Sa classroom, tahimik na nagmamasid si Teacher Wena sa tatlong bata na magkakasama. Sa oras ng uwian, mabilis na tumakbo si Charles papunta sa kaibigang si Hazel, at siyempre, sinama niya si Clarence. Si Clarence ay nakatayo lang sa tabi nila. Umupo naman si Hazel at si Charles, nagtititigan pa sandali bago sabay na tumawa. “Hazel, ang haba ng pilik-mata mo!” sabi ni Charles habang marahang hinahaplos ang pilik-mata ng kaibigan. “Daddy said I look like Mommy,” nakangiting sagot ni Hazel. Ngumiti si Charles. “Kung gano’n, ang ganda siguro ng mommy mo… just like my mom!” Biglang napayuko si Hazel. “I… I don’t know.” Nawala ang ngiti niya at tila nalungkot. Napatingin tuloy si Clarence kay Charles. “Brother… what’s wrong with her?” bulong ni Charles. Hinawakan ni Clarence ang balikat

