Lych,
Naglalakad ako ngayon patungo sa silid aklatan upang gawin ang aking takdang aralan, isang essay patungkol sa pinagmulan ng mahika, ang lightborns, ito ang pinaka unang mahiwagang nilalang na namuhay dito sa mundo,
May taglay itong kakaibang kapangyarihan, mas malakas sa kahit nino man, bago pa man ito maglaho kasabay ng hangin, ginawa niya ang fountain of chi, sa pamamagitan nito ay nabiyayaan ang ilan sa mga piling nilalang ng di pangkaraniwang kapangyarihan,
Wala nino man ang may alam sa lokasyon ng fountain, maliban sa amin.
Pagpasok ko sa silid aklatan ay sinalubong ako ng gurong taga pamahala rito, gamit ang aking cellphone, ipinakita ko ang mensaheng pinapahintulotan akong makapasok sa silid aklatan, galing ang kasulatan na iyon sa aming guro sa advance magic, ipinadala niya ito sa messenger owl.
Agad kong hinanap ang seksyon ng kasaysayan at matapos ay hinanap ang librong nagsasaad ng sapat na impormasyong aking kinakailangan, sa lawak, laki at taas ng bawat estante ay natagal ako sa paghahanap,
Matapos ang halos sampung minutong paghahanap ay nahanap ko na ito, hindi ko ito abot ngunit hindi ito problema, itinaas ko ang aking kamay at pilit na inaabot ito at ilang saglit lang ay lumutang ito at dahandahan kung nahawakan, matapos kong makuha ang librong kinakailangan ko ay aad akong umupo sa bakanteng upuan.
Pinag–aralan ang libro at mabusising sinulat ang essay, matapos ko dito ay agad kong ibinalik ang libro, itinapat ko lang ang libro sa dati nitong pwesto at binitawan na, lumutang ito at mabilis na nakabalik sa bakanteng pwesto.
Inayos ko ang ang pinagsulatan ko, wala akong bag na dala, sa too lang ay hindi kami gumagamit ng bag, kailanagn lang ay ang mahika, matapos namin bilhin ang aming mga pangangailangan at kagamitan ay binibigyan namin ito ng isang spell,
Na kapag inisip mong mawala ay mawawala at kapag inisip mong magpakita ay magpapakita basta't itoy iyong pag mamay–ari.
Nakatayo ako ngayon dito sa isang hagdan malapit sa infirmary, dalawang araw na ang nakakalipas simula noong makilala namin ang echidna, doon ko lamang din nakitang makipag laban ang aking tiya, ang Hedmistress ng buong paaralan ng Fleurton.
Naririnig ko na siya kay mama dati pero wala akong masyadong maalala tungkol sa kaniya, marahil siya'y meron ngunit ako'y wala.
Habang nakatingala sa bintana at nakangiting tinititigan ang malawak na kalupaan ng paaralan ay may tumawag sa akin, "Lych!" dalawang boses iyon na nagmula sa aking likuran, humarap ako at nakita ang dalawang tao na nakangiti.
"Chloe, Michael." malumanay kong sabi at mabilis na tumakbo palapit sa kanila, niyakap ko ang matalik kong kaibigan, hindi ako naging sanay na wala siya sa tabi ko, na hindi madinig ang kadaldalan niya,
Nginitian ko naman si Chloe.
"Napaka boring ng nakalipas na dalawang araw!" inakbayan ko si Michael at nagsimula ng maglakad, "Ano bang bago?" tanong naman nito sa akin, nagkibit balikat ako, "Wala naman masyado pero pinayagan ang buong klase natin na makapunta sa kalapit na syudad." pagpapaalam ko sa aking kaibigan.
"Kaso hindi ako masyadong nag–enjoy, parang outcast parin kasi ako, lalo na mag–isa lang ako." dagdag ko pa, "Winterfall ba ang tinotukoy mo?" tanong ni Chloe, lumingon ako sa kaniya at tumango, "Sumunod ako sa iba at napunta ako sa tinatawag nilang CrockedHat." kwento ko kay Michael habang naglalakad,
"Pagpasok ko, puno iyon ng iba't ibang arcade! tapos may inumin pa silang napaka sarap! naka ilang bote na nga ako non?" dagdag ko habang inaalala kung ilan,puro tawa naman at tango si Michael,
"Nakapunta na din ako doon!" sabi naman ni Chloe, "Kailan?" tanong ni Michael, tumigil kami sa paglalakad at tiningnan siya, "Ah eh, noong bata palang ako." sagot naman niya matapos non ay nagpatuloy na kami sa paglalakad at itinuloy ang aking pagkukwento.
"Iwan ko na muna kayo, pupunta lang ako sa aking silid" tumango ako, "Sige." sabi ni Michael at nginitian si Michael, "Oo nga pala, may takdang araling ibinigay si Professor Loaraine." sabi ko sa kaibigan ko, tila nataranta naman ito.
"Maiintindihan naman siguro niya kaya wag kang mag alala." dagdag ko pa, dumiretso kami sa isang tore kung nasaan ang opisina ng headmistress, "Anong gagawin natin dito?" tanong niya, "Pinapatawag kasi tayo, sabi ng Headmistress, pagkagising na pagkagising mo daw ay dalhin kita dito." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Matapos naming pumasok sa opisina niya ay bumungad sa amin ang nakatalikod na Headmistress, "Headmistress." pag tawag ko sa kaniya, tumingin naman at umupo sa kaniyang upuan,
"Mabuti naman at nagising kana." kausap niya si Michael, ngumiti naman siya, "Magaling po ang nag–alaga sa amin." sagot naman niya, "Bakit niyo pala kami pinatawag?' tanong ko, may kinuha siya sa kaniyang lamesa.
Ipinakita niya sa amin ang isang pahayagan, ang nakalagay sa unang pahina ay "He's back" iyan ang nakasulat kasama nito ay ang litrato ng isang daan, kuha ito mula sa itaas, ang daan na ito ay aking nakilala, "Sa bahay po ito ah?" gulat kong tanong, ang aming bahay ay nasunog maging ang kina Michaael at sa daanan na naguugnay sa dalawang bahay ay may isang simbolong nakaguhit.
"Necromancer." sabi niya, umangat ang aming tingin sa kaniya, "Ano po iyon?" tanong ni Michael, "Ito ang tawag sa itim na warlock, ang warlock na nakipag–ugnay sa mga demonyo upang magkaroon ng masmalakas na kapangyarihan." pagpapaliwanag niya.
"Siya ang may hawak sa mga magulang mo, Lych." sabi pa niya, "Nasaan po ang mga magulang ko?" tanong ni Michael habang tinitingnan ang litrato, "Matagal na silang wala riyan, kasabay ng inyong pagpunta dito ay ipinadala ko sila sa isang lugar na walang sinumang nakakaalam maliban sa piling mga kasapi." paliwanag niya.
Nakahinga ng mabuti si Michael, naibsan ang kaniyang pag–aalala, "Sino po ang mga tunutukoy niyong kasapi?" tanong ko ulit, "Makikilala niyo rin sila, ngunit hindi na muna ngayon." sagot naman niya, tumango nalang ako bilang tugon.
"Ipinatawag ko kayo rito dahil gusto kong sabihin an doblehin ninyo ang inyong pag–iingat, maliwanag na ang pakay ng Necromancer sa pag sira sa inyong tahanan ay ang susi sa fountain, maaring kayo ang isunod, bagamat nasa loob kayo ng paaralan at walang ano mang kalaban ang makakapasok lalo na't ako ang namamahala ay mas maigi na ang mag–iingat, ang aksidente ay maaring mangyari kahit nasaang sulok kaman ng mundo." mahaba niyang pag–papaalala.
Matapos non ay umalis na kami, saktong oras na para sa aming advance magic na klase, pagdating namin sa silid ay nakaupo na ang mga ka klase namain, maging si Chloe, umupo ako sa gitna ng dalawa.
"Saan kayo nanggaling?" tanong ni Chloe, "Sa op––" tinakpan ko ang bunganga ni Michael upang matigilan siya sa pagsasalita, "Sa oblong, oo sa oblong." ako na ang sumagot, gaya ng sinabi ni Headmistress, kailangan naming mag–ingat.
Ang oblong ay ang lugar kung saan ang ibang mga estudyante ay nagkakasama, doon din nagaganap ang mga aktibidad ng paaralan. Nalaman ko iyon mula sa isa naming ka klase.
"Ha?" tanong nito, alam kong hindi kapanipaniwala ang sinagot ko pero hayaan mo na, sakto namang dumating na ang aming propesor kaya hindi ko na siya sinagot pa.
Isang beses ko na siyang nameet, mabait naman siya hindi tulad ng masungit at nakakatakot namin potion teacher.
Matapos ang maliit na usapin ay naalala niya ang aming takdang aralin, ipinasa namin ito, "Michael at Chloe, bibigyan ko kayo ng isang araw na palugit." sabi niya, tila alam na niya na wala sa kanilang dalawa.
Nagpasalamat si Chloe at ganoon din si Michael.
"Ngayon ang pag–aaralan natin ay kung paanong gumamit ng mga spell kahit hindi na kailangang isigaw pa ang pangalan nito, ang kailangan lang ay imahinasyon." sabi niya sa amin, ibigsabihin isa nanaman itong activity.
Lumabas kami at pumunta sa Great Hall, gaya ng ginawa noon ng aming propesor sa counter spells ay pinawala niya ang mga mesa at upuan, naging isang malawak na entablado. Matapos ng mahabang pagpapaliwanag ay sinubukan na namin ang gumamit ng spell kahit na hindi isinisigaw ang pangalan nito.
"Tatlo–tatlo para mabilis tayong matapos!" sigaw niya, agad kaming pumila, nag bulontaryo si Chloe at hinila kami ni Michael. Nakatayo kami ngayon dito sa harapan ng buong klase, hawak ang aming mga wand.
"Ngayon, subukan ninyo." sabi ng aming propesor, tinitigan ko ang aking wand, at ikinumpas ito, walang nangyari, maging si Michael ngunit si Chloe ay nagawa niyang magpalabas ng apoy mula sa kaniyang wand.
"Magaling Chloe." pagpuri niya sa kaniya, ngumiti naman si Chloe, "Alalahanin ninyo, lawakan ang isipan bago gumawa ng mahika." kami ang kausap niya, maka ilang ulit ko itong sinuukan ngunit wala parin.
Hanggang sa ipinikit ko ang aking mga mata, huminga ng malalim at inisip ang hangin, dinama ko ang bawat pagtama nito at ibinulong sa aking isipan ang anemos, naramdaman ko ang lamig sa aking mukha, maging ang aking buhok ay tila lumilipad ng imulat ko ang aking mga mata ay may isang maliit na ipo ipo sa dullo ng aking wand.
"Magaling, ngayon palakihin ninyo ito." hindi ko namalayan ay maging si Michael at nagawa narin ito, pinalaki ko ang ipo ipo, hanggang sa maging ang mga damit ng aking ka klase ay gumalaw na rin.
Kidlat ang kay Michael at itinama niya ito sa isang upuan, akala namin ay sasabog ito ngunit hindi, pinabalikbalik namin ang aming mga mahika, "Nakakabilib ang inyong kontrol sa inyong mga mahika."papuri ng aming propesor.
Matapos non ay bumaba na kami mula sa entablado, nag apir kami ni Michael at masayang itinago ang aming mga wand, sa buong klase, si Chloe lang ang nakakuha nito sa unang subok, lahat kami'y nahirapan sa makailang ulit.
Hindi nagtagal ay bumalik na kami sa aming mga silid, iyon lamang ang aming klase sa araw na ito, bukas ay ang alchemy.
Naririto na kami ngayon sa Great Hall at masayang kumakain ng hapunan, ang nakapag tataka'y wala ang Headmistress, si Professor Hilda ang nagpahayag ng isang maikling mensahe, tahimik ang lahat, wala ni isang umimik o gumalaw.
"Kumain na kayo." matapos ay umupo na siya, bigla ulit lumitaw ang napakaraming pagkain sa aming harapan, nagsimula na kaming kumain.
Matapos ang halos kalahating oras ay nagsibalikan na kami sa aming mga silid, naiwang nag–uusap sina Chloe at Michael sa labas ngunit bago ko siya iniwan ay pinaalalahanan ko siya na huwag na huwag niya babanggitin ang kahit na ano mang bagay tungkol sa mga pamilya namin.
Bukod kay Headmistress Silvana, tanging ang mga propesor lang ang nakakaalam na kami'y anak ng mga tagabantay sa fountain of chi, ang pinagmulan ng lahat ng mahika.
Ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis na nakatulog.
Sa aking isipan ako'y naglalakad sa isang maliwanag na lugar hanggang sa maaninag ko ang fountain, ngunit may kakaiba rito, may isang parang lumulutang na bagay na nasa malapit nito, "Sino ang nandyan?" tanong ko, "Lumapit ka." napakalamig na boses ang sumagot,
Marahan akong lumbas mula sa aking kinroroonan, tiningnan ko kung saan ako nagmula ngunit bigla itong nawala, "Sino ka?" tanong ko, unti–unti'y nagkaroon ito ng hitsurra, parang isang robot, ito'y walang mga paa, malaki ang katawan, matutulis na balikat at may sungay, sa itaas nito ay isang bilog na kulay puti, lumulutang ito gamit ang parang apoy ngunit kulay puti't manilawnilaw ito.
"Ako si Adalgard." pakilala niya, nanlaki ang aking mga mata, "Ang isa sa lightborns?" tanong ko, nasisilaw parin sa kaniyang liwanag, "Kong iyan ang inyong tawag sa akin, ay oo." sagot niya, napaka gaan ng kaniyang pananalita.
"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko ulit sa kaniya, "Ikaw na anak ni Mason at Lisa, ang may hawak sa aking kapangyarihan, ipinatawag kita rito upang ipaalam na ang iyong kinakatakutan ay maisasakatuparan, isang gabi na hawak ng dilim." sabi nito, wala kong naintindihan sa kaniyang sinabi.
"Wala akong maintindihan, ano ang iyong ibigsabihin?" tanong ko ngunit hindi na ako nakatanggap ng kasagutan, dinig ko mula sa aking isipan ang boses ni Michael na pilit akong ginigising,
Tumingala ako at nang tingnan muli ang aking kaharap, naglaho ito kasabay ng hangin.
Napabaringkwas ako mula sa aking kama, bumungad sa akin ang mukha ni Michael na tila nag–aalala,"Bakit?" tanong ko sa kaniya, biglla niya akong niyakap, "Akala ko kung kukunin kana ng liwanag." bulong niya sa akin,
"Ano?" tanong ko sa kaniya, umalis siya sa pagkakayakap sa akin,"Lumulutang ka kasi kanina, tapos lumiliwanag ka, lalo na diyan sa dibdib mo." sabi niya at itinuro ang aking dibdib.
Agad kong tiningnan ito, "Ano 'yan?" tanong ni Michael na nakisilip na din, "Kailan ka nagpa tattoo?" tanong pa niya, umiling ako, "Hindi ko alam." sagot ko sa kaniya, katulad nito ang hitsura ni Adalgard,
Ano kaya ang kapangyarihang tinutokoy niya? ang kakayhan ko bang gumamit ng mahika na nagtalaga sa akin bilang warlock?
Umiling na lang ak, "Maayos lang ang pakiramdam ko kaya matulog kana." sabi ko kay Michael, tumango naman siya at humiga na sa kaniyang higaan, muli akong humiga at inalala ang mga sinabi ni Adalgard.
Kahit na anong pag–unawa ko ay hindi ko parin mapagtanto kung ano ang kaniyang pahiwatig, muli kong ipinikit ang aking mga mata at pinilit na muling makatulog, nang hindi ako dalawin ng antok ay lumabas ako at pumuntang grand hall,
"Ngayon ko lang nakita ito ah." bulong ko sa aking sarili, may isang pintuan sa dingding ng bulwagan, pinihit ko ito at pumasok, nagulat ako sa aking nakita, isang malawak na kusina at ang laman nito'y mga "House elves?" tumingin sila sa akin at itinigil ang paglilinis ng mga plato.
"Sino ka? bakit ka naririto?" isa–isa silang bumaba mula sa mga upuan na kanilang kinakatayuan at lumapit sa akin, ang isa'y may hawak pang patalim, natakot ako kaya napabaringkwas ako ng takbo.
Tanging mayayaman lang ang may kayang kumuha ng house elf, tapat sila sa kanilang tungkulin at handang paglingkuran ang mga susunod pang henerasyon ng pamilyang kanilang pinaglilingkuran.
Ngunit sadyang kakaiba ang kanilang anyo, maliit na mukha, malalaking mata at mahahabng tenga, maliit ang kanilang ilong at sakto lang ang kanilang bungnga, nakasuot sila ng puting damit na habang tumatagal ay umiitim.
Walang saplot pang ibaba dahil mahahaba ang kanilang pang itaas, maliliit at hanggang baywang lang ang mga ito.
Agad akong bumalik sa aking silid at nag tago sa aking kumot, di nagtagal ay tinanggal ko rin ang aking kumot, napansin ko ang hindi mapakaling si Michael.
Nilapitan ko siya, "Michael!" inalog ko ang katawan niya ngunit hindi siya nagising, ilang ulit ko itong ginawa hanggang sa bumukas ang mga mata niya, ang nakakabigla ay purong itim ito, lumutang ang katawan niya at parang may nasusunog sa dibdib niya.
Maitim na liwanag ang nagmula rito, tinalo pa ang sinag ng buwan, makailang ulit ko siyang inalog at tinawag sa kaniyang pangalan hanggang sa mahigpit niyang hinawakan ang aking braso.
Paggising niya agad kung tiningnan kung may tattoo suya sa kaniyang dibdib, magkapareho kami ng tattoo, "Anong nakita mo?" hinawakan ko siya sa magkaparehong balikat, "Adalhard." spabulong na sagot niya.
"Kailangan nating mahanap ang propesiya." dagdag niya, "Anong propesiya? saan?" naguguluhan ako sa sinabi niya, "Ang propesiya, dito nakalahad ang ating hinaharap." dagdag pa niya, ulit–ulit niya itong sabi hanggang sa muli siyang nakatulog.
Nagimbal ako sa pangyayari at pilit na inisip kung bakit nagpakita sa amin ang lightborns, ano ang ibig nilang ipahiwatig? ano ang propesiya?