CHAPTER 20: Beyond the Wall

2046 Words
Lych, Nagpaalam ako kay Jian at Michael na may pupuntahan ako, hindi na man sila nag tanong kung saan ako tutungo dahil abala sila sa kanilang ginagawa, binubuo kasi nila ang isang kulungan para sa mga alagang manok ni Jian. Hindi ko alam kung bakit siya nag-aalaga ng manok eh hindi naman kami nakadarama ng gutom. Simula nang mapunta kami rito ni Michael ay dalawang beses palamang kaming kumakain. Hindi ko naranasang kumalam ang aking sikmura, parang ang mga pagkain lang dito ay isang palamuti na saka mulang gagamitin kapag gusto mo.  Naglalakad ako ngayon sa pagitan ng mga kabahayan, hinuhulaan ko lang kung anong daan ang aking tatahakin dahil wala naman akong mapang hawak. Kaht papaano'y natatanaw naman ang tuktok ng pader kaya ito ang naging gabay ko upang masigurado na tama ang direksyon na tinatahak ko. Madami akong nadadaanang mga Yaojing pero hindi ko na lamang sila pinapansin, mukhang ganoon din sila. Kagaya ko, ang ilan sa kanila ay patulis din ang tenga't ang ilan sa mga kalalakihan ay mahahaba din ang kanilang buhok. Nakasuot din ng parehong damit na aking suot-suot. Pinahiram naman kami ni Jian ng isang pares ng hafun, ang tawag sa damit na suot namin. Kadalasan din niyang tinatanong kung may naalala na ba kami pero pareho lang kaming umiiling ni Michael. Nag-aalala na nga rin ako dahil isang linggo na ang itinagal namin dito baka kung ano na ang nasa isip nina tito na iniwan namin sa aming mundo. Kaya kailangan kung malaman agad kung ano ba ang gustong ipaalam ni Adalgard. Siguro kong iyon ang tanging paraan upang makabalik kami sa aming mundo.  Tumigil ako sa tapat ng matayog na pader, konkreto ito at parang bagong tayo lang. Tumingala ako at sinubukang umaninang ng kahit isang Anak ng Liwanag na maari kong pagtanungan kung nasaan si Adalgard. Bigla akong napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata at bahagya akong humakbang upang sumilong. Mataas parin kasi ang araw at mas malakas rin ang sinag ng araw dito dahil walang mga puno na sasangga sa sikat ng araw na malapit dito sa pader. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay tumingin ako sa aking kanan at kalawa at napansin ang napakahabang pader na nasa harapan ko, ni hindi ko makita ang dulo nito. Kung ganito ito kahaba, maaring maraming Anak ng Liwanag ang nagbabantay dito. Muntik akong mapatalon sa aking kinatatayuan ng may bumagsak sa aking likuran. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng isang Anak ng Liwanag, sumingkit ang aking mga mata dahil hindi ko makita ang mukha nitong natatakpan ng helmet na kasama ng suot niyang armor. "Hindi mo  ba ako narinig? ano ang iyong ginagawa rito?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong at hinawakan ang hawakan ng kaning espadang nakakabit sa gilid ng kaniyang tagiliran, mahaba ito at isang tusok lang ay maari akong magbuga ng dugo. Kumurap ako at humanap ng lakas ng loob upang sumagot, "Ah, may hinahanap kasi ako." sabi ko at bahagyang yumuko bilang paggalang sa kaniya, nakahawak parin ito sa kaniyang sandata at hindi ibinababa ang kaniyang dipendsa. "Kung ano man ang iyong hinahanap ay wala iyon dito, maari kanang umalis at bumalik sa iyong tahanan." sabi naman nya na may pagbabanta, "Paumanhin pero hindi ko iyon magagawa, kabilang sa inyong ang Yaojing na hinahanap ko." sabi ko naman na may paggalang parin. "Sino naman iyon?" tanong niya at inalis na ang mga palad sa hawakan ng kaniyang sandata, "Si Adalgard." sagot ko naman sa kaniyang katanungan tila nagulat ito lumikha siya ng isang tunig na maririnig lamag kapag nagulat ang isang tao. "Ano naman ang kailangan mo sa kaniya?" tanong niya ulit, istrikto at seryuso talaga siya pagdating sa kaniyang trabaho o tungkulin. "Binilin niya sa akin na makipag kita raw ako sa kaniya sa lalong madaling panahon." sagot ko naman. "Paano ko malalaman na tunay nga ang iyong sinasabi?" tanong niya ulit, sa aking utak ay napaisip ako, ano nga ba? wala namang nabanggit si Adalgard bago maglaho sa aking isipan. "Wala akong maipapakitang patunay pero maniwala ka, hindi ko naman gagambalain ang napakahalaga niyang oras kung hindi importante ang ipinunta ko rito." sagot ko naman. Bumilis ang t***k ng puso ko, baka hindi niya ako palusotin at hindi kami magkausap ni Adalgard, isa lamang ang ibig sabihin no'n. Maaring mas matagal pa ang aming igugugol dito. Huminga ako ng malalim at hinintay ang kaniyang magiging desisyon. "Sumunod ka sa akin." sabi niya matapos ang bahagyang katahimikan sa aming pagitan. Nauna siyang naglakad hanggang sa bigla siyang tumalon sa tuktok ng pader, Tumingala muna ako ng pansamantala bago tumalon na parang dahon na inangat ng malakas na ihip ng hangin. Lumapag ako sa aking mga paa ng walang kaproble-problema at matapos no'n ay ipinagpatuloy na niya ang paglalakad kaya sumunod na ulit ako, pakanluran ang direksyon na aming tinatahak. Habang patuloy kami sa paglalakad ay nakatingin lamang ako sa aking kanan, ngayon ko lamang nakita ang kabilang bahagi ng pader. Kasalungat sa hitsura ng Shinhan, ang lupa rito ay halos mangitim na, mga punong namatay na at sa di kalayuan ay ang mga bahay na nasira. Mukhang bago pa naitayo ang pader ng Shinhan ay mapayapa ang kalupaan, pero paano at nag simula ang pag atake ng mga halimaw na siyang nag udyok sa mga Yaojing na lumikas sa loob ng mga pader na ito? Mukhang kailangan ko ring malaman ang nakaraan ng nakaraan na aking pinasukan. "Paumanhin." sabi ko ng mabangga ko siya, bigla kasi siyang tumigil, sumilip ako sa kaniyang balikat at may isa pang Anak ng Liwanag ang patakbong lumapit sa amin. "Mingyu, may namataang halimaw na palapit dito sa pader, ang estima nila dito ay isang demonyo." hingal na sabi ng Anak ng Liwanag na lumapit sa amin. Nang tumakbo sila ay tumakbo na rin ako, ayuko namang maiwan dito at baka maging agahan pa ako ng halimaw na tinutokoy nila. Pagdatin namin sa kumpulan ng mga Anak ng Liwanag na nakaharap sa kabilang bahagi ng pader ay kinausap ako ng Anak ng Liwanag na ito na Mingyu pala ang pangalan, "Makakausap mo mayamaya lang si Commander Chu Adal Gard," sabi niya, " Sa ngayon ay dumito ka muna at sikaping makaligtas dahil kami'y susugod sa halimaw na 'yon." sabi pa niya at itinuro ang napaka taas na anino ng isang nilalang na palapit nga dito sa pader. Tumango naman ako, ayuko namang mapisa at dito mamatay, hindi ko ito laban. May labang nag hihintay sa akin sa aking mundong aking iniwan. "Sugod!" sigaw ng isang pamilyaer na boses at nag sigawan silang lahat at sa isang iglap ay nakalutang na sila sa ere. Lahat sila'y nakahawak ng espada at lahat ito'y naglalabas ng ilaw na sa tingin ko ay mahika. Ganito nila gamitin ang kanilang mahika sa pakikipaglaban. Sa amin kasi ay puro spell at batuhan ng atake gamit ang aming mga wand. Napaisip tuloy ako kung papaano kami humantong sa ganoong pamamraan kung pwede namang gumamit ng napiling sandata at gamitin dito ang aming mahika. Nakatayo ako ngayon dito sa pader at pinanonood ang pag atakeng ginagawa nila, parang sa normal na labanan ng espada lang na napapanood ko sa mga pelikulang ginawa ng mga tao sa aming mundo. Ang kaibahan lamang ay totoo ito at ang mga atake nila ay nakakatako. Walang ibang ginawa ang halimaw kundi magsisigaw, nakakabingi! May anim itong mga kamay na pinambubugaw sa mga Anak ng Liwanag. Animo'y isang normal na tao na iniisturbo ng mga langaw sa kaniyang magkain. Nakakatawa mang pakinggan pero nakakamangha itong matunghayan. Mukhang makapal ang balat ng halimaw na kanilang kinakalaban. Sa tuwing tumatama ang mga espada nila sa balat ng halimaw ay lumilikha ito ng mga spark na maihahalintulat sa dalawang metal na pinagtama. Napaka swabe rin ng mga galaw ng mga Anak ng Liwanag. Parang sumasayaw sila sa hangin, hindi narin alam ng halimaw kung saan niya itatama ang mga kamay niya dahil narin siguro sa pagkalito sa sobrang dami ng umamaatke sa kaniya. Hindi ko na namalayan na nakabukaka pala ang aking bunganga habang pinapanood sila. "Isa ito sa aking pakakatandaan sa aking pagbalik sa aming mundo." bulong ko sa aking sarili habang ginagaya ang kanilang mga galawan. Baka sa pagbalik ko sa aming mundo ay mas gugustuhin ko nang gumamit ng sandata kesa sa purong kamao lamang. Mas malakas ang impak ng mga atake at mas nakakamanghang tingnan ito. Matapos ang halos kalahating mintuong pakikipag laban sa halimaw ay kanila itong napabagsak, gumawa sila ng bilog sa ibabaw nito at pinalibutan ang halimaw, sa buong oras ay nakalutang lamang sila sa himpapawid. Nakatutok ang matulis na bahagi ng kanilang espada sa katawan ng bumagsak ng halimaw hanggang sa dumaloy ang apoy na unti-unting nagsama at binalot ang katawan ng halimaw, tumagal din ito ng ilang minuto bago sila natapos. Wala nang naiwan sa katawan ng halimaw at ang bakas na lamang ng pinagbagsakan nito ang makikita. Bumalik na sila sa kinatatyuan ko, dinaanan lang nila ako na animo'y hindi nila ako nakikita at isa lamang anino. Nagulat naman ako nang may bumaba sa harapan ko, tinanggal niya ang kaniyang helmet at ngumiti, "Pasensya na kung masyadong mahaba ang iyong paghihintay." sabi nito sa akin, ngumiti naman ako pabalik nang matukoy kung sino itong lalaking nasa harapan ko. Umupo kami dito sa pader kahit pa mainit ay hindi namin inalintana, "Bakit ka napa rito?" tanong niya at agad ko namang naalala ang ibinilin sa akin ni Adalgard bago niya ako iwan sa aking isipan. "Naparito ako upang itanong kung saan nanggaling ang mahika." sagot ko naman alin sunod sa ibinilin ni Adalgard sa akin bago ako makipag kita sa Adalgard na ito. Napakamot naman siya sa kaniyang baba. "Bakit mo naman ito gustong malaman?" tanong niya ulit, "Masyadong malikot ang aking isipan at hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang pinagmulan ng mahika." sagot ko naman na nagpatawa sa kaniya. Napakunot noo naman ako. "Kung ganoon, bakit sa akin mo naisipang itanong?" tanong nanaman niya, bumuntong hininga ako, "May nakapag sabi sa akin na ikaw raw, Commander Chu Adal Gard." sagot ko naman. Habang tumatagal ako rito ay mas lalong nababago ang kaalaman ko tungkol sa mga lightborns, halos lahat ng naituro sa akin at laman ng mga manuskrito na hawak ng mga warlock ngayon ay purong walang katutuhanan o dikaya nama'y madaming kulang. Gaya na lamang ng mga Yaojing o dikaya ang kabuuan ng Shinhan, wala ni isa ang nabanggit sa mga manuskrito sa aming mundo tungkol rito. "At kanino naman ako nag kautang mula sa kaniyang pagrekomenda?" tanong niya na gustong malaman ang pagkakakilanlan ng nagsabi sa akin na dapat siya ang aking pagtanungan. "Paumanhin pero lubos niyang ibinilin sa akin na hindi ko babanggitin ang kaniyang pangalan." palusot ko naman. Hindi ko naman maaring sabihin na mula iyo sa ispirito mo, baka magresulta pa iyon ng pagkalito. Tumawa siya, "Kung gayon, tiwala ka sa kaniyang sinabi na ako nga ang makakasagot sa iyong katanungan?" tanong niya ulit. Alam ko namang nasa trenta na ang kaniyang edad pero bakit kailangang ganito kadami ang kaniyang katanungan. Tumango naman ako, "Iyon lang kung maging ikaw, Commander Chu ay hindi alam ang tungkol sa bagay na iyon." sabi ko naman na may kumpyansa sa sarili. Parang isang batang ipinagmamayabang ang test paper niya na namarkahan ng seventy points sa kaibigan niyang nakakuha ng eighty points. Muli siya tumawa, "Maganda kang kausap bata," sabi niya at pinunasan ang luha sa gilid ng kaniyang mata dahil sa kaniyang kakatawa. Ngumiti naman ako, "Kung ganoo'y makinig ka ng mabuti." sabi pa niya at sumeryuso na ang kaniyang mukha. Umayos ako ng upo, naka indian seat kami. Lagatak na ang pawis sa noo ko kaya agad kong itinaas ang aking daliri at gumawa ng isang ulap na itinapat sa araw na siyang lumikha ng anono upang pumrotekta sa amin mula sa sinag ng araw. Nagsalubong ang kaniyang mga kila, "Ngayon, papalagpasin ko ang iyong ginawa." sabi niya, doon ko lang naalala na kabilang pala ako sa mga Yaojing na hindi pinapayagang gumamit ng mahika ng walang pahintulot mula sa mga Reaper. Meron nang bagong namumuno sa mga Reaper at masasabi kong bumalik na sila sa normal simula nang maalis sa pwesto ang sakim na Reaper na kahawig ng Necromancer. Pero kanilang nilinaw na magkakaroon parin ng pagpili, ito ang pamamaraan ng pagbabawas nila ng papulasyon sa loob ng Shinhan. "Paumanhin." pag hingi ko ng tawad at yumuko sa aking mga kamao na nakayukom sa aking noo. "Kalimutan mo na, handa ka na bang makinig?" tanong niya sa akin, itinaas ko na ang aking ulo bago tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD