Khloe Amelia's POV Hindi na nga kami lumabas ni Neandro simula kagabi. Kahit ang pag-aalumusal dito na rin namin ginawa sa hotel room na inaakupa namin. Nakaunan lang ako sa ibabaw ng hita niya habang nakatingin sa maputing kisame. Napatingin ako kay Neandro na nagbabasa habang walang damit pang itaas. Tanging panjama lang siya na kulay itim habang ako naman parehas na nakasuot ng terno na panjama na siya rin ang namili. "Neandro, hindi pa ba tayo lalabas?" mahinahon na tanong ko sa kanya. Ayoko talaga siyang tanungin dahil baka magalit pa siya sa akin. Hindi rin naman niya agad-agad na nakalimutan ang bagay na nangyari kahapon. Mabuti na nga lang nadaan ko pa siya sa halik at sinunod ko agad siya na huwag ng lumabas. "May gusto kang gawin?" tanong niya sa akin habang n

