Lych,
Narito kami ngayon ni Michael sa aming silid, madalim na at hinihintay lang namin ang oras ng hapunan."Nasaan kaya ngayon sina mama?" tanong ni Michael sa kaniyang sarili, marahil ay nagaalala siya sa kaniyang mga magulang.
Maging ako'y kinakabahan para sa aking mga magulang, hawak sila ni Leon at ni hindi ko alam kung buhay pa sila o di kaya nama'y nasa tamang pag–iisip pa sila.
Saktong tumunog na ang kampana hudyat na alas siyete na ng gabi, bumangon si Michael mula sa pagkakahiga at inayos ang kaniyang uniporme nasuot parin namin ang aming mga uniporme.
"Tara na." Aya ko sa kaniya.
Siya ang nagbukas ng pinto at tinungo na namin ang Great Hall, isa ito sa mga lugar na hindi namin malilimutan kung nasaan ito, isa ito sa pinakamalawak na silid sa buong paaralan at napakaliwanag ng loob nito.
Paglabas namin ay saktong nakita kami ni Chloe na papuntang Grand Hall na rin. "Sabay na tayo!" Masaya niyang sabi. "Oo ba!" sagot naman ni Michael, tumango naman ako.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang Great Hall, medyo maingay dito dahil puno na ng mga estudyanteng kadadating lang, pumunta kami sa gitnang mesa at pumaharap.
Nagsidatingan nadin ang mga propesor at ang headmistress, umupo sila sa harap sa pahalang na mahabang mesa, umupo ang Headmistress sa gitnang upuan na napalamutian ng ginto, ito ang pinakamataas sa lahat.
Matapos umupo ng lahat ay kinuha ng Headmistess ang aming atensyon, natigil ang lahat, nagbigay siya ng maikling mensahe bago ikinumpas ang kamay at lumitaw ang iba't ibang putahe sa aming harapan.
"Kainan na!" mabilis na naglagay ng mga pagkain si Michael sa kaniyang plato, halos hindi na magkasya ang mga ito. "Hindi tatakbo ang mga pagkain." Sabi ni Chloe at umiling bago naglagay ng sapat na pagkain sa kaniyang plato, maging ako ay ganoon din ang ginawa.
May sinabi si Michael ngunit hindi namin naintindihan dahil sa puno ang kaniyang bunganga, sabay kaming umiling ni Chloe at hinayaan nalang siyang kumain. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pagkain dahil wala pa naman akong nadadaanang kusina dito.
Matapos no'n ay sabaysabay kaming tumungo sa mga silid tulugan, dahil sa maaga pa ay ginamit na muna namin ang aming mga cellphone. May mga pinagusapan kami ni Michael, lalo na ang tungkol kay Leon at sa muling pagsibol ng itim na warlock.
Hindi ko namalayan ang oras at alas nwebe na pala, inayos ko na ang aking kama, nagpalit nadin ako sa aking pantulog, ganoon din si Michael at nang pahiga na ako ay saktong nagchat si Chloe sa akin.
"Nasaan kayo ni Michael?" tanong nito,
"Sa aming silid, bakit?" tanong ko din, iniupo ko muna ang sarili ko
"Lumabas kayo, may ipapakita ako." Sagot naman niya,
"May curfew diba?" tanong ko, nagtaka ako sa paanyaya niya
"Mamayang alas diyes pa naman." Katwiran naman niya.
Bumuntong hininga ako, "Michael." Tawag ko sa nakapikit nang kaibigan, iminulat niya ang isang niyang mata kaya ipinakita ko sa kaniya ang mensahe ni Chloe. "Textmate pala kayo?! ang bilis mo naman!" sabi niya habang hawak ang cellphone ko at umupo.
Umiling naman ako.
"Ano? lalabas tayo?" tanong ko sa kaniya at hinintay ang kaniyang desisyon. "Siyempre!" sagot naman niya, kahit kailan hindi mo siya maririning na tumanggi, lagi siya sumasang-ayon sa kahit na anong bagay.
Muli kong binuksan ang messenger owl upang ipaalam kay Chloe na sumasang-ayon kami sa imbitasyon niya.
Ang messenger owl ay isang aplikasyon na para lamang sa mga mag–aaral ng Fleurton, ginagamit namin ito upang ma contact ang kapwa namin mag–aaral, kumpara sa tradisyonal na pagpapadala ng mensahe gamit ang kwago, mas mabilis ito at mas madaling gawin.
Marami pang ibang bagay dito sa paaralan ang isinunod sa mga makabagong kagamitan ngayon, gaya ng mga vending machine, sinehan, at mga mechanical na mga broom stick, gamit ang motor ay napapalipad ang mag ito at pwedeng gamiting pang transportasyon.
Hindi tulad sa mga depiksyon ng mga tao na ang mga warlock ay nakakalipad gamit lang ang broom stick, totoong nakakapagpalutang kami ng mga bagay ngunit hindi nito kayang suportahan ang bigat namin.
Salamat sa mga siyentipikong mga warlock, nakahanap sila ng paraan kung paano isa buhay ang depiksyon ng mga tao sa amin, mga warlock na lumilipad gamit ang mga broom stick.
Lumabas na kami ni Michael at naghihintay naman si Chloe sa labas. "Ano ang ipapakita mo?" kaagad kong tanong sa kaniya, nagmasid ako sa paligid at wala nang mga estudyante. "Sumunod kayo sa akin." Sabi niya bago lumakad, may hawak siyang flash light.
"Gamitin iyo ito." Humarap siya sa amin ni Michael at iniabot ang dalawang flash light. "Madilim ba ang pupuntahan natin? paalala lang ha, hindi ako sanay sa madidilim na lugar." Sabi ni Michael na mas dumikit sa akin.
"Basta sumunod kayo sa akin." Sagot naman ni Chloe at nag patuloy na sa paglalakad, lumabas kami mula sa maliit na pintuan ng paaralan, narito na kami ngayon sa field, nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang burol at sa itaas nito ay may malaking puno.
Lumapit kami dito.
"Ito na 'yon?" tanong ni Michael at tumingala upang tingnan ang itaas ng puno. "Meron pa." Sagot naman ni Chloe, inilabas niya ang kaniyang wand. "Apokalypto." Ikinumpas niya ang kaniyang wand at unti–unting may kinang sa mismong katawan ng puno hanggang sa magkaroon ng pintuang kasing laki namin.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. "Paano mo ito nalaman?" tanong ko kay Chloe nang mapawi na ang pagka gulat ko. "Naghahanap kasi ako ng dumi ng kuneho tapos aksidente akong naumpog dito sa puno at nadinig kong parang walang laman sa loob." Paliwanag niya.
"Bakit ka naghahanap ng dumi ng kuneho?" tanong ni Michael, maging ako'y iyon din ang nasa isipan. "Wala ka nang pake." Sagot niya kaya napangiwi na lang ang aking kaibigan. "Xekleidoma." Muli niyang ikinumpas ang kaniyang wand at nakarinig kami ng tunog, parang natanggal ang kung ano mang nakaharang sa pinto.
"Wierdo ata 'yang nobya mo." Bulong sa akin ni Michael, tiningnan ko naman siya ng masama bago naunang pumasok si Chloe matapos niyang buksan ang pinto, pag apak ng isa niyang paa sa loob ay bigla siya nahulog, nagsisigaw ito.
Naiwan kami ni Michael na gulat padin, patuloy sa pagsigaw si Chloe kaya nagkatinginan kami ni Michael. "Alam mo, naantok na ako." Sabi niya sa akin at akma nang aalis nang magsalita si Chloe. "Dali! Bumaba na kayo!" sigaw nito na para bang hindi siya nahulog.
Dumapa si Michael at isinilip ang ulo sa loob ng puno. "Buhay kapa?!" sigaw naman niya pabalik, umiling ako, pinag kiskis ko ang aking mga kamay at inilihis bahagya ang manggas ng aking damit. "Lych!" Reklamo ni Michael nang iangat ko ang kaniyang mga paa, itinaas ko ang mga ito hanggang sa maging kalebel ng aking mga balikat.
Unti–unti nang napasok ang katawan ni Michael sa loob, "Chloe! saluhin mo!" sigaw ko at binitawan na ang mga paa ni Michael, sumigaw ito ng sumigaw hanggang sa makarinig ako ng pagbagsak at matapos no'n ay sumunod na ako.
Pagbaba ko ay iniinda nina Michael at Chloe ang dumudugo nilang mga labi, tiningnan nila ako ng masama kaya bago pa nila ako mahawakan ay tumakbo ako sa kung saan man patungo ang lagusan na ito, binuksan ko na din ang aking flash light.
Inilabas ko ang aking wand at ginamit na panghawi sa mga sapot na sumasalubong sa akin, patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin ang hinuha ko'y pinaka gitna ng lugar na ito, pabilog ito at puno ito ng iba't ibang lagusan sa mga gilid.
Natigilan ako sa pagtakbo, tumayo ang dalawa sa aking tabi. "Alam mo ba ang tungkol dito?" hingal kong tanong kay Chloe. "Hindi." Sagot naaman niya, humakbang ako paharap. "Wag!" Sigaw ni Michael.
Tumingin ako sa kaniya at pininangkitan ng mga mata. "Bakit?" tanong ko at nakipagtitigan lamang sa mga mata niya. "Baka may biglang lumitaw at kainin ka o dikaya may patibong at bigla kang pisain!" nanginginig na sagot ni Michael, umiling ang katabi niyang si Chloe at sumunod sa akin.
"Nakita mo, wala naman diba, buhay pa kami." Sabi ni Chloe, nagdadalawang isip si Michael kung susunod ba siya sa amin o hindi pero hidi nagtagal ay sumunnod din siya. Tinahak namin ang pabilog na ito hanggang sa maabot ang isang mas maliit na bilog, tumingla kami at kita ang mga ugat ng puno.
Merong kaunting liwanag ang pumapasok mula sa katawan ng puno. "Ano 'yon?!" mabilis na itinutok ni Michael ang kaniyang flash light sa isa sa mga lagusan. "Narinig niyo iyon?!" nanginginig at natatarantang sabi ni Michael.
Iginala ko ang aking mga mata hanggang sa makadinig nang tila isang lumang makinang biglang gumana ulit, umalingawngaw ito at mas lumakas at bumilis pa, nagtama ang aming mga likod at inilabas nila ang kanilang mga wand.
Muli kong ginawa ang laso.
"Ektelesi!" sigaw ni Chloe sa direksyon ng isa sa mga lagusan at tumama ito sa isang pader, nagbagsakan ang mga tipak ng bato, mas naging sensitibo pa kami nang may narinig kaming sumisitsit, lumingalinga kami.
Itinututok ang mga flash light sa kung ano mang parteng nakadirinig kami ng paggalaw hanggang sa may nadining kaming nagsalita, nagbibilang ito at sa huling numerong binigkas niya ay may mga metal na bagay ang pumalibot sa amin.
"Sabi ko na nga ba mamatay ako ngayon!" sigaw ni Michael, nagpapanik na ito at pilit na sinisira ang mga bakal, saktong sa amin lang nakatutok ang ilaw mula sa labas at madilim ang kapaligiran. "Mama!" sigaw ni Michael, maging ako'y napakapit nang mahigpit sa kamy ni Chloe, habang siya'y nabitawan niya ang kaniyang wand.
Isang ahas? dragon? hindi ko alam, parang pinaghalo ang ang hitsura nito, may dalawa itong kamay na may tatlong daliri o mga mahahaba't matutulis na kuko. "Matagal din akong hindi nagkaroon ng bisita." Sabi nito at may sitsit na parang ahas sa mga pagitan ng kaniyang mga salita.
Kasabay pa nito ang mabilis na paglabas ng kaniyang dila, napaatras kaming tatlo hanggang sa sumandal sa likurang bahagi ng kulungan. "Si–sino ka?!" nauutal kong tanong ngunit tumawa lamang ito. "Ako ang Echidna, ang pinakamaganda sa lahat!" sagot niya.
Mas tumaas pa siya at hinarangan ang ilaw na galing sa labas at unti–unti itong bumaba, naging kalahating babae ang katawan niya, nagulat kami nang biglang sumigaw si Michael nang mapansin ang napakadaming ahas sa aming paligid.
"Mga anak, si mama muna." Tila kinakausap niya ang mga ito. "Tama ba ang narinig ko?" tanong ni Chloe habang si Michael ay pumwesto sa gitna nami ni Chloe. "Anong mga pangalan niyo?" malumanay niyang tanong pero nakakatakot parin ang dating nito.
"Michael!" sigaw niya, umiling ako, sakabila ng panginginig niya ay nagawa pa niyang sabihin ang pangalan niya. Sumitsit ulit ito bago nagtago sa dilim at nagbago ang kulang ng mata nito, mula sa pula ay naging berde ito.
Matapos no'n ay tumingin ako kay Michael. "Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya, hindi ito sumagot at nanatili lang ito sa pwesto niya. Inulit kong tanungin siya at sinabayan ng paghawak sa balikat niya ngunit nagulat ako ng bugla siyang matumba na parang isang estatwa.
"Anong nagyayari?!" tanong ko kay Chloe, tiningnan niya ako, "Petrification... echidna." Bulong niya, ilang ulit niyang binulong ang mga salitang iyon, tila may inaalala siya kaya hinayaan ko na muna siya at bumalik kay Michael. Nanigas siya, inayos ko ang pagkahiga niya bahagyang pingsasampal ang pisngi niya.
Nagbabakasakaling bumalik siya ngunit habang tumatagal ay parang lumalamig ang balat niya at mas lalong naninigas. Saktong tumayo ako't tumingin kay Chloe ay nasa harapan ko na siya, napakalapit ng aming mga mukha halos magdikit ang aming ilong.
"Alam ko na!" sigaw niya na parang naalala na ang kaniyang inaalala. "Isa siyang halimaw sa dilim, isa sa kapangyarihan niya ay ang petrification ngunit magagawa lang niya iyon kapag sinagot mo ang katanungan niya." Paliwanag niya na animo'y kilalangkilala niya ang tinutukoy niya.
Tumama sa aking isipan ang pagsagot ni Michael sa tanong ng echidna, kaya napetrify siya, tumawa ang echidna at muling nagpakita sa liwanag.
"Walang sinumang pwedeng makaalam ng aking sikreto!" ikinumpas niya ang kaniyang kaliwang kamay at mabilis na gumapang ang mga ahas. "Masyado kang maalam bata, kailangan mong mawala." Dagdag pa ng echidna.
Palapit na nang palapit ang mga ahas sa amin, lalo na kay Chloe. "Astrapi!" Sigaw ni Chloe nang may dumikit sa paa niya, inuulit niya ito sa tuwing may magtatangkang umakyat sa paa niya. Tumingin ako sa aking kanan at nakitang lumalapit na ang mga ahas kay Michael.
Hinigpitan ko ang hawak sa aking wand.
"Anemos!" sigaw ko at malakas na hangin ang lumabas mula sa aking wand, ngunit sa tuwing naitataboy sila palayo ay bumabalik parin ang mga ito, ang isa pang problema ay nakahawak na ang kamay ng echidna kay Chloe!
"Lych!" sigaw nito, humihingi ng tulong nang biglang bumukas ang itaas ng kulungan at inilabas ng echidna si Chloe. Tinitigan ko ang aking wand, iniisip kung anong pwedeng gamitin, naalala ko ang latigo, "Mastigio" bulong ko habang iniikot ang wand at itinutok ito kay Choloe.
Mabilis na pumulupot ang latigo sa kaniyang kanang paa, hinila ko siya ngunit masyadong malakas ang echidna kaya pati ako'y lumutang na ang katawan. Hinawakan ng echidna ang laso at tinanggal mula sa paa ni Chloe, iniangat niya ako hanggang sa tapat ng mga mata niya.
"Iyon lang ba ang kaya mo?" tanong nito, sasagot na sana ako nang biglang sumigaw si Chloe, naalala ko ang sinabi niya sa akin kaya hindi ako sumagot.
"Tumahimik ka!" Gamit ang isa niyang kuko tinakpan niya ang bibig ni Chloe, unti–unti niyang hinila ang latigo, hindi ako nakagalaw agad kaya ngayo'y hawak na niya ang aking wand. "Hindi!" sigaw ko nang bigla niya itong baliin.
"Ngayon wala ka nang magagamit." Sabi niya habang tumatawa, napaluhod ako, hindi ko pwedeng gamitin ang mga wand nina Chloe at Michael. Isa iyong kondisyon mula mismo sa mga wand, tanging ang mga master lang nila ang kanilang paglilingkuran.
Kaya kahit pilitin ko ay hindi ako makakagawa ng mahika!
Lumapit ang mga ahas sa akin kaya umatras ako ngunit masyado silang mabilis. Hindi nila ako kinagat ngunit pinalibutan nila ang buo kung katawan hanggang sa ulo ko na lang ang nka litaw, hindi ako makagalaw.
Mas humihigpit pa ang pagpulupot nila!
Tumawa ang echidna, itinaas niya si Chloe hanggang sa maging kalebel ng kaniyang mga mata matapos niyang tinitigan ito'y bumukas ang napakalaki niyang bunganga, nandig ang aking balahibo. Nagpupumiglas si Chloe ngunit wala siyang nagawa. "Chloe!" sigaw ko nang nilunok siya ng buo ng echidna.
Matapos no,n ay mabilis niyang kinuha si Michael. "Huwag!" sigaw ko, inulit ulit ko ito hanggang sa mapaos na ako habang tumawa lamang siya at parang isang pirasong kornik lang ang nilunok niya, umiyak ako.
Parang nadurog ang puso ko.
"Michael." bulong ko habang tumutulo ang aking mga luha, ni wala man lang akong nagawa upang iligtas ang pinaka matalik kong kaibigan. "Sunod." Sabi ng echidna na para bang nasa fast food chain lamang ito.
Kusang gumalaw ang aking katawan.
Ang mga ahas mismo ang nagdala sa akin sa harapan ng echidna. "Ang gwapo mong mukha ay matutunaw lang sa aking sikmura." Sabi niya bago ako kinuha mula sa mga ahas, nakaramdam ako ng poot at galit.
Nanlulumo padin ako sa pagkain niya sa kaibigan ko, naiinis ako sa sarili ko at sa kaniya!
"Hayop ka!" sigaw ko at pilit na kinagat ang kamay niya, tumawa ito. "Wala iyang magagwa sa akin!" sabi niya at iniangat pa ako, bumukas ang bunganga niya. "Ahhhh!" sigaw ko, napapikit ako at hinihintay na lamunin ako ngunit walang nangyari.
"Sylvana?" tanong ng echidna, tumingin ako sa aking likuran at nakita si Headmistress Sylvana, suot ang kulay abo niyang pantulog na roba, nakatayo siya at hawak ang kaniyang wand, kumpara sa ibang mga wand, kakaiba ang hitsura nito.
"Diba sinabi kung hindi ka dapat kumain ng mga warlock?" tanong niya, tumawa ang echidna. "Inakala mo talagang susundin kita?" tanong ng echidna at maikling tumawa. "Siguro." Sagot naman ng Headmistress, napalaki ako ng mata. "Hindi!" Sigaw ko.
"Bakit, Lych?" nagulat ako sa nagtanong. "Gaya ka parin ng dati Sylvana." Sabi ng echidna, magkakilala sila?! at bakit hindi naapektuhan si Headmistress Sylvana?!
"Madami na akong pinagbago echidna." Sagot naman ng Headmistress, ibinaba ako ng echidna at muling pinalibutan ng ahas, nakaharap ako ngayon sa kanilang dalawa, ang kalahati ng mga ahas ay mabilis na sumugod kay Headmistress ngunit isang kumpas lang niya ng kanyang wand ay tila naging mga kahoy na lamang ang mga ito.
"Bumalik kana sa iyong pag tulog echidna." Sabi ni Headmistress. "Hindi! ayoko!" sigaw ng echidna at mabilis pinasugod ang mga ahas ngunit gaya ng mga nauna ay nagig kahoy lamang ang mga ito.
Nainis ang echidna at siya na mismo ang sumugod, marahas niyang pinagkakalmot si Headmistress ngunit ang tumatanggap lamang sa pagatake niya ay isang ilaw ng kalasag, ni hindi man lang umalis sa kaniyang pwesto si Headmistress.
"Ahh!" napatili ang echidna at lumabas ang matatalas niyang pangil at bumalik sa anyo niyang parang dragon, tinanggal ng Headmistress ang kaniyang kalasag bago sumugod ang echidna at napapikit ako sa takot na makain si Headmistress.
Inakala kong magkakaroon ng malakas na tunog ngunit nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ng isang malaking bola ang echidna, umiilaw ang dulo ng wand ni Headmistress, tubig kay iyon?
Nagpalit palit ng anyo ang echidna hanggang sa maging malaking ahas na lamang ito, walang kamay walang maahahbang pangil, normal lang na ahas, umilaw ito at mula sa bolang tubig ay lumabas ang mga katawan ni Michael at Chloe, gustuhin ko man silang lapitan ay hindi ko magawa dahil napapalibutan padin ako ng mga ahas?
Nanlaki ang aking mga mata ng mapansing hindi na ahas ang nakapalibot sa akin kundi mga maninipis lamang na kahot, iginalaw ko ang aking kamay at madali lang itong nabali, matapos non ay mabilis kong tinanggal ang lahat at nilapitan ang dalawa.
Tiningnan ang kanilang mga pulso, buhay pa naman sila, salamat.
Tiningnan ko si Headmstress Silvana, nawala na ang kulungan sa gitna, inilapag niya ang bula ng tubig doon at pinagyelo ito, napansin ko ang pag–iibang kulay ng echidna, parang naging bato ito?
Matapos non ay gumapang ang mga ugat at pinalibutan ang bolang yellow hanggang sa wala nanag makita mula sa bola, lumapit si Headmistress. "Hali na kayo." Sabi niya. "Diko po sila kayang buhatin." Sabi ko sa kaniya at tiningnan ang mga walang malay na katawan nina Michael at Chloe.
Matapos kong sabihin iyon ay lumapit ang ilan pang mga ugat at sila ang bumuhat sa aming lahat hanggang sa makalabas kami sa katawan ng puno "Palutangin mo na sila." Utos niya sa akin, nag alangan ako. "Bakit?" tanong niya,
Tumingin ako sa mga mata niya. "Binali po ng echidna ang wand ko." Sagot ko naman, bumuntang hininga siya, umilaw ang dulo ng kaniyang wand at lumutang ang katawan nina Chloe at Michael.
Naririto ako ngayon sa infirmary, wala naman akong sugat pero pinilit ako ng headmistress na manatili dito, may ibinigay sa akin ang namamahala sa infirmary at nanaginumin ko ito ay muntik na akong masuka.
Pagkaubos ko ng aking inumin ay bigla akong nakaramdam ng pagkaantok at bumagsak na nga ang aking katawan.
Binalot ako ng kadiliman.
May lumitaw na mga mata, naalala ko ang mata ng echidna ngunit iba ang boses nito at tila mas maliit ang distansya ng mga mata sa isa't–isa, lumapit ako at natanaw ang isang walang mukhang nakarobang itim na lalaki.
May hawak itong baston na may kung ano–anong nakasabit dito, sa tabi niya ay ang aking mga magulang, lalapit sana ako kaso parang napako ako sa aking kinakatayuan. "Nasaan ang fountain of chi?" tanong nito.
Naguluhan ako sa tanong niya.
"Sino ka?" tanong ko, tumawa siya at tinanggal ang nakatakip sa mukha niya, lumitaw sa akin ang isang mukhang nakangisi.
"Leon?!"