagustuhan ko rin ang lokasyon dahil tutok ang unang sinag ng araw sa bintana ko. Napakaganda ng lugar, tahimik at higit sa lahat malapit ako kay Rolly. Kaibigan ko si Rolly, driver namin ang Ama nito at sabay kaming lumaki nito. Nakaramdam ako ng antok at hindi na namalayan naipikit ang mga mata ko at nakatulog ako. Maya-maya habang nakapikit ay napakunot noo ako nang mayroong maramdaman na presensya sa tabi ko. Mabilis ako nagmulat at sinakal ang taong nasa tabi ko. Sakal-sakal ko ito sa leeg nang bigla akong matigilan. Pilit nitong inaalis ang kamay kong nasa leeg nito. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pumasok sa bahay ko," kunot noo na baling rito, hindi ito makasagot dahil sakal ko ang leeg nito. Doon binitiwan ko at umubo ito sa harap ko. "Trespassing kang babae ka, bakit ka basta na lang pumapasok rito sa bahay ko!" sikmat ko rito ngunit nakatitig lamang ito sa akin. Doon binalingan ko ng tingin ang kabuan nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil putikan ang mga paa nito at marumi ang damit na suot nito. Nalipat naman ang tingin ko sa puting kobre kama ng kama ko na ngayon kalat ng putik gawa ng babae. "Ponyenta! Yong kama ko!" biglang sikmat ko sa babae. "Bumaba ka?!" sigaw ko rito at natataranta naman itong bumaba ng kama. "Hoy! Sagutin mo ang tanong ko?! Bakit pumasok ka rito sa bahay ko?!" galit na saad ko rito ngunit tumakbo lamang ito at tumalong sa bintana ko. Natigilan akong tinanaw ito sa bintana habang yapak na tumatakbo. Hindi naman mataas ang bintana dahil sa unang palapag lamang ito kaya't hindi ako magtataka kung nakapasok ito sa kuwarto ko. Naiwan kong bukas ang bintana ko pero hindi ako natatakot. Anong klaseng babae iyon? Bakit ganon ang ayos niya? Bakit marumi siya na para bang tao na naninirahan sa gubat. Totoo ba ang sabi-sabi rito, may kakaiba nga ba sa babaeng ito? Magkakasunod na tanong ko sa isipan ko at mahina natawa na lamang. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, natatawang sambit sa isipan ko at nabaling ang tingin sa maruming kama ko. Nasapo ko ang ulo ko at nagpalit ako ng hindi oras ng kobre ng kama. Ilang sandali ay bumalik ako sa paghiga sa kama. Nakatitig lamang ako sa bukas na bintana haggang sa ipikit na ang mga mata ko. Nang magising ay sunod-sunod na pagtilaok ng manok ang nagpagising sa akin. Lumabas ako ng kuwarto at nakitang nakatiwangwang bukas ang pinto ng bahay. Doon ay mabilis ako lumabas at nakitang nakatayo si Rolly sa hindi kalayuan. "Rolly! Bakit iniwan mong bukas ang pinto?!" sigaw ko kay Rolly at nilingon ako nito. Mabilis lumapit sa akin at nag salita. "Nagkakagulo kasi ang mga tao roon bossing, may batang patay sa talahiban. Wakwak raw ang dibdib," saad ni Rolly at napatitig ako rito. "Sino ang may gawa?" seryosong tanong ko. "Sino pa e'di si Devora, nag level up na ang empaktang babae na iyon. Hindi na hayop ang puntirya kundi tao na, ang masaklap pa ay batang paslit ang pinuntirya," mahabang saad ni Rolly sa akin. Natigilan ako at tualala sa kung saan nakatingin, mabilis ako lumabas at tinungo ang nagkakagulo na mga tao. Isang Ginang ang humihiyaw sa iyak habang nasa kandungan ang ulo ng batang paslit. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang walang buhay na bata, tama ang sinabi ni Rolly. Pinunit ang dibdib ng bata, sinong tao ang gagawa nang bagay na iyan sa walang muang na bata. Maliban na lamang kung walang puso ang may gawa. "Hayop na Devora na iyon! Humanda siya sa akin, papatayin ko siya!" galit na sigaw ng Ginang. Doon dahan-dahan nilapitan ko ang isa sa mga lalaking nakapaibot sa walang buhay na bata. "Sino may gawa sa bata?" seryosong tanong ko. "Si Devora, may nakakita sa kaniya nagpagala-gala rito sa talahiban. Nakita rin siyang duguan habang sinasakmal ang bata na ito," turan ng lalaki at natigilan ako. "Ka-kagabi?" nauutal na tanong ko. "Oo, kagabi. Wala na siguro siyang makuha na mga hayop sa bakuran ng mga tao rito kaya ang bata na lamang ang pinuntirya," sambit ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD