Lych,
Nagmadali kami ni Michael na pumunta sa opisina ng Headmistress pagkatapos namin kumain sa Grand Hall, balak naming ipaalam sa kaniya ang tungkol sa aming mga panaginip at sa tattoo na nasa aming dibdib.
Ngunit pagdating namin doon ay makailang ulit naming sinubukang pumasok ngunit bigo kami, "Bakit ayaw?" tanong ni Michael habang makailang ulit na sinubukang pumasok, itinapat ko ang aking mga palad sa pader at sinubukang itulak ito ngunit bigo pa din ako.
"Anong ginagawa niyo?" lumingon ako at nakita si Chloe na may bitbit na isang ibon, kasin laki ito ng palad niya at kulay asul ito, "Kailangan naming makausap ang Headmistress." si Michael ang sumagot,
"Wala siya." sagot naman niya habang hinahaplos ang hawak niyang ibon, "Saan siya pumunta?" si Michael ulit ang nagtanong, tinititigan ko lang si Chloe, "May pinuntahan siya, hindi ko alam kung saan" sagot naman niya, naningkit ang aking mga mata
"Bakit mo alam?" tanong ko, pumaharap ng bahagya, "Nakita ko." sagot naman niya habang patuloy na hinihamas ang katawan ng ibon, "Iwan ko na kayo" sabi niya at nagsimula ng maglakad, "Sama ako." sabi ni Michael,
Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko na lamang siyang sumama kay Chloe nunit habang palayo sila ay may napansin ako sa mga paa niya, parang paika–ika ang paglakad nito, nang hindi ko na matanaw ang kanilang imahe ay umalis na ako.
Habang naglalakad ako palabas ay nakarinig ako ng hiyawan, pagkalabas ko mula sa tore ay napatingin ako sa gawing kanan, ang mga estudyante ay nagkukumpulan, di kalayuan mula sa aking kinakatayuan.
Dahil sa mamaya pa ang susunod naming klase ay napagdesisyonan kong sumagliit doon. "Anong ginagawa nila?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko, tumingin siya sa akin at tila natatawa, "Girri, hindi mo ba alam ang larong iyan?" Tanong naman niya pabalik.
Napailing ako, "Tingnan mo." itinuro niya ang mga naglalarong estudyante, nakasakay sila sa kanilang mga broom at nagsisiliparan, "Pansin mo ang tatlong poste sa magkabilang panig?" tanong niya habang nakaturo sa tinutukoy niyang poste.
Tumango ako, naghihintay sa susunod niyang sasabihin, "Ang dalawa sa gilid na mas maliit ay sila ang nagbibigay ng orbs, limang puntos ang kantumbas nito sa tuwing naagaw ng kabilang panig," paliwanag niya.
"Eh paano natatapos ang laro?" tanong ko naman, "Matatapos lang ang laro kapag ang pinakamalaking poste na nasa gitna ay lumikha ng malaking orb, kadalasan itong lumalabas sa ika sampung minuto ng laro, kapag hindi nagtagumpay sa pag dipensa ang mga Knights at nag fuce ang orb ng kalaban ay maidedeklarang panalo ang grupong nakapang fuse ng orb." mahaba niyang pagpapaliwanag.
Nagpatangotango at sinubukang unawain ang mga pangyayari, nagkaroon ulit ako ng katanongan ng mapansin ang iba't ibang galaw ng mga naglalaro, "May iba't iba ba silang ginagampanan?" tanong ko sa lalaking katabi ko.
Buti na lang at hindi siya naiinis sa hindi matapostapos kong mga katanungan, tumango siya, "Oo, tingnan mo ang tatlong iyan," itinuro niya ang tatlong estudyante, babae ang isa at lalaki ang dalawa, nakalutang lang sila malapit sa mga poste.
"Sila ang Knights, prinoprotektahan nila ang mga orbs," paliwanag niya, tumango naman ako, "Ang tatlo namang iyon ay ang Guards, sila ang nagbabantay sa mga kalaban na kanilang nahuli." paliwanag niya habang itinuturo ang dalawang lalaki na nakabantay sa iisang babae, iba ang kulay ng damit nito.
"Paano sila nahuhuli?" tanong ko ulit, lumunok naman siya "Ang mga Advancer at Knights ang tanging nakakahuli sa kanila, kapag nahuli nila ang isang miyembro ng kalaban na may hawak na orb at hindi pa naifufuse sa kanilang poste ay maari nila itong ikulong." sabik akong matutunan ang larong ito, exciting!
"Makakatakas pa ba sila? ano ang Advancer?" dagdag kong katanungin, gusstuhin ko mang tigilan ang pagtatanong ngunit labis ang aking pagkamangha maging ang aking kyuryusidad. Tumango ito, "Kapag muling naka kuha ng orb ang mga kasamahan ng nahuli ay mapapalaya sila gamit ang orb kapag itinapat nila ito sa barrier, 'yon kung malalampasan nila ang mga Guards,"paliwanag niya.
"Ang Advancer naman, ang tatlong iyon ay ang sumusugod at nagbabantay sa mga Stealer, ang mga Stealer ay ang tanging mga miyembro na maaring umagaw ng orb, sa kabuuan sampung manlalaro bawat team." pagtatapos ng kaniyang pagpapaliwanag.
"Woah, salamat." lubos ang aking pasasalamat sa kaniya dahil sa kaiyang ipinakilala ang bagong larong ito sa akin, tumango siya, "Ano ulit ang pangalan mo?" tanong niya sa akin na malugod ko namang sinagot,
"Lych." sagot ko na may ngiti sa aking mukha, "Sylvester." pakilala naman niya at inalok ang kaniyang kamay. Matapos non ay nanood na kami, dikit ang laban at parehong nasa limampu na ang mga score.
Nakakabilib sila, mabilis ang kanilang lipad hanggang sa ako'y mapasigaw na din nang makuha ng mga naka dilaw na uniporme ang malaking orb, nagkagulo ang lahat ng nanonood ng mabitawan ng tumatakas na Stealer ang orb na hawak niya, mabalis niya itong hinabol ang orb pababa.
Walang umimik ng tumama ang mukha nito sa lupa, nabitawan niya ang kaniyang broom at nakabaluktot ngunit ilang saglit pa ay mabilis niyang inabot ang broom at naghiyawan ang lahat ng maifuse niya ang orb ng kalaban sa kanila.
Umilaw ang gitnang poste at sumabog, lumikha ito ng fireworks, nakamamangha!
"Gusto mong makipag laro sa amin bukas?" tanong ni Silveter sa akin, nagalangan ako nong una pero pumayag din ako dahil gusto kong maranasan ang larong ito! "Kita tayo bukas dito mismo, alas nwebe ng umaga." sabi niya bago umalis.
Umalis na din ako at nagtungo na sa aming classroom, habang naglalakad ako'y may mga nakakasalubong akong mga mag–aaral at pinag–uusapan nila ang katatapos lang na pangyayari, napapangiti din ako sa tuwing naaalala ko ang laro kanina.
Nadatnan ko na sina Chloe at Michael sa classroom, naguusap silang dalawa noong lumapit ako sa kanila, "Saan ka nanggaling?" tanong ni Michael, "Sa palaruan, nanood ako ng Girri." sagot ko naman at umupo ako sa aking mesa,
Nakaupo si Michael sa akeng lamesa at si Chloe ay maayos na nakaupo na nakaharap sa akin, "Ano 'yon?" tanong niya, napangiti naman ako, "Bukas, panoorin mo ako." may pagmamayabang kong sagot.
"Alam mong laruin?" tanong naman ni Chloe, tumango naman ako, sa tingin ko'y kaya ko naman na lalo't alam ko na ang basics!
Natigilan kami sa pag–uusap nang dumating na ang aming guro, si Professor Tariel, siya ang guro namin sa Astrology.
"Magandang umaga." bati niya at malugod naman namin siyang binati ng magandang umaga, umupo kami ng maayos at nagsimula na siya sa pagkaklase, "Ngayong araw na ito, susubukan nating intindihin ang inyong mga hinaharap," sabi niya habang may kinukuha sa kaniyang bag.
Inilabas niya ang tarot cards, "Gamit ang mga ito." dagdag pa niya, inilapag niya ito sa mesa, walang umimik sa amin, bukod sa pagtango.
"Bago natin simulan ang aktibidad na ito, gusto ko lamang na ipaalam sa inyo ang ibigsabihin ng tarot," panimula niyang muli, "Ang Tarot ay isang deck ng 78 cards, bawat isa ay may sariling imahe, simbolismo at kwento.
Ang 22 Major Arcana cards ay kumakatawan sa karmic at spiritual na aralin sa buhay. Kinakatawan nila ang isang landas patungo sa espiritwal na kamalayan sa sarili at inilalarawan ang iba't ibang mga yugto na nakasalubong namin habang naghahanap kami ng higit na kahulugan at pag-unawa. Sa ganitong paraan, ang mga kard ng Major Arcana ay nagtataglay ng malalim na makabuluhang mga aralin sa antas ng kaluluwa.
Ang 56 Minor Arcana card ay sumasalamin sa mga pagsubok at pagdurusa na nararanasan natin sa araw-araw. Itinatampok ng mga Tarot card na ito ang mas praktikal na mga aspeto ng buhay at maaaring tumukoy sa mga kasalukuyang isyu na mayroong pansamantala o maliit na impluwensya.
Sa loob ng Minor Arcana cards, mayroong 16 Tarot Court Card bawat isa na kumakatawan sa 16 magkakaibang mga katangian ng pagkatao na maaari nating piliing ipahayag sa anumang naibigay na oras. Mayroon ding 40 na may bilang na kard na nakaayos sa 4 na Suits - Tasa, Pentacles, Swords at Wands - bawat isa ay may 10 card, na kumakatawan sa iba't ibang mga sitwasyon na nakakaharap namin araw-araw." mahaba niyang pagpapaliwanag.
"Magsimula na tayo!" anunsyo niya at naglakad paharap, "Simulan natin sa iyo." itinuro niya si Adonis, ang lalaking nakaupo sa ikalawang row at may kulot at natural na pulang buhok, nagalangan itong tumayo.
"Halika dito sa harap." sabi ni Professor Tariel, mabilis namang sumunod si Adonis, "Pumili ka ng limang card." sabi niya kay Adonis, mabilis siyang bumunot at inilapag ng paharap ang mga napili niyang card,
"Sun, Six of Wands, The World, Ten of Cups and 2 of Swords." anunsyo ng aming propesor, nakatingin lang kami sa kaniya, nasasabik sa kaniya sasabihin. "Ano pong ibigsabihin niyan?" tanong ni Adonis,
"Apat sa cards na nabunot mo ay umaayon sa salitang tagumpay, mula sa iyong minimithing pangarap hanggang sa matamis na pag –ibig ay iyong matatagpuan, subali!" may diin ang huling salita na kaniyang binitawan,
"Lahat ito'y mababago sa oras na ikaw ay natakot harapin ang isang pagsubok, ang 2 of Swords ay ang simbolo ng pagkabigo kaya ang payo ko sa iyo, magpakatatag ka at mag tiwala sa iyong sarili." matapos non ay bumalik na sa kaniyang upuan si Adonis, tila nabagabag siya, natural kasi siyang matatakotin.
Naglakad siya patungo sa akin at itinuro ako, "Pumaharap ka." sabi niya, tumingin ako kay Michael, tumango siya kaya tumayo na ako at sumunod kay Professor Tariel. "Bumunot ka." Utos niya sa akin na agad ko namang ginawa, gaya ni Adonis ay bumunot ako ng sunodsunod na limang card.
Isa –isa niya itong tinitigan at tila may pangamba ang kaniyang ekspresyon, nakaramdam ako ng kaba, tinignan niya ako ng may pagkabahala, "Ano pong ibigsabihin ng mga baraha?" tanong ko nang hindi ito nakapagsalita.
Huminga ito ng malalim, "Kamatayan," bulong niya, napa pigil hininga ang mga nasa unang row, nanindig ang aking mga balahibo. "Kamatayan bukod sa isang ito," itinuro niya ang nasa gitnang card, isang babaeng may hawak na dalawang banga ng tubig na kaniyang ibinubuhos sa lupa, may mga bituwin at ibon sa taas, The Star ang nakalagay na pangalan ng card na ito.
"Hope," bulong niya, "Kung ito'y nagamit ng mabuti ay ito ang maglalayo sa iyo sa kapahamakan, may darating o ikaw mismo ang magliligtas sa iyong sarili, mag –iingat kang palagi,Lych." matapos non ay pinabalik na niya ako sa aking upuan.
Nakararamdam parin ako ng pangamba at takot, "Anong sinabi ni propesor?" tanong ni Michael, hindi nila narinig ang mga sinabi niya dahil pabulong ang mga ito, umiling ako at pinilit ang isang ngiti, "isang pag –asa." sagot ko naman,
"Iyon lang?" si Chloe ang nagtanong, "Meron pa pero masyado ako tamad upang ikwento." palusot ko na lamang. "Lagi niyong tatandaan na ang mga sinasabi ng mga baraha ay hindi palaging tama, maaring ang kahulugan nito ay ang kabaliktaran o dikaya'y walang katotohanan,
Ang inyong kapalaran ay nasa sa inyong mga palad, ang astrolohiya ay gabay lamang upang maituwid ang kasalukuyan." mahabang paliwanag at paalala ni Professor Tariel bago niya kami dinismiss. "Lych," tawag niya sa akin nang palabas na siya, mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Bakit po?" tanong ko sa kaniya, "Mag –iingat ka sa mga babae." iyon lamang ang sinabi niya bago ako iniwan kasam nang aking mga katanungan, "Ano na naman sinabi niya sa'yo?" tanong ni Michael,
Umiling ako, "Bumalik na tayo sa dorm" sabi ko at nauna nang maglakad, nagpakain ako sa aking mga katanungan at mga kaisipan at hindi ko na namalayang may nabonggo pala akong kapwa ko estudyante,
"Lych?" tila nakilala ako ng estudyanteng nabangga ko, "Sylvester!" nagulat ako nang matndaan ko kung sino itong kaharap ko, "Pasensya kana." Paghingi ko ng tawad, "Nako, ayus lang 'yon," tugon naman niya,
"Bakit ka nga ba nagmamadali?" tanong niya, "Katatapos lang kasi namin magklase, kaiangan kong sumaglit sa palikuran." palusot ko naman, "Ha? doon ang papuntang palikuran ah." itinuro niya ang kasalungat na direksyon kung saan kami nagkabangga.
"Ah ganoon ba, naninibago padin kasi ako, sige maiwan na kita." napakamot ako ng aking ulo, "Kita na lang tayo bukas!" pahabol niya, lumingon ako at itinaas ang aking kamay na naka thumbs up ang mga daliri.
Matapos non ay tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makapunta sa palikuran, napagdesisyonan kong sumaglit talaga upang makapag hilamos.
Tinitign ko ang aking sarili sa salamin habang tumutulo ang tubig sa baba ko, naalala ko ang mga sinabi ni Professor Tariel at maging ang tattoo sa dibdib ko, "Adalgard." bulong ko at nagulat ako ng may kumislap sa salamin,
Dalawang pares ng mga mata kaya napakurap ako at umiling, "Pagod na siguro ako." bulong ko at pinunasan na ang mukha bago lumabas. Nakasalubong ko si Chloe, "Diba magkasama kayo ni Michael? Nasaan siya?" tanong ko sa kaniya.
"Ha? buong araw akong nasa dorm ko, masakit kasi ang sikmura ko." sagot naman niya na gumolo sa aking isipan, hindi ako nakapagsalita agad kaya iniwan niya ako kasama ng aking ilang katanungan,
Paanong nasa dorm lang siya eh halos magkasama sila ni Michael buong araw? Anong nangyayari?