Nanigas ang mukha ni Monica sa narinig niya. Ano daw? Masokista ba si Nathan? Pagkatapos niyang hindi siputin ay gusto pa rin nitong makipagkita sa kanya? Kailangan pa bang hintayin nitong bastusin niya ito bago maintindihan na tinatanggihan na niya ito? “Ano bang ipinapasabi niya?” tanong ni Monica. “May cocktail party ang Timothy Group of Companies, at gusto niyang ikaw ang maging ka-date niya sa araw na iyon.. Hindi basta-basta nakakapasok sa lugar na ito kaya dinala ko na ito para sayo,” sagot ni James habang inilalabas ang isang imbitasyon. “Kailangan mong pumunta.” Gintong foil ang pagkakaprint sa invitation card, halatang pang-high-end na okasyon. Malaki ang posibilidad na nandoon din si Alexander sa cocktail party na binanggit ng ama. Ano bang kasalanan ko sa nakaraang buhay

