CHAPTER 17: Sanctum

2234 Words
Lych, "Saan po tayo pupunta?" tanong ko kay tito nang minadali nila kaming sumunod sa kanila patungo sa naever ending door. "Makikita n'yo." sagot naman niya habang naglalakad at hindi man lang lumingon. Tila nagmamadali ang lahat kaya may kutob akong importante ang ipapakita nila, tumayo kami sa harapan ng pintuan, "Nagmumunimuni ako kagabi at may sumagi sa isipan kong isang ideya na agad kong sinubukan dito sa never ending door." sabi ni tito na nakalingon sa amin. "Ano po iyon?" tanong naman ni Michael, pinihit ni tito ang pihitan ng pintuan at itinulak ito pabukas, "Ito," sagot naman niya at bumungad sa amin ang sanctum, ang lugar kung saan namamalagi ang sagradong fountain. "Ngayon ko lang nalaman na maaring makapunta dito sa sanctum gamit lang ang never endng door." may pag-aalala sa kaniyang boses, "So kapag nalaman ng Necromancer ito, kahit pa hindi mapapasakanya ang susi ay makukuha parin niya ang fountain?" sabi ko naman habang nag lalakad kami palapit sa fountain. "Ganoon na nga, mas kailangan nating mag ingat sa ating mga galaw, dumagdag pa ang pintuang ito sa ating poproblemahin at poprotektahan." sabi naman ni tito, nang makalapit kammi sa fountain ay kusang nag bago ang aming anyo ni Michael. Nakakunot noo at nagkasalubong ang aming mga kilay dahil doon, tiningnan namin si tito para sa kasagutan kung bakit kami biglang nag bagong anyo kahit hindi naman namin ginawa. Nagkibit balikat siya, "Marahil na dama ng fountain ang lumikha sakanya." sagot naman niya. Gaya nga nang nasa mga libro, ang mga lightborns ang gumawa sa fountain na pinagmulan ng mga warlock. Laking gulat pa namin nang makalapit kami ng tuluyan sa fountain ay tumigil ito sa paglabas ng tubig na naging dahilan ng aming pagka alarma pero ilang saglit pa ay may mga maliliit na tubig na pataas ang labas mula sa maliliit ding butas sa palibot nang malawak na butas, ang orihinal na nilalabasan ng tubig. Ngunit ang butas na ito ay unti-unting nag laho at napalitan itong isang kongkretong hagdanan na tila pababa ito. "Ngayon ko lamang nakita ito, maging sa mga lumang manuskrip ay walang tinukoy o inihayag tungkol sa pagkakaroon ng hagdanan sa b****a ng fountain." namamanghang sabi ni tito. Maging ako ay napanganga sa aking nakita, pangalawang beses ko palamang dito pero noong una ay mistolang normal lamang itong fountain, ni hindi nga nag bago ang aming anyo sa una naming pagpunta rito. Maari sigurong ngayong nagising na ang natutulog naming mga kakayahan ni Michael ay muli ring nagising at nabalik ang tunay na anyo ng fountain at ang buong sanctum, muling umusbong ang mga halaman, ang ilan ay namukakad ang mga naggagandahang bulaklak. Sa loob lang ng dalawang minuto ay nag bago ang hitsura ng santum. Halos mabuwal ang mga mata ni tito habang tinititigan ang ganitong anyo ng sactum at ng fountain. "Sa tagal kong ng oras na ginugol ko sa pag-aaral sa history ng mahika, ngayon ko lamang ito nalaman!" sabi niya habang tinititigan ang mga disenyong na-i-ukit sa mga dingding ng sanctum. Sa pinaka gitna, sa likuran ng fountain ay ang isang lightborns, nagulat na lang ako nang biglang umilaw ang mga mata nito at ang isalw ay dumiretso sa hagdanan, "Parang gusto niya tayong bumaba." sabi ni tito at sinilip kung gaano kalalim ang butas na may hagdanan. "Sigurado po ba kayo?" nagdududa kong tanong, "Baka nililinlang tayo." sabi naman ni Michael, umiling si tito, "Hindi naman siguro, ako na ang mauuna." sabi ni tito, bakas parin sa kaniyang mukha ang pagkamangha at sa pagkasabik na madagdagan at maging mas malawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng mahika. Humakbang siya at umapak sa unang parte ng hagdan ngunit nang bumaba na siya ay tila natigilan siya, "Hanggang dito na lang?" tanong niya, kita parin namin ang kanyang ulo pero ang kabuuan ng katawan niya ay nasa loob na. Pare-pareho kaming napakunot noo at nagtaka, bumalik sa aming tabi si tito na nagdududa at tila nadismaya. "Ako nga." sabi ni Michael at walang ano-ano'y lumawak ang butas, maging ang hagdan ay mas lumawak din. "Mukhang kayo lang ang pwedeng makababa." may mangha't pagka lungkot sa tuno ng boses ni tito, "Sige na, sabihan niyo na lang ako sa kung ano man ang nasa ilalim ng lupa." suhestyon ni tito. Bumuntong hininga ako at lumapit sa tabi ni Michael, pareho kaming pinalibutan ng nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako at itinakip ang aking palad sa aking mga mata at nang mapansing humupa na ang liwanag ay marahan kong ibinaba ang kamay ko at iminulat ako. "Ano na naman 'tong suot na'tin?!" reklamo ni Michael habang iniikot-ikot ang katawan para makita ang damit niya. Yumuko ako upang makita ang aking sarili, maging ako'y nakasuot ng damit na katulad sa kaniya. Pareho kaming nakasuot ng damit na parang sa mga ancient Chinese, kung tama ang aking pagkakatanda ay hanfu ang tawag nila doon. NApapailing na lang si tito sa pagkamangha habang tinititigan kaming dalawa. Nang humangin ay doon ko lamang napansin ang mahaba kong buhok na abot sa aking bewang, nakatali ito gamit ang isang pin, 'yon bang parang itinusok lang, puti rin ito at maging ang aking damit na hanfu ay puti na pinalamutian ng ginto. Matutulis parin ang aking mga tenga at meron din akong maliliit na pangil. Si Michael naman ay pareho lamang kami pero itim ang kulay ng kaniyang buhok, pati ang damit niya'y itim na pinalamutian ng pilak. Hindi patulis ang kaniyang tenga, may maliliit ding pangil. "Bababa na po kami." paalam ko kay tito, "Sige lang." iyang lang ang nasabi niya habang tintitigan kaming dalawa ni Michael. "Maaganda naman pala." kumento ni Michael habang pababa kami habang niallaro ang laylayan ng damit niya sa kaniyang kamay. "Pakiramdam ako para akong naggaling sa sinaunang China." sabi ko naman, "Oo nga no, bagay mo rin ang mahabang buhok." sabi naman niya, "Ikaw rin naman." sabi ko rin, habang pababa kami ay pinupuna lang namin ang isa't-isa. "Paano natin bubuksan ito?" tanong niya nang nasa harapan kami ng isang pintuan sa isang mataas na pader, ikinumpas ko ang kanan kong kamay upang lumikha ng ilaw at itinapat ito sa pintuan. Pareho naming ineksamen ang pinto at naghanap na rin ng maaring pagbubuksan hanggang sa maabot namin ang itaas nito, may nakasulat pero hindi namin maintindihan. "Si papa, kaya niyang intindihin ito." sabi ni Michael. Lumingon-lingon siya na parang may hinahanap bago pinalutang ang isang malaking bato at inilapit ito sa pagitan namin, "Anong gagawin mo dyan? susubukan mo bang siarain ang pinto?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya at gumawa ng kidlat na tuloy-tuloy na tumama sa bato, "Ilawan mo 'yong naka sulat sa pinto." utos niya, kahit hindi ko alam kung ano ang binabalak niyang gawin ay sinunod ko parin ang sinabi niya. Itinaas ko ang aking kamay upang mailawan ang nakasulat sa pinto. Nagsimula niyang igalaw ang kaniyang daliri na kung saan lumalabas ang kidlat at doon ko na napag tanto na kinokopya niya ito. Matapos no'n ay pinalutag niya ulit ang bato at lumakad na kami palayo sa pintuan, hawak ko parin ang ilaw sa aking kamay para mas maliwanag ang nilalakaran namin. Agad namang napatayo si tito sa kaniyang pagkakaupo nang makita ako, "Anong nakita ninyo?" agad niyang tanong sa akin, bumaba na muna ako sa may hadnan upang makalabas si Michael at ang bato na pinalulutang niya. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni tito, "May nakasara pong pintuan at hindi namin alam kung papaano bubuksan, Pero nakita po namin ito sa itaas ng pintuang iyon, baka po kaya niyong isalin sa ating lengwahe?" tanong ko na marahan namang ibinaba ni Michael ang bato. Agad na linapitan ito ni tito at lumuhod sa lupa. Matagal niya itong binabasa at pauli-ulit niya itong binasa bago tumayo at hinawakan ang kaniyang baston. "Kami ang liwanag, kami ang kadiliman, pagsamahan at iyong amkikita, kaalamang ibinaon sa lupa." sabi ni tito. Mukhang iyon ang naintindihan ni tito mula sa sulat na kinopya namin mula sa itaas ng pintuan, "Ano po ang ibig nitong sabihin?" tanong ko naman dahil wala namang sinabi kung papaano ito bubuksan. Huminga siya ng malalim, "Wala akong ideya pero ang sa tingin ko'y ang pinuprotektahan ng pintuan ay isang kaalamang nino ma'y walang nakakaalam." sagot naman ni tito, "Kung ganoon, hindi namin mabubuksan ang pintuan?" tanong ni Michael na tila nanghinayang. "Subukan niyong gamitin ang inyong kapangyarihan o dikaya naman banggitin niyo ang deixte ti einai mesa." suhestyon ni tito. Hindi man kami sigurado ni Michael ay bumalik parin kami sa ilalim at binalikan ang nakasaradong pintuan. "Hindi ko alam kung gagana ba 'to pero subukan na lang natin." sabi ni Michael at pumwesto, tumango naman ako at pumwesto sa tabi niya. Pareho kaming nakaharap sa pintuan ni Michael, sabay naming ipinusisyon sa taas ang kaliwa naming kamay at ang kanan ay sa ibaba. Matapos no'n ay pinagpalit namin sila ng posisyon sa pasirkulong direksyong at lumikha kami ng bilog na guhit, inulit ang prosesong pabilog tapos gumawa ng patayo at pahigang guhit, ikinuyom namin ang mga pallad namin bago pabigla ibinuka at ang bilogang guhit ay nagkaroon ng iba't ibang guhit sa loob. Pinag dikit ko ang aking kamay sa gitnang parte ng bilog, sa may octagon na shape nito sa loob at bumulosok ang isang linya ng ilaw patungo sa pintuan, halos sabay kami ni Michael, itim naman ang sa kaniya. Napapasigaw kami upang maging mas malakas pa ang lumabas na aming atake hanggang sa pareho naming maisigaw ang ibinilin ni tito na sabihin namin, "Deixte ti einai mesa!" sigaw namin at umugong ang kapaligiran at tila gumagalaw ang lupa. Unti-unting tumagos ang aming atake sa pintuan papasok sa loob kaya itinigil na namin ito, nag tinignan kami ni Michael bago napag deisiyonang pumasok nang bumukas na ng tuluyan ang pintuan. Isa-isang nag karoon ng apoy ang mga palaso na nakadikit sa bawat poste na sa tingin ko ay ang humahawak sa lupa sa taas. Ilang metro din ang layo nila sa isa't-isa, nasabi kong nakarating na sa dulo ang apoy dahil sa tumigil na ito sa isang parang malaking altar. Habang naglalakad kami ay tumitingin kami sa aming gilid, "Hindi lang ba dadalawa ang lightborns?" tanong ni Michael habang patuloy kami sa paghakbang paharap. Napakarami kasing rebulto na katulad ni Adalgard na aking nakikita sa aking isipan. Sa aking gilid ay ginto ang kulay nila at sa gilid naman ni Michael ay pilak ang mga ito. "Hindi ko alam." sagot ko naman, kung ikukumpara mo ang bawat isa sa iba ay magkakaiba sila, kaya siguro na tanong iyon ni Michael. Habang naglalakad kami ay sinasalubong kami ng di gaanong kalakas na hangin na siyang nagbibigay ng napakagandang effect sa aming damit sa tuwing sinasamyo ito ng hangin. Maging ang aming buhok ay nahuhuli dahil sa ihip nang hangi. "Ano 'yon?" tanong ko at napatigil kami sa paglalakad dahil sa isang tunog, napatingin ako sa aking paa at mas mababa ang inaapakan ko kesa sa iba pang sementadong lakaran. Maging si Michael ay ganoon din ang  inaapakan niya. Muli akong napalingon sa aking harapan nang may muling tumunog at unti-unting lumitaw ang isang napakalaking podume na nakita ko sa tala ng aking buhay at may kasama pang libro na ang lapad ng isang pahina ay isang taong nasa tamang taong gulang na.  Tumaas ito ng tumaas hanggang sa maging kalebel nito ang dibdib ng isang napakalaking rebulto ng ligtborn na gawa sa gitno. "Dapat ba natin puntahan iyon?" tanong ni Michael at itinuro ang malaking podume na ilang metro din ang taas mula sa amin. "Siguro." sabi ko naman at nagkibit balikat at tiningala ang malaking libro. "Puntahan na lang natin." sabi naman niya at nauna nang lumipad kaysa sa akin. Tumalon ako pataas at dirediretso na ang aking paglipad. Ang ganda talaga ng damit na pinili ng mga lightborns, mukha talaga kaming mga elves na mula sa mga fantasy na kwento na nabasa ko.  Nakalutang lang kami at mas mataas kesa sa libro upang makita namin ang kabuuan nito, kinailangan pa naming lumipat at talikuran ang malaking rebulto ng lightborn para lang mabasa ang nakasulat rito. "Paano na naman natin 'to maiintindihan?" tanong ko at napakunot noong tinititigan ang nakasulat sa pabalat ng libro, "Ha? nababasa ko naman." sabi naman ni Michael, niligon ko siya at binigyan ng nagtatakang mukha. "Tingnan mo kasi ng mabuti." sabi niya, may pagdududa parin ako ngunit muli ko paring ibinalik ang aking paningin sa pabalat ng libro at walang bago pero unti-unting gumalaw ang mga nakasulat dito na para bang tinangay ng hangin, kinusot ko ang aking mga mata at nang imulat ko ang aking paningin ay kaya ko nang basahin ito. Halos mabuwal ang aking mga mata dahil sa gulat. "Ang mahika ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap: Ang Pinagmulan." basa ko sa pabalat nito. Napansin ko namang umiilaw ang mga palad ni Michael. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya, "Sinusubukan kong iangat sa susunod na pahina pero hindi ko kaya." sagot naman niya, "Subukan nga natin." sabi ko naman at umilaw din ang aling mga palad at kasama ang pwersa ay sinubukan naming buksan ang libro pero bigo kaming gawin iyon. "Subukan mo ngang bigkasin ang salitang sinabi kanina ni papa." sabi ni Michael, "Bakit ako?" tanong ko sa kaniya, "Hindi ko kayang bigkasin ng diretso, dinig ko sa'yo kanina ay malinaw." sagot naman niya. Napailing na lamang ako, "Deixte ti! einai mesa!" sigaw ko, ibinigay ko lahat para maging malakas ang aking boses at mabigkas ng maayos ang salitang iyon. "Sabi ko na." sabi ni Michael nang umilaw ang libro at mabilis na bumukas. Umaasa kami na magkakaroon na ng linaw ang tungkol sa mga lightborns at kung paano nagawa ang mahika, sana'y naririto lahat ng kasagutan sa maladambuhalang ibrong ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD