Lych,
Nang maitaas namin ang pabalat ng libro ay sunod-sunod din ang mga pahina ng libro na sumunod sa pabalat hanggang sa ito'y mahati. Nag tinginan kami ni Michael dahil sa tumigil ito sa kalahating parte ng libro pero wala namang kahit na nakasulat doon.
Nag hintay pa kami kung ano ang susunod na mangyayari at nakatitig lang kami roon hanggang sa may unti-unting ;iwanag na lumalabas sa gitna ng dalawang pahina hanggang sa naging nakakasilaw ito.
Ang kakaiba nito ay parang naghihiwalay ang bawat parte ng katawan ko, na para bang nahihigop ako. Nang maramdaman kong parang nakatayo ako sa isang kongkretong bagay ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Sinalubong ng aking paningin ang nagbabagsakang petal ng bulaklak ng sakura, nakakabighani itong panuorin at napakaganda ng kulay ng mga ito. May saktong hangin ding dumadampi sa aking mga balat at sumasamyo sa mahaba kong buhok at sa suot kong damit.
"Nasa loob ba tayo ng libro?" tanong ni Michael habang iginagala ang kaniyang paningin, nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko alam kung nasa loob nga ba kami ng libro. "Mag libot nga tayo." suhestyon ko sa kaniya.
"Sige." pag sang-ayon naman niya, pareho kaming naglakad sa lupang patag hanggang sa marating namin ang isang tulay na gawa sa bricks na bato, ngayon ko lamang napansin na ang kinarorounan namin ay parang hinango dito ang impastraktura sa sinaunang China.
Pareho kaming napalaki ang mata ng aking kaibigan ng may makita kaming hindi namin matukoy kung tao, warlock o lightborn, pero ang lightborn naman ay iba ang hitsura kaya baka warlock ito o tao.
Lumapit kami sa kania, "Paumanhin po, ginoo, pero anong lugar po ito?" tanong ko sa lalaking mas mataas kaysa sa amin ni Michael, nakasuot din siya ng parehong kasuotan sa amin pero hindi mahaba ang kaniyang itim na buhok.
Ngumiti ito, "Bakit? nawawala ba kayo?" tanong naman niya pabalik, "Opo." si Michael na ang nagpalusot, nawawala naman talaga kami pero hindi naman kami taga rito kahit naka suot pa kami ng parehong damit na suot niya.
"Naririto kayo sa lupain ng Shinhan." sagot naman niya sa aking katanungan, tumango naman kami ni Michael at nang aalis na sana kami ay tinawag niya kaming muli, lumingon naman kami sa kaniya at agad siyang lumapit sa amin.
"Saan kayo pupunta?" tila may pag-aalala sa kaniyang boses, nagkibit balikat kami, "Mag lilibot." sagot ni Michael, tila nagulat naman itong kausap namin at umiling, "Hindi niyo ba napapansin na wala nang gumagala?" tanong niya at inilibot ang kaniyang paningin.
Pansin ko nga, akala ko nga walang ibang nilalang dito bukod sa amin. "Sumama na muna kayo sa akin." sabi niya, nagsalubong naman ang aking mga kilay, "At bakit naman namin iyon gagawin?" tanong ko.
Nang saktong may trumpetang umalingawngaw sa buong paligid, "Basta, halina kayo, andyan na sila." sabi niya at agad na hinila ang aming kamay ni Michael, hindi na kami nag paumiglas pa dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagkabahala at takot.
Ipinasok niya kami sa isang bahay na gawa sa kahoy at ang bubungan ay gawa sa idsng uri ng bato. Nakatayo lang kami kung saan niya kami iniwan habang abala siya sa pag sara lahat pintuan at bintana bago niya kami binalikan at sinenyasahan na tumahimik.
Nakatitig lang ako sa kaniya at mas lumakas ang sunod-sunod na tunog ng trumpeta na animo'y nasa loob ng aking tenga ang lumilikha ng tunog na iyon kaya napatakip ako ng aking tenga at napapikit upang maibsan ang ingay na aking naririnig.
Tumagal ito ng ilang minuto bago ako kinalabit ng lalaking kasama namin at sinabing okay na raw, "Ano 'yon?" tanong ni Michael na kinakalikot ang kaniyang tenga, pinaupo niya kami sa isang manipis na unan na nasa sahig.
Nasa kabilang parte siya ng mesang kalebel ng aming sikmura habang naka indian sit kami. Sa ibabaw nito ay mga papel, isang paint brush at isang parihabang lalagyan na may laman na likidong itim.
"Ang mga reaper." sagot naman niya at inangat ang paint bruh bago bahagyang kumuha ng itim na tinta mula sa parisukat nitong lalagyan, gamit ang kaliwa niyang kamay ay hinawi niya ang laylayan ng damit niya sa kaniyang kanang kamay.
May isinulat siya sa papel pero hindi ko agad ito naintindihan dahil ibang lengwahe, malaki ang pagkakatulad sa mga simbolo sa Japan, Korea at China. "Ano naman ang mga reaper?" tanong naman ni Michael na pinapanuod ang lalaking nagsusulat.
Tila nagtaka ito, "Pareho ba kayong nauntog at nakalimot? papaanong hindi niyo alam ang tungkol sa kanila?' tanong niya at napatigil sa kaniyang sinusulat, nag tinginan kami ni Michael at alam kung nag kaintindihan kami.
"Maaring ganoon na nga, ni hindi namin alam ang aming pangalan at kung paano kami nakarating dito." sabi ko naman, "Wala talaga kayong ibang pupuntahan kundi dito, ito lang ang nag-iisang ligtas na lupain." sabi naman niya na may ngisi sa kaniyang mukha.
"NAdagdagan na naman ang aking katanungan, bakit ito lang?" tanong ko ulit, huminga siya ng malalim. "Sa una mong katanungan, ang mga reaper ay sila ang pumipili kung sino ang mamamatay, imortal lahat ng Yaojing kaya masyadong malaki ang ating papolasyon para magkasya sa lupaing ito."
"Sa pangalawa mong tanong, maging ang mga imortal ay may kinakatakutan parin, nagkalat ang halimaw sa labas ng pader ng Shinhan, pinoportektahan ng mga Anak ng Liwanag ang pader na poprotekta sa buong kalupaan." mahaba niyang sagot sa aking mga katanungan.
"Yaojing? ano 'yon?" tanong ni Michael, napailing naman ang lalaki, "Mukhang maging ang inyong pagkakakilanlan ay nalimutan niyo na, ang Yaojing ay ang tawag sa ating lahat, mga imortal na sugo ng liwanag." sagot nama n niya kay Michael, ibinaba na niya ang kaniyang brush at mukhang makikipag usap na lamang siya sa amin.
Tumango naman si Michael at ngumiti, alam kong alam niya na hindi namin pwedeng ipaalam na hindi kami nangmula rito at sasabay na lamang kami sa ihip ng hangin. Tumayo siya at sinundan lamang namin siya ng tingin.
"Ano na ang gagawin natin? baka matagalan pa tayo rito." sabi ni Michael sa akin nang mawala sa aming paningin ang lalaki, nag kibit balikat ako, "Makisama na muna tayo habang humahanap tayo ng paraan kung paano makakaalis dito." sabi ko naman sa kaniya.
"Dito na kayo magpalipas ng gabi." sabi ng lalaki na muling sumulpot, nagkunot noo si Michael, "Gabi?" bulong niya at nilingon ang siwang ng bintana, madilim na nga sa labas. "Maraming salamat." sabay naming sabi ni Michael.
Ngumiti naman ang lalaki, "Ano nga pala ang inyong mga pangalan?" tanong niya sa amin na bumalik sa aming harapan at umupo, dapat ko bang sabihin ang totoo kong pangalan? "Hindi niyo nga pala maalala." sabi naman niya, muntik ko nang naisagot ang naisip kong pangalan.
Buti na lang naalala niya ang kasinungalingang ginawa namin ni Michael, "Ako si Hua Jian." pakilala niya sa kaniyang sarili, likas ata siyang palangiti. Tumango naman kami ni Michael, "Maari mo naman kaming bigyan ng pangalan para may maitawag ka sa amin." suhestyon ni Michael.
Nagulat naman siya, "Ayus lang ba?" tanong naman niya at tumango ako nang tumingin siya sa akin. "Sige." sabi niya at tinitigan si Michael, "Pwede sa 'yo ang Heise, dahil puro itim ang iyong kasuotan at maging ang iyong buhok." sabi niya kay Michael, ngumiti naman ang aking kaibigan.
Lumingon naman si Jian sa akin at tinitigan, "Baise naman ang sa'yo dahil purong puti ang nakikita ko sa'yo." sabi naman niya, ngumiti rin ako, hindi na masama pero masgusto ko parin ang pangalan kong Lych.
"Gusto niyo ba ng tsaa?" tanong niya, "Ikalulugod namin." sagot ko naman bago tumayo si Jian at pumunta sa isang parte ng bahay. Malawak naman ang loob ng bahay na ito at maayos, ewan ko ba't hindi ako naiinitan sa suot kong damit.
Bumalik siyang may dalang isang uri ng parang takuri na gawa sa clay at hinuha ko'y ang maliliit na tasa na hawak niya na mukhang gawa sa marmol ay ang tasa na aming gagamiti.
Naglagay siya ng patungan sa gitna ng mesa at ipinatong doon ang takuri, kinuha ko ang isang tasa, siya na rin ang nagbuhos ng mainit na tsaa sa aking tasa. Matapos non ay isininyas niya ang kaniyang mga palad na parang sinasabing tikman namin.
Tinitigan ko ang laman ng aking tasa bago lakas loob na ininom ito, hindi ako pala tsaang tao dahil sa ayuko ang lasa nitng mapait pero nagulat ako nang manamisnamis ang likidong dumadaloy sa aking lalamunan.
Napailing ako, "Ito na ata ang pinakamasarap na tsaang natikman ko." sabi ko at marahan na ibinaba ang aking tasa, "Kaya nga." sabi naman ni Michael, nagkaroon naman ng ngiti ang kaniyang mukha.
"Ano nga pala ang hitsura ng mga Anak ng Liwanag?" tanong ko habang kinakarahan niya ang tasa ko, "Katulad din natin sila kaso sila'y pinapayagang gamitin ang kanilang mahika, nakasuot din sila ng mmga armor na paghihinalaan mo talaga kung Yaojing ito." sagot naman niya at ibinaba ang takuri.
Tumango naman ako, hinala ko kasi ay dito nagmula ang tawag namin sa kanilang lightborn, mukhang mali rin ang nasa aming mga libro na dalawa lang ang lightborn.
Hindi nagtagal ay nakadama na ako ng pagkaantok, maging ang aking kaibigan, "Pag pasensyahan niyo na, iisa lang ang silid dito." sabi niya ng pumasok kami sa isang silid na may tatlong naka handang tulugan.
"Ayos lang, kami nga dapat ang humingi ng dispensa sa pag abala sa'yo." sabi naman ni Michael, matapos no'n ay pare-pareho kaming humiga, pinagitnaan nila ako, sa kanan ko si Michael at sa kaliwa ko nama'y si Jian.
Kahit na mas matangkad siya kaysa sa amin, pakiramdam ko'y magkakasing edad lang kami dahil kagaya nami'y palaralo rin ang kaniyang isip at hindi mo masasabing isa siyang nasa tamang gulang na.
Napakabait niya kay wala akong alin langan na ipinikit ang aking mga mata at natulog na. Nakapikit lamang ako pero hindi ako nakatulog kaya napansin ko ang biglang pag tayo ni Jian at nang lumabas siya ng silid ay iminulat ko ang aking mga mata at tumayo.
Pinagmasdan ko ang kaniyang anino na binuksan ang pintuan at lumabas sa buong bahay, iniwan niyang nakabukas ang pintuan kaya naisipan kong sundan siya kung saan man siya pupunta.
Hindi pa naman niya ako napapansin, nilagpasan namin ang mga kabahayan at dumiretso kami sa isang batis, may isang puno ng sakura malapit sa gilid ng batis, nasa likod ako ng isang puno na hindi kalayuan sa kinatatyuan niyang puno.
Nakasilip lang ako at nang mapansing lumingon siya sa direksyon ko ay agad akong tumayo ng tuwid at humarap sa pinanggalingan namin. Naghintay ako ng ilang minuto bago muling lumingon, nan laki ang aking mga mata sa aking nakita.
Nakatalikod siya sa akin, walang saplot at ang talagang gumimbal sa aking kaisipan ay may hubog ang kaniyang katawan at nang bahagya siyang tumingin sa kaniyang gilid ay napansin ko ang kaniyang dibib.
Napatakip ako ng aking bibig at muling tumayo ng maayos at tumingin sa aming pinanggalingan, "Babae siya?!" bulong ko na hindi na alam ang aking gagawin, napapailing ako at pilit na tinatanggal sa aking isipan ang imahen na aking nakita.
"'Wag kang sisigaw." nagulat na lang ako nang may tumakip sa bibig ko maliban sa sarili kong mga palad, sa aking harapan ay ang basang si Jian, nakasuot lang siya ng pang ilalim na puting damit na hanggang sa kaniyang ankle ang haba ng laylayan.
"Nakita mo ba?" tanong niya, naging mas malinaw pa ang imahe sa aking isipan, napakurapkurap ako, binitiwan niya ako at napahawak sa kaniyang ulo, parang sumakit ito dahil sa gulat niya ng malamang may nakakita sa katawan niya.
"Pasensya, di'ko sinasadya, hindi ko naman alama na-"hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil muli niyang tinakpan ang bibig ka. "Parang awa mo, 'wag mong babanggitin ang kasarian ko." sabi niya na may pagkadesperado ang kaniyang boses.
Nagkunot noo ako at nag salubong ang aking mga kilay, inalis ko ang kaniyang mga palad, "Bakit naman?" tanong ko at nakipag titigan sa kaniya habang hawak parin ang kaniyang isang kamay.
"Walang nakakaalam ang tunay kong kasarian, ang tangi nilang alam ay isa akong lalaki, lumaki ako bilang lalaki dahil iyon ang sinabi ng aking mga magulang." sagot niya na may galit sa tono ng kaniyang pananalita.
Hindi na talaga maalis ang imahe niya sa aking utak, parang may kuryente sa katawan ko na nagpapainit sa aking laman, lalo na ngayong ganito siya kalapit sa akin. Napalunok ako, nararamdaman ko ang takot sa kaniya.
"Sige, hindi ako magsasalita pero sa isang kondisyon." sabi ko sa kaniya, tiningnan niya ako ng masama, "Ano naman iyon?" tanong niya, "Magpalit kana, dumidikit na ang dela ng iyong damit sa basa mong katawan." sabi ko bago binitawan ang kamay niya at tumingin sa itaas upang maiwasang makita ang katawan niya.
Agad naman niyang tinakpan ang kaniyang sarili gamit ang dalawa niyang kamay,"Mauuna na ako." sabi ko, "Hintayin mo na ako." sabi naman niya at hinila ang aking kamay upang pigilan ako matapos kung humakbang.
Hindi ko siya nilingon, bumuntong hininga ako "Bilisan mo." sabi ko naramdaman ko naman ang pagbitaw niya sa kamay ko at nadining ang kaniyang pagtakbo palayo, umupo ako sa matatabang ugat ng punong ito at bahagyang pinagsasampal ang aking mukha.
"Ano na naman ito, Lych?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy na pinagsasampal ang aking sarili, pumasok lang ako sa isang libro at ganito na ang aking makikita. Nasa utak ko parin ang imahe na nakita ko pero hindi ko na ito binigyan pa ng pansin matapos kong huminga ng malalim na higit sa sampung beses.
"Tara na." sabi ni Jian at nakatayo ito sa aking gilid, tiningnan ko siya at mukha na ulit siyang lalaki. Tumayo ako at sabay na kaming naglakad nang walang ano-ano'y natisod siya kaya kinailangan ko siyang saluhin.
Malapit na siya sa lupa kaya medyo naka yuko ako at dalawang bisig ko ang nasa kaniyang likuran, muntik pang magtama ang aming mga ilong at nakipag titigan siya sa akin. "Ehem." sabi ko at mukhang nanumbalik naman ang kaniyang diwa at agad na tumayo.
"Salamat." sabi niya habang inaayos ang kaniyang damit at nauna nang maglakad kaysa sa akin. Napailing na lamang ako, pwede atang pang teleserye ang sinaryong iyon ah. Ngumisi ako bago sumunod sa kaniya.