Khloe Amelia's POV Hindi ko alam kung saan nga ba talaga ang punta muna namin ni Neandro basta sinunod ko siya na mag impake ako. Wala namang problema sa akin e. Alam ko naman na importante ang dadaanan namin dahil hindi naman siya mag aatubili na mauna kami kung hindi. Tinupi ko ang isang t-shirt polo at sinilid ko ng maayos sa loob ng bag ko. Lahat ng maayos na pang alis ko sinisilid ko sa bag ko. Maynila 'yon kaya baka mamaya magaganda ang suot nila. Ayoko naman na magmukhang katulong kapag kasama ko ang pamilya nila. "Khloe?" Napatingin ako sa pintuan sa sunod-sunod na pagkatok mula sa labas. Tumayo agad ako sa kama ko at mabilis na lumapit sa pintuan. Pinihit ko ito pabukas para mawala sa pagka-lock at masayang ngiti agad ang binugan ko kay Neandro na humagkan agad sa akin. "Hm

