Lych,
Kinaumagahan ay naririto parin kami ni Michael, napapaisip din kami na baka nag-aalala na si tito o silang tatlo na iniwan namin. Hindi ko rin alam kung ang oras dito ay pareho ng takbo sa pinanggalingan naming mundo.
Dahil kung pareho nga ay isang araw na kaming hindi nakakabalik sa aming mundo. "Anong pwede naming maitulong sa'yo, Jian?" tanong ni Michael sa aming kasama, simula kagabi ay hindi ako mapakali sa tuwing nasa malapit si Jian.
Hindi ko na talaga siya makita bilang isang lalaki kahit pa sa kaniyang pananamit ay mukha siyang lalaki at ang kaniyang buhok na magdudulot talaga ng pagka lito, hindi mo talaga mapapansin na babae pala siya.
Hindi ko parin aam kung bakit niya itinatago ang tunay niyang pagkakakilanlan, sinabi naman niya na dahil daw sa ito ang kagustuhan ng kaniyang ama pero hindi ko parin maintindihan kung bakit.
"Kung maari'y punasan ninyo ang mga instrumento ko." sagot naman niya sa tanong ni Michael, "At nasaan naman ang mga iyon?" tanong ulit ni Michael at iginala ang kaniyang paningin. "Nandoon, sa may kahon na iyon." sabi niya at itinuro ang isang malaking kahhon na nasa kasalungat na direksyon ng aming kinatatayuan ngayon.
Abala kasi si Jian sa kaniyang sinusulat, total wala rin lang naman kaming gagawin ay minabuti na naming nilapitan ang malaking kahot at binuksan ito. Ako ang bumukas nito bago ako umatras ng bahagya upang pareho naming matanaw ni Michael kung anong instrumento ang nakapaloob dito.
Sa ilalim ng kahon ay naroroon ang isang instrumentong maikukumpara sa isang violin, itim ito na makintab at dalawa lang ang string nito, parisukat din ang katawan at pahaba na hawakan. Nakadikit naman mula sa takip ng kahon ay ang dalawang mukhang plawta.
Marahang inangat ni Michael ang mukhang violin at inilapag ito sa sahig, kinuha ko naman ang dalawang plawta. "May lilinisin pa ba kami rito, halos kuminang na nga sila." sabi ni Michael at tumingin kay Jian.
Lumingon naman siya at ibinaba ang kaniyang brush na panulat. "Gano'n ba, bakit kaya di niyo subukang tumugtog?" suhestyon niya, napakurap ako, ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa mga instruemntong ito, gamitin pa kaya.
"Hindi namin alam kung paano ito gamitin." sabi ko, totoo naman kasi, sa mga litrato ko lamang nakikita ang mga bagay na ito. Ngumisi naman siya at tumayo at humakbang patungo sa amin, naka indian sit kami ni Michael habang hinihintay siyang makarating sa aming harapan.
"Tuturuan ko na lang kayo." sabi niya sa amin matapos niyang umupo sa aming harapan. "Paano? hindi naman sapat ang instrumento na naririto upang maturuan mo kami?" tanong ko naman, ngumisi siya.
Nagkunot noo ako, "Hindi ba't sinabi mo'y hindi basta-basta ang gumamit ng mahika?" tanong ko sa kaniya nang ikumpas niya ang kaniyang kamay ng pakurba at lumitaw mula sa kaniyang palad ang isang plawta.
"May nakakita ba?" tanong naman niya at ngumis, "Sige na, kunin niyo na ang mga plawta." dagdag niya na agad ko namang ginawa. "Una, kailangan niyong iposisyon ang ihian nito sa inyong bibig." sabi niya at idinemo ito, tiningnan ko ang plawta na hawak ko at nasa gilid nito ang ihipan.
Ang kay Michael ay na sa kabilang dulo ng kaniyang plawta. "Sunod ay ang tamang paghawak dito, dapat abot ng inyong mga daliri ang lahat ng butas ng inyong plawta." sabi ulit ni Jian at ipinakita kung papaano ang tinutukoy niya.
Mahahaba ang aking mga daliri kaya madali kong naabot ang mga butas ng hawak kong plawta, ang problema ko lang ay masyadong magkakalapit ang mga butas kaya aksidente kong napipisil ang isang kong daliri, nag sisiksikan kumbaga.
Habang si Michael ay walang hirap na ginawa ang sinabi ni Jian, sakto lang ang haba ng kaniyang mga daliri. "Kaya mo ba, Baise?" tanong ni Jian sa akin, napansin niya siguro ang aking pag iling mula sa aking ginagawa.
"Medyo nahihirapan ako." sabi ko naman, huminga siya ng malalim at gumapang siya patungo sa aking likuran, sinundan ko siya ng tingin at nagulat ako ng hinawakan niya ang magkabila kong kamay gamit ang mga kamay niya.
Nasa likod ko siya kaya para akong nanigas, babae parin siya at may pandama ang likuran ko! Napakurapkurap ako, nakatingin lang ako ng tuwid habang inaayos niya ang mga daliri ko, inadjust din niya ang isa kung kamay upang mag layo ang sampo kung daliri.
"Nakuha mo ba?" tanong niya at lumayo sa likuran ko, "Ha?" tanong ko naman, parang iniwan ako ng utak ko bigla, "Tingnan mo kasi." sagot naman niya at nang lumingon ako sa aking kanan ay bigla rin siyang pumaharap upang iadjust muli ang aking kamay.
Kabay no'n ay ang pagtingin niya sa aking mukha kaya pareho kaming nagtitigan, isang pulgada na lang ang layo ng ilong ko sa ilong niya, nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata. Isa itong kabaliwan, laman siya ng nakaraan, mula siya sa libro, hindi maari ito!
"Ehem." sabi ni Michael na siyang nagpabalik sa aking diwa, ganoon din si Jian dahil bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan kanina at inayos ang buhok niya, "Nakuha mo naman na siguro." sabi niya at inangat ang kaniyang plawta.
Tumingin ako kay Michael at sinalubong ako ng kaniyang mukha na parang may pagdududa at naguguluhan, "Kung ano man ang nasa isip mo, mali 'yan, hindi mo naiintindihan." bulong ko sa kaniya.
Bigla na mang tumugtog si Jian mula sa kaniyang hawak na plawta, isang nakakaayang musika at pareho kaming napatitig ni Michael sa kaniya, napakaganda ng dating nito at ang presko sa tenga.
Ngayon ko lamang narinig ang piyesang ito o kahit na ano mang musika mula sa sinaunang panahon, nang matapos siya ay ngumiti siya, "Nagustuhan niyo ba?" tanong niya, pareho naman kaming tumango ni Michael.
"Kaya mag pursigi rin kayong matuto para masabayan niyo ako sa aking pagtugtog." sabi pa niya, tumango naman kami ni Michael.
Nagulat na lamang kami sa isang komosyon mula sa labas, bag karoon kasi ng sigawan. Agad kaming lumabas at sinalo ng aming mga muha ang sinag ng araw, nakisama kami sa iba pang Yojing na ngayon ko lamang nakita.
Kahapon kasi'y si Jian lang ang aming nakita. Sa gitna ng nag tipon-tipon na mga Yoijing ay ang isang duguan na Yoijing, isa siyang babae at may bulaklak pa na nakaipit sa kaniyang tenga, habang nakatitig ako doon ay umaagos ang dugo mula sa tiyan niyang tila binuksan.
"Ahhh!" isa muling tili ang aming narinig mula sa di kalayuan, lumingon ako doon at nakita ang isang babaeng umiiyak malapit sa isang katawan ng lalaking Yoijing, duguan din at may dugo rin sa kaniyang sikmura.
"Anong nangyayari?" tanong ni Jian sa kaniyang mga kauri, umiling silang lahat, pare-pareho kaming walang kaideideya kung ano ang nagyayari. Matapos ang pangalawang pagsigaw ay nasundan pa ito hanggang sa may sumisigaw na kada isang minuto.
Nakatayo lamang kami rito sa gitna, napapalibutan ng kabahayan, marami kami rito at naging mapagmatyag, pakiramdam ko'y may umaatake na hindi namin nakikita, maari kayang isa itong halimaw na nakapasok sa pader?
"Ang mga Anak ng Liwanag!" sigaw ng isa sa amin, nang nilingon ko siya ay may itinuturo siya at sinundan ko ang dulo ng kaniyang daliri, nakita ko nga ang mga parating na nilalang, "Michael, nakikita mo ba ang nakikita ko?" bulong kong tanong sa kaniya.
"Oo, ganiyan na ganiyan ang hitsura ni Adalhard," sagot naman niya at pareho kaming nakatingin parin sa direksyon na kanilang pinanggagalingan. Nag si talunan ang mga tinatawag nilang Anak ng Liwanag sa aming harapan at pinaligiran kaming lahat.
Puprotektahan nila kami. Kasalungat sa naikita ko kay Adalgar na na nakalutang, ang mga nasa harapan ko ay may mga paa,nakasuot sila ng armor na kagaya kay Adalgard at pare-parehong naka kuyom ang kanilang mga kamao at umiilaw ito.
Mukhang totoo nga ang sinabi ni Jian na sila lang ang may kalayaang gumamit ng mahika ng hindi binabatikos. Sa alerto nila ay mabilis silang tumingin sa isang bagay na naulog lamang sa lupa.
Tahimik ang lahat at walang kumibo, hanggang sa bigla silang nagliparan at pinaulanan ang bubong ng isang bahay hanggang sa may lumitaw na itim na cloak, "Reaper?" gulat na tanong ni Jian, "Anong ginagawa nila dito sa oras na ito?" tanong ng ibang nasa likuran namin.
Nanlaki ang aking mga mata nang unti-unti silang lumitaw lahat, napakadami nila at tinalo nila ang bilang ng Anak ng Liwanag na naririto ngayon. Napaatras kami nang makarinig ng isang tawa mula sa kalangitan.
Lumitaw ang isang nilalang, nakasuot din ito ng cloak, may pakpak na itim at may sungay, malaki ang pagkakatulad sa Necromancer na sa kasalukuyang naghahasik ng lagim sa aming mundo.
"Ang inyong oras ay tapos na," sabi niya at marahang bumaba sa bubong ng isang bahay, "Mga nilalang ng Shinhan, ang inyong kapalaran ay napagdesisyonan na, lahat kayo ay mamamatay sa araw na ito!" anunsyo niya at tumawa.
Nag pumilit ang mga Anak ng Liwanag na lumaban pero hirap sila, masyado silang madami, "Jian, kailangang may gawin tayo!" sabi ko sa kaniya, bakas ang takot sa kaniyang mukha, "Ano? wala tayong magagawa." sabi naman niya, "Meron, kung gagamitin ninyo ang inyong mahika." sabi naman ni Michael.
"Isa 'yang kabaliwan, mapapatawan kami ngparusa." sabi naman ni Jian, umiling ako, "Sino ang magpapataw sa iyo ng parusa? sino ang nagsabing hindi kayo pwedeng gumamit ng mahika? meron bang namumuno sa inyo maliban sa kanila?" itinuro ko ang mga reaper.
Napaisip siya, "Nililinlang lang nila kayo, masyado kayong makapangyarihan kaya naisipan nilang gamitin ang pagiging inosnete niyo upang itago ang inyong taglay na mahika." dagdag ko pa, "Kung mamamatay ka man ngayon, kahit papaano'y lumaban ka hanggang sa kamatayan." sabi naman ni Michael.
"Sang-ayon ba kayo?" tanong ko sa mga Yaojing na nakatingin sa amin an nadinig ang aming pag-uusap, lahat sila'y tumango, "Ano, sasma ka?' tanong ko kay Jian, ngumisi siya at tumango. Iyan ang gusto kong makita!
"Hindi na kami papauto pa sa inyo!" sigaw ng isa sa amin bago sila nag sigawan at ang ilan sa kanila ay bumalik ang bata nilang anyo sa muling pagkagising ng kanilang mga mahika. Tumingin ako kay Jian at tumango at nginitian siya.
"Sugod!" sigaw ko at lahat kami'y nag liparan, kakaiba sa pakiramdam, parang kabilang talaga ako sa kanilang panahon, pare-pareho kami ng lakas, si Jian nga ay mas malakas pa sa amin. Napatigil ako sa paglipad at tiningnan silang lahat.
Napapamangha ako dahil lahat sila'y nanggigigil at nakikipag habulan sa mga Reaper, "Mga hangal!" sigaw ng may sungay na reaper at ibinuwelo niya ang kaniyang kamay at gumawa ng malaking bula ng apoy.
Itinutok niya ito sa limang Yaojing na pinapaslang ang kanilang katunggali. Mabilis akong lumipad at habang palapit ako ay gumagawa ako ng bilog na guhit upang gawing panangga, saktong pagbaba ko sa lupa ay buo na ang kalasag na ginawa ko.
Sinalubong nito ang malaking bulang apoy pero dahil sa lakas ng pwersa nito ay naitutulak ako paatras, "Ah!" sigaw ko at kasabay no'n ang pagbigay ko ng lakas upang maitulak ang apoy. "Naririto na kami upang tulungan ka kaibigan." sabi ng isang lalaking Anak ng Liwanag na lumapag sa tabi ko, nagpalabas siya ng puting ilaw na tumulong sa akin upang itulak ang apoy.
"Bilisan mo Adalhard!" sigaw ng lalaki, napalaki ang aking mga mata at lumingon sa kaniya bago lumingon sa aking kaliwa dahil may narinig aking bumagsak, "Bakit Adalgard, hindi mo ba kaya?" tanong niya bago pinagdikit ang kaniyang mga palad bago lumabas doon ang itim na ilaw na tumulong din sa pag tulak.
Totoo ba ang narinig ko? sila ang mga lightborn na nagbigay ng kapangyarihan sa amin ni Michael. "Bakit hindi mo subukang kainin ang apoy? sa pagkakaalam ko'y kaya nitong lumamon ng atake?" suhestyon ni Adalgard at kumindat ito.
Umiilaw ang pareho kong mga palad, maging ang mga mata ko'y umilaw, sa lakas ng atakeng ito ay kakailangan ko ng mas hihigit pang kapangyarihan kesa sa kakainin kong atake. Ang bilogang guhit ay pinagbago ko ng anyo at ginawang ulo ng wolf.
Kinain nito ang apoy, nahirapan ako pero kinaya, ikinumpas ko ang aking kanang palad hanggang sa lumiit ito. "Kailangan mo ba ng tulong ko?" tanong ni Michael na kadarating lang sa tabi ko, "Subukan niyong pagsamahin ang inyong kapangyarihan upang ibalik ito sa kaniyang pinanggalingan." suhestyon ni Adalhard at kumindat ito.
"Sundin natin ang payo niya." sabi ko kay Michael at tumango naman siya, lumabas ang pinakamalakas na kidlat ni Michael sa dulo ng kaniyang daliri at pinalibutan nito ang bolang lumulutang sa harapan ko.
Inihagis ko ito pataas, "Ngayon na!" sigaw ko at lumabas sa aming mga palad ang puti at itim na liwanag na tumulak sa bolang inihagis ko pataas. Pinanood namin ang mabiilis nitong pagbulusok at pagtama sa reaper na may sungay.
Sinalo niya ito pero nang akala niya'y nakaligtas na siya ay lumaki ang bola na bigkang sumabog, napuno ng alikabok ang kapaligiran na siyang pumukaw sa aming paningin. "Ikaw a'yan, Michael?" tanong ko nang may humawak sa aking balikat.
"Ako ito, si Adalgard." sabi niya at agad na may pumasok na imahen sa utak ko, ibang-iba na ang hitsura niya mula sa dating Adalgard na nagpapakita sa akin. Mukhang ito talaga ang tunay niyang anyo at ngayong nakita ko na ito ay alam na ng isipan ko ang tamang hitsurang ipapakita.
"Malayo pa kayo sa kaalamang inaasam niyo." sabi niya, "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko, "Kakakilala niyo palang sa amin, matapos ng labanan na ito, hanapin mo ako sa pader kung saan kami'y palaging namamalagi, kapag ginawa mo iyon ay tanungin mo ako tungkol sa pinagmulan ng mahika upang maikwento ko iyon sa iyo." mahaba niyang bilin sa akin,
"Iyo na sigurong napagtanto na ang sinusulat ni Jian, ang inyong kasama ay ang mismong librong pinasukan ninyo. Siya ang natasang magtala sa kasaysayan kaya itinago niya ang kaniyang pagkakakilanlan, hayaan mo't maikukwento rin niya sa iyo 'yon." sabi pa niya at matapos no'n ay naglaho na siya.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob ulit ako ng bahay ni Jian, pero parang may kakaiba, "Anong nangyari?" tanong ko sa aking pagtayo, "Isang linggo kayong nakatulog matapos ng digmaan." sagot ni Jian.
Si Jian itoa?! mas bumata pa ang mukha niya at ngayo'y mas kapansinpansin na ang features niya bilang isang babae kahit na nakadamit panlalaki parin siya.
Napahawak ako sa aking ulo dahil napakadaming ideya ang pumapasok sa ulo ko at nakakagulo ito ng isipan, parang lahat ng nangyayari ay hindi na nagkakaroon ng kahulugan.
Kailangan kong mahanap agad si Adalgard.