Khloe Ameliaa's POV Ang isang kamay niya at nasa manibela at ang isang kamay at nasa ibabaw lang ng hita ko. Ganyan siya. Diyan ako nasanay sa tuwing magkasama kami sa loob ng kotse. "Ito yata ang pinakamasayang surpresa ko sa mga magulang ko." Hindi naman mahalaga sa mga magulang ko ang magarang regalo. Surpresahin ko lang sila sa pagdating ko, masaya na sila. Siguradong matutuwa na naman si Kuya dahil may makakasama siya. Napatingin ako sa likod namin at nakita ko ang mga pagkain na binili namin sa nadaanan namin na fast food chain. Um-order na rin kasi siya ng pagkain para pagdating namin, hindi na magluluto sila Mama. Siya ang nakaisip no'n. Mas na i-in love ako sa kanya sa tuwing inaalala niya ang mga magulang ko. Siya pa mismo ang nakakaalala sa pamilya ko. Kung

