Khloe Amelia's POV "Sana maulit ang bakasyon natin na 'to. Ang saya magbakasyon kasama kayong lahat." Napangiti ako sa sinabi ni Tita habang nakasakay kami sa van pauwi na sa hacienda. Masaya nga ang bakasyon namin kahiit na may mga nangyaring konting kalokohan. Masaya ko na nakakamalapitan na nga ang mag-amang Aceves. Nakakatuwa na maayos ang pamilya ni Neandro. Maayos na sa kanya. "Ako naman ang mag pla-plano sa susunod, Ma," saad ni Hades. "Hindi na dahil kapag ikaw ang may plano, siguradong hindi matutuloy," saad ni Neandro na nakahawak sa kamay ko. Nagtawanan kami ni Tita sa sinabi ni Neandro dahil may may punta siya. Sa tuwing si Hades ang nag pla-plano, madalas na nauuwi sa drawing dahil hindi natutuloy. "Matutuloy talaga 'to—" "Tumahimik ka na ba

