Lych,
Kumaripas ako ng takbo hanggang sa marating ko ang aming silid, nang binuksan ko ay bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Michael. "Balit?" tanong niya, "Kasama mo ba si Chloe kanina?" tanong ko pabalik sa kaniya at tumango naman siya.
Umupo ako sa aking kama at tinanggal ang aking coat, bumontong hininga ako, "Nakasalubong ko kasi kani at tinanong ko kung nasaan ka, ang sagot niya ay hindi niya alam dahil hindi daw siya lumabas ng kaniyang silid buong araw dahil sa masakit ang tiyan niya." mahaba kong pagkukwento sa nangyari kanina.
Tumawa naman ito, "Baka niloloko ka lang niya, alam mo na mang palabiro siya." sagot naman niya, "Ewan ko, parang kakaiba ang ikinikilos niya." sabi ko naman habang tinatanggal ko ang aking vest at inilagay sa upuan,
"Pagod lang 'yan, umidlip kana muna." suhestyon naman niya, baka nga, ewan ko ba, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagod, para akong lalagnatin.
"Gisingin mo na lang ako pag madilim na." pakiusap ko sa kaniya bago ako humiga at ipinikit ang aking mga mata.
"Lych." boses iyon ni Michael na siyang gumising sa akin, kinusot ko ang aking mata at umupo, "Anong oras na?" tanong ko sa kaniya, naka tayo siya at inaayos ang damit niya. "Alas otso na." sagot naman niya, agad akong bumangon ng maalala ang laro.
Natigilan ako nang matanaw ko ang bintana, gabi palang pala.
"Akala ko pa naman umaga na." parang nahilo tuloy ako dahil sa mabilis na pagbangon. Napailing si Michael, "Halika na, ilang minuto na lang ay maghahain na sila ng hapunan." Pagpapaalala niya sa akin.
Inayos ko na rin ang aking damit at sabay na kaming lumabas ng aming silid, nagkalat nadin ang kapwa namin estudyante.
"Nasaan si Chloe?" tanong ni Michael habang inililibot ang kaniyang paningin sa loob ng Freat Hall, maging ako ay ganoon din ang ginawa, hinanap namin siya gamit ang aming paningin ngunit bigo kami.
Hanggang sa nagsimula na nga kaming kumain at wala parin siya. Pumasok sa aking isipan ang tungkol sa paghihinala ko sa kaniya ngunti hindi ko na lamang binanggit iyon kay Michael at sinulo na lamang ito.
Hindi ko ito sasabhin sa kaniya hangga't wala akong sapata na ebidensya na tama nga ang kutob ko.
Wala parin si Headmistress Silvana sa kaniyang upuan kaya hindi ko maiwasang mapaisip na may kaguluhan nang nagyayari sa labas ng paaralan.
Naghasik na kaya ng dilim ang mga tauhan ni Leon at nang Necromancer? Habang iniisip ko ang mga iyon ay naalala ko ang aking mga magulang, miss ko na sila at labis ang aking pangamba't pagaalala, baka kung ano na ang ginawa sa kanila.
Umiling ako upang tanggalin sa aking isipan ang mga negatibong kaisipan na mga iyon at ipinag patuloy na ang pagkain sa aking hapunan.
"Henry, alam mo ba kong nasaan si Headmistress?" tanong ko sa lalaking kaharap ko, labis ang aking kyuryusidad kaya hindi ko napigilang tanongin iyon sa kaniya. Nilunok niya ang kaniyang kinkain at tumingin sa bakanteng gitnang upuan sa harrap.
Ang upuan ng Headmistress. Umiling ito, "Wala akong ideya, masanay na kayo na hindi siya palaging nakikita, hindi niyo naman aasahang uupo na lamang siya dito hindi ba?" sagot naman niya bago kumuha ng isang piraso ng mano.
Tumingin ako sa bakanteng upuan niya at napaisip na palagi niya kaya itong ginagawa? O ngayon lang napadalas dahil sa muling pagkilos ng tinatawag nilang necromancer?
Matapos naming kumain ay agad kaming lumabas at nakasalubong namin si Sylvester, "Uy! Lych!" bati niya at napaka laki ng ngiti niya, ngumiti naman ako. Tiningnan niya si Michael, naalala ko na hindi pala sila magkakilala.
"Siya nga pala si Michael, siya naman si Sylvester." pagpapakilala ko sa isa't isa, nagkamay naman sila. "Tuloy tayo bukas ha?" tinuro niya ako, tumango naman ako, "Syempre." sagot ko at nakaramdam ng pagkasabik.
"Matutuloy ang alin?" naguguluhang tanong ni Michael, "May laro kami bukas ng Girri, sayang kompleto na kami kung hindi kukunin kita." sagot naman ni Sylvester, "Ganoon ba, 'di bale manonood nalang ako." sabi naman ni Michael.
Ngumiti si Sylvester at nagpaalam na, pumasok siya sa Great Hall.
Nauna akong bumalik sa aming silid dahil may tumawag sa cellphone ni Michael at naiwan muna. Pagkabalik ko ay tumingala ako sa langit mula sa bintana.
Sobrang dilim, walang isang bitwin maliban sa buwan. Hanggang sa napatingin ako sa di kalayuan, sa burol kung saan nakatayo ang punong pinasukan namin noon at muntik kainin ng echidna.
Habang inaalala ang mga nangyari ay napansin ko ang parang usok na mabilis na gumagaaw, hindi ko ito masasabing nagmula sa apoy dahil wala naman akong natatanaw na sunog. Parang bilog ito na lumilipad.
Hanggang sa tumigil ito at may umilaw, dalawa, mata ba'yon? Kulay pula ang mga ito na nagdala ng takot sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya at ganoon din siya, muli siyang gumalaw at ngayo'y papalapit sa akin.
Papalapit siya ng papalapit hanggang sa naging malinaw ang telang itim na suot niya. Nakalutang ito at nakatitig sa akin, napaatras ako mula sa bintana. "Ahh!" sigaw ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa aking likuran at si Michael lang pala ang humawak sa akin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana ngunit wala na ang bagay na iyon doon. "Ayos ka lang? Ba't parang takot na takot ka?" tanong niya at umupo sa kaniyang kama, umupo din ako sa akin.
Huminga ako ng malalim at umiling, "May insekto kasi kanina," pagsisinungaling ko, "Sino nga pala ang tumawag sa'yo?" tanong ko sa kaniya upang maiba ang usapan. Tumingin siya sa kaniyang cellphone, "Si Chloe." sagot naman niya.
"Anong sinabi niya? Bakit daw hindi siya naghapunan?" tanong ko ulit, "Sabi niya pagod raw siya at sabi pa niya ay may pupuntahan daw kami bukas." sagot naman niya, nagkunot noo ako, "Saan naman? Bakit di ako kasama?" tanong ko nanaman.
"Di niya sinabi at kaya hindi ka namin isasama ay nabanggit ko sa kaniya ang laro mo." tugon naman niya, sabagay. Ayoko namang palagpasin ang unang pagkakataong makalaro sina Sylvester.
"Sige tulog na ulit ako." humiga na ako at ipinikit ang aking mga mata, hindi na hinintay ang sasabihin niya. Mabilis akong nilamon ng tulog at nanaginip.
Nasa burol ako, sa tapat ng mismong punong pinasukan namin noon, mabilis akong nagtago sa isang damong matatangkad ng may narinig akong nagsasalita. Ito ang nakita ko kanina, nakalutang ito at ang telang itim na suot niya ay lumulutang.
Binuksan niya ang puno at pumasok sa loob nito. Nang sumunod ako ay biglang may lalaking nakasunod dito. "Si Michael?" Bulong ko sa aking sarili, "Anong ginagawa natin dito Chloe?" tanong ng aking kaibigan.
Naguluhan ako dahil tinawag niyang Chloe ang kasama niyang nilalang. Sumunod ako sa likod nila, hindi nila ako napapansin. Napunta kami sa gitna ng puno at walang ano ano'y biglang sumigaw si Michael.
Nang tingnan ko kung ano ang nangyari ay may nakatuhog na patalim sa katawan niya at ang nilalang na kasama niya ay naging si Chloe na siyang dumagdag sa gulo ng aking isipan, "Hayop ka!" may narinig akong sigaw.
Nang lingunin ko kung kanino ito nanggaling ay nakita ko ang aking sarili, nababalot ng puting liwanag at animo'y nakalutang. Maging ang aking mga mata'y kulay puti at may dalawang bilog na lumulutang at umiikot sa tabi ko.
Maputi din ang aking buhok. Galit na gait ang aking ekspresyon at sinugod ang itim na nilala nang tumama ang kamay niya sa nilalang ay sumabog ang nakakasilaw na ilaw at nang mawala ito ay tumambad sa akin ang nakakatakot na sinaryo.
Si Chloe ay nahati sa dalawa, si Michael ay balibali ang mga buto at si Headmistress Silavana ay nakayurak sa kaniyang ulo ang kaniyang sandata. Nakatayo lamang ako sa gitna at hawak sa ulo ang nilalang.
Nanggalaiti ako at sumigaw ng pagkalakaslakas at pinisil ng mahigpt ang ulo ng nilalang hanggang sa ito'y madurog. Nanindig ang aking balahibo nang tumingin sa akin ang aking sarili, ibang iba ito sa akin!
Bigla uling lumiwanag at bigla akong napabangon, nagbalik sa katutuhanan, napatingin ako kay Michael at mahimbing itong natutulog sa kaniyang kama.
Napahawak ako sa aking noo, "Masamang panaginip." bulong ko at muling humiga hanggang sa kumalma ang aking sarili at bumalik sa tulog. Sa pagkakataong ito ay mahimbing na ang aking naging tulog.
Kinaumagahan, gaya ng aming naging nakasanayan ay kumain kami ng agahan sa Great Hall at matapos non ay naghiwalay na kami ni Michael dahil may magkaiba kaming lakad ngayon.
"Nandito na siya." rinig kong sabi ni Sylvester sa kaniyang mga kasama nang malapit na ako sa kinatatayuan nila, "Ako nga pala si Lych." pakilala ko sa aking sarili pagkalapit ko sa kanila, nasiyahan ako dahil mababait naman sila.
"Manuel." pakilala ng lalaking katabi ni Sylvester, "Loren." nakipagkamay sa akin ang isang babae, "Drake." pakilala naman ng isa pang lalaki at nakipagkamay sa akin.
"Diba sampu ang kailanagan? bakit lilima lang tayo?" tanong ko kay Sylvester at inilibot ang aking mga mata. "Nasa field na ang iba." sagot naman niya at inakbayan ako't naglakad na kami, papunta na kami ngayon sa field.
Nakatayo ako ngayon sa gitna at may hawak na broom, kompleto na kami at maging ang aming makakalaban, hindi naman magkakalayo ang aming taas kaya patas ang laban, iyon nga lang ay puro sila mga lalaki kami ay may dalawang babae pero tiwala ako sa kakayahan nila.
Hindi ko na natanong pa ang mga pangalan ng lima dahil sa nagsimula na kami.
Inatasan nila akong maging isa sa mga guard dahil sa una ko palang na laro ito. Isa si Sylvester sa mga advancer. Ilang minuto ang lumipas bago nagsimula ang aming laro, tumingin ako sa aking paligid at nagsimula nang dumami ang mga nanonood, kinabahan ako.
Nakalutang ako ngayon sa himpapawid lulan ng aking broom, nasa tapat lamang ako ng paglalagyan ng mga nahuling mga kalaban. Nagsisiliparan sila at animo'y mga bubuyog ang nililikha nilang tunog.
Dahil sa wala pang nahuhuli ay tumulog ako sa pagbabantay ng mga poles ng hindi umaalis sa aking pwesto. Hindi pwedeng gumamit ng kahit anong mahika rito kaya purong lakas at talino ang labanan.
Naghihiyawan ang mga nanonood, nakakabingi. Dikit ang laban, pantay ang puntos sa trenta. Bahagya akong nataranta ng biglang may napasok na kalaban sa kulungan, ganoon pala kapag mahuhuli ang akala ko'y pwersang ilalagay pero awtomatikong mapuputa pala doon.
Sa ibabaw ng kulungan ako pumwesto at nagmasid sa mga papalapit na kalaban. Nang may magbadyang lumapit sa kulungan ay sinalubong ko ito at nang muntik ko nang mahablot ang damit niya ay bigla itong pumataas.
Tumalikod ako upang balikan ang aking pwesto. Wala nang sumunod pang nagtangkang magligtas dito at diretso sila sa mga Knights, nagpupumilit magnakaw ng orb.
Nasa higit pintompu na ang puntos at wala paring nakakakuha sa malaking orb. Umiilaw ito at napakagandang titigan, lumitaw na ito ilang minuto na ang nakakalipas at naging mas agresibo ang mga Knights sa pagbabantay.
Hanggang sa matanaw ko ang komusyon sa kabilang pole. "Yes!" sigaw ko mula sa tuwa ng makitang hawak ng kakampi naming stealer ang napakalaking orb, sa tabi niya ay ang mga adancer at nakabuntot sa kanila ang mga kalaban.
Ginawa nila ang lahat upang mabawi ang orb, ang ilan ay pinagsisipa ang mga advancer hanggang sa mahulog sila, ang ilan nama'y binabangga ang mga broom upang mahulog din hanggang sa ang stealer na lang na may hawak ng orb ang natitira.
Kinabahan ako dahil sa lahat na ng kalaban ay nakabuntot sa kanila. Maging ang isang nakakulong na binabantayan ko ay tila sabik sa magiging resulta ng laban.
"Lych!" sigaw ng Advancer kaya nanlaki ang aking mga mata nang makita na pabagsak na siya pero ang orb ay inihagis niya patungo sa akin. Napalunok ako bago pinaandar ang broom ko at mabilis na sinalo ang orb.
Napatigil ako bahagya dahil para akong lalamunin ng alon sa hitsura ng mga kalaban. Mabilis akong bumaba at nakipaghabulan sa mga kalaban hanggang sa kumislap ang aming orb. "Heto na!" sigaw ko at mabilis na iniliko paharap sa mga kalaban ang broom ko.
Pumikit ako, hinihintay na matumba o mabangga ko sila pero walang nangyareng ganun at nang imulat ko ang aking mga mata ay naghiwahiwalay sila, takot pala sila eh.
Mabilis kong tinungo ang pinakamataas na pole at itinama ang orb na hawak ko sa aming orb. Lumikha ng ilaw at mga pasabog.
Unti-unti akong bumaba at sinalubong ako ng mga natutuwa kong mga kasama. "Ang husay mo naman pala!" bati sa akin ni Sylvester at pinalo ng bahagya ang balikat ko tumawa naman ako. Kakaiba ang tuwang nararamdaman ko ngayon.
Lahat ay nagbubunyi sa aming pagkapanalo. Bago kami umalis ay nakipagkamay muna kami sa aming mga nakalaban bilang respeto sa isa't-isa.
Nang naglalakad kami ay may napansin ako, sina Michael at Chloe papasok sa gubat. "Susunod na lang ako, may pupuntahan lang ako saglit." inimbita kasi nila akong tumambay sa dorm ni Sylvester, parang siya ang boss nila.
"Saan?" tanong ni Sylvester kaya itinuro ko ang gubata. "Basta habol ka." sabi ni Sylvester matapos niyang tumango. Nagpaalam na ako at sumakay sa broom na hawak ko. Alam kong hindi ito pwede pero hayaan mo na.
Bigla kong naalala ang panaginip ko. Nakaramdam ulit ako ng masamang kutob at imbes na tawagin sila ay tahimik akong nagmasid. Wala ni isa ang nagsasalita sa kanila hanggang sa marating namin ang burol.
Kung saan nakatayo ang puno. "Ano na naman ang gagawin natin dito?" tanong ni Michael sa kaniyang kasama. Lumingon ito sa kaniya ngunit bago nagsalita ay kumislap ang pulang kulay sa mga mata ni Chloe na siyang nagbigay ng kaba sa akin.
"Basta, sumunod ka na lang." sagot naman nito, hindi na ako nagulat nang hindi nakipag talastasan si Michael, hindi niya ugali ang magtanong ng magtanong.
Nang masiguro kong nakapasok na sila ay sumunod ako sa kanila. Ganitong-ganito ang nasa panaginip ko, ang kaibahan lang si Chloe ang nakikita ko. Si Chloe nga ba ito?
Tahimik ang paligid hanggang sa tumawa si Chloe nang nasa gitna na sila ni Michael. Nagtago ako rito sa likod ng isang malaking bato na may magandang anggulo upang makita ang mga susunod na pangyayari.
"Anong tinatawatawa mo diyan?" tanong ni Michael habang inililibot ang kaniyang paningin. "Kasi tagumpay ang plano ko!" sigaw niya na ikinagulat ng aking kaibigan. "Plano?" tanong niya, tumawa ulit si Chloe.
"Oo, tagumpay ko kayong nabihag!" pagkasigaw niya ng huling salita ay tumingin siya sa akin at lumutang ang aking katawan. Nagpupumiglas ako pero wala akong nagawa. Pinaluhod niya kaming pareho ni Michael.
"Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Michael, "Di ko alam, basta sinundan ko na lang kayo." sagot ko naman, bakit andami niyang tanong ngayon?!
"Ngayong napasa akin na kayo, makukuha ko na ang mapa!" Sigaw pa niya at muling humalakhak. "Sino ka?!" sigaw ko, sigurado ako hindi ito si Chloe.
Tumingin siya sa amin at ngumisi. Umusok ang katawan niya, sa sobrang itim ay hindi na namin ito nakita at isang iglap pa ay lumitaw ang isang lalaking mahaba ang buhok, itim ang damit nito at nang iminulat niya ang kaniyang mga mata ay naalala ko kung saan ko siya nakita.
"Surprise!" tumawa ito ng tumawa. "Ikaw!" sigaw ko, ngumisi ulit ito at nang ikuyom niya ang kaniyang palad ay nanigas ang aking katawan. "Masyado kang madaldal." sabi niya. "Nasan si Chloe?" tanong ni Michael.
"Isa kapa!" napasigaw si Michael at bumagsak sa lupa ang kaniyang katawan. Tumawa siya at tila ikinumpas ang kaniyang kamay at mula sa kaniyang likuran ay lumitaw ang lumulutang na katawan ni Chloe.
Tama ang kutob ko! simula noong magising sila ni Michael mula sa muntik nang pagkamatay nila dahil sa echidna, napansin ko na ang kakaibang awra niya. Maari kayang isa lamang sa mga hakbang ng plano niya ang aksidenteng pagkakilala namin sa echidna?
Kaya ba siya tuwangtuwa na sabihing tagumpay ang plano niya?! Simula palang ng pagdating namin rito ay siya na ang kumontrol sa mga nangyari sa amin?!
Kailan ito nangyari?!
Papaano!?