CHAPTER 5: Duel

2539 Words
Lych, "Magandang umaga." Pumasok ang isang lalaking parang nasa singkwenta na ang tanda. "Magandang umaga  sir." Bati ng mga ka klase ko kaya nagpalingalinga lamang ako. "Nakarating sa akin na may bagong salta sa seksyon na ito, nasaan sila?" tanong ng lalaki na parang hinahanap niya kami. Itinaas ni Michael ang kaniyang kamay kaya ginaya ko naki gaya narin ako. "Nariyan pala kayo." Lumapit siya saaming kinauupuan. "Kung inyong mararapatin, maari ko bang malaman ang inyong mga pangalan?" nasa akin ang kaniyang mga mata kaya ako na ang naunang nagsalita. "Lych sir." Sagot ko naman at tumango naman ito bago bumaling ang kaniyang paningin kay Michael. "Ako naman po si Michael sir." Matapos non ay ngumiti siya at tumalikod na. "Ako si Professor Miggy, ako ang magtuturo sa inyo ang tungkol sa mga  counter spells." Sabi niya habang papuntang harapan. "Apokalypto." Bigkas niya at may biglang lumitaw na mga sulat mula sa pisara. "Ito ang mga spells na maaring gamitin ng isang warlock." Tila ba napabuntong hininga ang lahat habang nakatingin sa harapan. "Boring." Bulong sa akin ni Chloe kaya napakunot ang aking noo. "Ito rin ang mga spells na maaring gamitin pang dipensa sa sarili ngunit may iilang mga spell na mas mainam na gamitin." Binilugan niya ang ilan sa mga ito gamit ang isang tisa. "Bilang inyong guro, responsibilidad kong sanayin kayong dipensahan ang inyong mga sarili." Dagdag pa niya at muling bumalik ang kaniyang paningin sa amin. Ngumis siya at inilabas ang kaniyang wand mula sa kaniyang tagiliran. "Sinong gustong maglaro?" tanong niya at biglang naghiyawan ang mga kaklase ko at nagtataasan ng kamay. "Anong ibig sabihin ni Professor Miggy?" tanong ko kay Chloe habang tinatakpan ang tenga ko. Ganoon din ang tanong ni Michael at nakatakip din ang kaniyang mga palad sa kaniyang mga tenga. "Isang practicom, magde-demo si Prof!" malakas na sabi ni Chloe, linalabanan ang ingay ng iba. Agad akong tumingin ako kay Michael upang ibahagi ang sinabi ni Chloe. "Mag de-demo daw si Prof" Ipinasa ko sa kaniya ang sinabi ni Chloe. "Edi maganda!" nasiglahan si Michael sa kaniyang narinig. "Okay class! sundan niyo ako!" anunsyo ni Professor Miggy at awtomatikong bumuo ng linya ang mga kaklase ko, napagtulakan kaming dalawa ni Michael kaya napunta kami sa dulo. Matapos no'n ay sinimulan na naming lumakad palabas ng silid aralan. "Saan kaya tayo pupunta?" tanong ni Michael sa akin pero napakibit balikat lamang ako dahil sa wala rn akong ideya kung saan kami papunta. Tila ba pamilyar ang nilalakaran namin, naningkit ang mga mata ko nang pumasok kami si Great Hall, kung saan kami nagalmusal kanina. Tumigil si Professor Miggy at itinaas ang kaniyang wand. "Exafanizomai." Kasabay ng kaniyang pagbigkas ay ang pagkumpas ng kaniyang wand. Tila ba yumanig ang lupa at unti-unting naglaho ang mga upuan at mahahabang mesa rito. "Dalawahan ang magiging hati sa inyo, kayo na ang bahalang pumili ng kasama niyo." Paliwanag nito, awtomatikong kami ni Michael ang magkasama, si Chloe naman ay kasama ang isang babae naming kaklase. "Kayo na ang mauuna, Lych at Michael." Tumingin silang lahat sa amin ni Michael kaya nakadama ako ng kaba. Nagaalangan kaming pumaharap. "Magtungo kayo sa magkaibang dulo ng parisukat na iyon." Turo niya at nagtaka naman ako kung ano ang tinutukoy niya. "Pero wala naman pong—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagliwanag ng sahig. Lumitaw ang isang hugis parisukat na parang isang entablado, medyo mataas ito mula sa sahig, pumwesto kami ni Michael sa magkaibang dulo. "Ihanda ang inyong mga wand." Tagubilin ng aming propesor. Magkataharap kami ngayon ni Michael at may may malawak kaming pagitan. "Ngayon, atakihin niya ang isa't–isa." Dagdag niya kaya napanganga ako. "Ano po?!" ulgat kong tanong, tumingin ako kay Michael at nagulat din siya sa sinabi ng aming propesor. "Gawin niyo na lang, meron naman tayong infirmary, basta wag niyong patayin ang isa't–isa." Sanay na nga ata siya sa ganitong gawain. Sabagay, practicom nga raw ang isasagawa. Tumingin ako kay Michael, tumango siya, mas hinigpitan ko ang hawak ko sa aking wand.  "Anemos." Lumabas ang malakas na hangin mula sa dulo ng aking wand at dumiretso ito kay Michael, mabilis siyang dumapa at gumulong upang iwasan ang bulosok ng hangin. "Teka lang, may hindi pa pala ako nasabi, ang unang mahulog mula sa parisukat ay siyang matatalo at ibigsabihin panalo ang natitira." Pinutol ni Professor Miggy ang aming laban, napabuntong hininga na lang ako. "Mag simula kayo ulit." Anunsyo niya upang ipagpatuloy ang laban. Muli kaming umayos ng tindig ni Michael, kahit papaano ay may natandaan ako sa mga tinuro ng tatay ni Michael. "Astrapi." Sabi ni Michael, nagulat ako ng makita ang mabilis na bulosok ng kuryente sa aking mukha, buti na lang ay nakailag ako. Mukhang sineseryuso na ito ni Michael. "Mastigio!" Itinaas ko ang aking wand at pinaikot–ikot ito, unti-unting humaba ang kulay asul na bagay mula sa dulo ng aking wand, matapos ang ilang segundo ay ibinagsak ko ang aking kamay dahilan upang magkaroon ng tunog ang pagtama ng latigo sa sahig. Agad kong itinama ito sa kinatatayuan ni Michael, tumalon siya kaya naiwasan niya ang aking atake at tanging ang kinatatayuan lamang niya ang tumanggap ng pinsala. "Aspida!" sigaw niya at bumuo ng isang kalasag upang kaniyang apakan sa ere, inulit-ulit kong itama ang latigo sa anumang aapakan niya ngunit hindi ko siya mahuli. Sa ikahuli kong pagtira ay nagkamali siya ng apak at nawalan ng balanse, unti–unti siyang nahulog mula sa ere, ililigtas ko na sana siya ng biglang may lumitaw na panibagong kalasag na siyang tumanggap sa pwersa ng pagbagsak niya. Nagpaulan siya ng bolang apoy sa aking direksyon at patakbo ko itong iniwasan, tinungo ko ang direksyon niya at itinama ang latigo sa paa niya, pumulopot ito at saka ko hinila pababa, bumagsak ito ngunit may kalasag siyang hawak. "Tigil!" natigilan naman kami ni Michael at parehong napalingon sa aming propesor at sinenyasan niya kaming tapos na ang aming laban. Naging tabla ang resulta ng aming laban, agad ko namang nilapitan si Michael at tinulungan siyang tumayo. "Walang mananalo kung puro kayo iwas o dikaya naman tinatanggap niyo nalang ang bawat atake ng bawat isa" mukha na dismaya ang aming propesor. "Subukan niyong ibalik ang atake mula sa pinagmulan o dikaya naman ay gamitin niyong oportunidad, hindi 'yong puro kayo takbo!" sigaw nito kaya napaatras ako. "Ulit!" sigaw nito kaya mabilis kaming tumayo sa magkaibang dulo ng parihaba, huminga ako ng malalim. Ang akala ko'y tapos na hindi pa pala. Muli kong inulit ang pagpapalabas ng malakas na hangin upang mapatalon si Michael sa ere, ngunit hindi gaya ng kanina, sinalubong ito ng mga bato na mula kay Michael na naging dahilan ito ng pagbuo ng makapal na hamog, nawalan sa aking paningin si Michael. "Ahh!" sigaw ko ng makaramdam ako ng mainit at panginginig sa aking balikat, napaluhod ako at nakita ang nakangiting si Michael. Unti-unti kong itinayo ang sarili ko at gumawa ng isang espadang gawa sa apoy, mabilis kong isinaksak ito kay Michael ngunit ang tumanggap ng pagatake ay ang kaniyang kalasag. "Nice one." Ngumiti siya at tumalon at nawala ulit sa aking paningin, ginagamit niyang cover ang hamog na ito! sinubokan kong gamitin ang hangin upang maitaboy ang hamog ngunit mas lumala lang. "Ahhh!" muli akong nakuryente, halos hindi ko mabilang kung ilang beses iyon naulit, nakadapa ako sa sahig at tagaktak ang pawis, hanggang sa may ideya na pumasok sa aking isipan. Tama nga ang sinabi nila na gumagana ang utak sa pinakamataas na kapasidad kapag nasa desperadong kalagayan ang isang tao.  "Rogmi." Bulong ko at umilaw ang dulo ng aking wand. Matapos no'n ay nagkaroon ng malakas na tunog, palatandaan sa pagbitak ng sahig. "Aray!" Narinig kong bases, maaring natisud siya. Imbes na magpalabas ako ng hangin ay pahigop ang aking ginawa. Parang isang buhawing pumasok ang hangin sa aking wand at agad na lumitaw si Michael na pinipilit hugotin ang nakabaong paa niya. "Nahuli din kita." Sabi ko at hindi na maitago ang aking ngiti, tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya at saktong natatakpan siya ng aking anino, itinuro ko ang aking wand sa kaniya. "Afxisi."  Unti-unti siyang tumaas at naalis sa lupang kumain sa paa niya, lumakad ako at tinungo ang dulo ng parihabang entablado at tiningnan ko siya habang nakalutang ito habang nakasunod sa akin. "Panalo ako." Ngumiti ako atsaka ko siya inihagis palabas sa parihaba. Nakarinig ako ng palakpak kaya napatingin ako sa kinroroonan ng aming propesor. "Magaling!" sigaw ng aming propesor na animo'y tuwang-tuwa siya sa aking ginawa. "Congrats." Bati sa akin ni Michael nang lapitan ko siya upang siguraduhing hindi ko siya napuruhan ng malala. "Nahirapan nga ako eh." Sagot ko naman at nagtawanan nalang kami. "Sana ay may natutunan kayo sa inyong pagtutuos." Sabi ng aming propesor nang makabalik na kami sa kanila. Ipinatong ni Professor Miggy ang kaniyang kamay sa aming ulo ni Michael, tumango na lamang kami. Sunod ngayon ay si Chloe at ang kaniyang makakalaban na isa pang babae. "Pustahan, wala pang isang minuto talo na si Chloe." Bulong ng lalaking nasa likuran na aksidente ko namang narinig. "Bakit naman?" tanong ni Michael at kinailangan pa niyang humarap sa likuran. "Wala pang nakakatalo kay Merida." Sagot naman ng lalaking nagsalita kanina. "Tinalo niya kayo?" tila maling tinanong iyon ni Michael, tila na tigil sa pagsasalit ang lalaking kausap niya kaya siniko ko siya. "Manood ka nalang." Sagot na lamang niya, nagkibit balikat si Michael at tumingin na sa harapan.  Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko, napaka daldal walang preno ang bunganga. Ilang minuto pa ay nagsimula na silang maglaban, gaya ng sinabi ng lalaki kanina ay napakalakas ni Merida, sunodsunod ang pagpapaulan niya ng apoy kay Chloe pero ang kinagulat namin ay ni walang tumama kay Chloe. Kita ang inis sa mukha ni Merida at mas dumami pa ang apoy na papunta sa direksyon ni Chloe at gaya ng kanina'y wala man lang tumama sa kaniya. "Labanan ng pwersa at isipan." Sabi ng aming propesor habang hawak ang dulo ng kaniyang baba. Gumawa ng napakalaking kalasag si Chloe, ito ang tumatanggap sa walang tigil na atake ni Merida na halos inilugay na niya ang kaniyang buhok at parang nanggagalaiti na ito sa galit samantalang itong si Chloe at nakangiti lang at hindi nababahala. Tiningnan niya ang kaniyang kamay, animo'y may suot siyang relo kahit na wala naman, nagkibitbalikat ito at huminga ng malalim, muli niyang inilabas ang kaniyang wand. "Episynapto!" Sigaw niya at nagkaroon ng nakakabulag na ilaw. Napatakip kaming lahat ng aming mga mata at nang medyo dumilim na ay nakita ko si Chloe, nakatayo at nakataas ang kaniyang wand, sa taas nito ay isang malaking bilog, hitsurang araw at matapos no'n ay itinuro niya ang kaniyang wand sa direksyon ni Merida at kasabay nito ang bolang nakakasilaw. "Mapapatay niya si Merida!" hinila ni Michael ang robang suot ng aming propesor, tiningnan niya ito ng masama. "Shh." Sabi lamang niya at napunta pa ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi. Hinawakan ako ni Michael na tila nagaalala sa kahihinatnan ng labanang ito. Tumingin ako sa iba at ganoon din ang kanilang ekspresyon, hindi naman ako maniniwala na papatay ng isang warlock si Chloe. Ilang milya na lang ang layo nito sa mukha ni Merida nang bigla itong sumigaw. "Ahhhh!" sigaw ng mga kaklase ko na parang nadala na rin sa kanilang pinapanood.  Nagkaroon ng malakas na pagsabog na lumikha ng malakas na hangin kaya napapikit ako upang makaiwas sa puwin. "Holy sh*t!" Sigaw ni Michael habang nakahawak sa kaniyang buhok kaya napamulat kaagad ako sa aking mga mata.Tiningnan naman siya ng masama ng aming propesor. "Tara tingnan natin." Aya ng isa sa mga kaklase namin, total parepareho kaming sabik sa kung ano ang nangyari kay Merida ay tinungo naming lahat ang kaniyang puwesto. Sa likuran ng kaniyang puwesto ay ang isang malaking c***k at ang akala ko'y masiisra na ang buong Great Hall. "Buhay kapa?!" tanong ni Michael, hinila ko naman ang kamay nito at inilingan siya nang tiningnan niya ako. "Bakit?" tanong niya at sinenyasan ko siyang tumahimik. "Brilliant!" pumalakpak ang aming propesor na para bang hindi niya nakita ang ginawa ni Chloe. Agad na tumayo si Merida mula sa kaniyang pagkakatumba. "Muntik na niya akong patayin tapos brilliant?!" sigaw ni Merida, nakakapanggulat na wala man lang siyang natamong sugat. Tumawa ang aming propesor kaya maging akoy naningkit din ang mga mata. "Sino sa tingin mo ang gumawa ng butas na iyan?" Itinuro niya ang malaking butas mula sa paanan ng parisukat. "Ako!" masayang nakangiti si Chloe na nasa loob parin ng parisukat habang naglalakad papunta sa amin at bigla siyang tumalon na saktong pumasok sa butas sa loob ng entablado at para bang nag slide siya palabas ng parisukat. "Kita niyo, sa labanan ng isip at pwersa ay mas mataas ang tiyansang manalo ang isang may malawak ang pag–iisip." Paliwanag ng aming propesor na hanggang ngayon ay bumibilib parin sa ginawa ni Chloe. "Kaya marapat lang na mahasa pati ang ating isipan at hindi lamang ang pisikal na lakas." Dagdag pa niya, napakabulohang aral. "Bumalik na kayo sa silid niyo, naghihintay na doon ang susunod niyong guro." Nakangiting sabi niya. "Takbo!" Sigaw ng isa sa amin, hindi ko alam kung bakit pero sumunod na lamang ako sa kanilang lahat. "Bakit tayo tumatakbo?" Tanong ko kay Chloe na nasa aking tabi. "Si Professr Hilda ang sunod nating klase, istrikto siya pagdating sa oras! ayaw mong susubukang mahuli sa klase niya!" paliwanag ni Chloe, lahat kami'y binilisan pa ang takbo at panay ang hingi namin ng tawad sa tuwing may nabobonggo kaming mga estudyante. "Limang minuto akong naghintay dito!" padabog niyang inilapag ang kaniyang libro, nakalinya kami sa harapan niya, tumayo siya mula sa kaniyang upuan. Napaka tangkad niya, maputi na ang buhok at nakasuot ng salamin, kulobot ang balat at nakasuot siya ng make up. Mataray niyang sinimulan ang pagtingin sa amin, simula sa isang lalaki hanggang sa akin. "Bago ang inyong mga mukha." Sabi nito kaya napalunok ako dahil hindi na niya inalis ang paningin niya sa akin! "Opo, ako po si Michael." Itinaas niya ang kaniyang kamay at ngumiti. "Tinanong ko ba?" Sabi naman ng propesor, napa sampal na lamang ako sa aking noo. "Oh, gusto mo palang sampalin ang sarili mo, bakit 'di mo pa lakasan?" sarkastiko niyang sabi, yumoko na lamang ako. Ramdam ko na kung bakit siya kinakatakotan. "Ayaw kong masira ang magandang araw ko kaya magsibalik na kayo sa inyong upuan." Mabilis kaming kumilos at hindi gumawa ng ingay. "Ako si Professor Hilda, ako ang magtuturo sa inyo tunkol sa mga potions!" pakilala niya sa kaniyang sarili. Hinuha ko, para sa amin ang pagpapakilala niyang iyon dahil bukod sa amin ni Michael ay kilala na siya. Sinimulan na niya ang pagpapaliwanag sa kung ano–anong potion ang maaring malikha gamit ang mga naayon na sangkap. Istrikto siyang magturo kaya tahimik kaming lahat, tumingin ako kay Chloe at napakaayos ng kaniyang upo, diretso ang kaniyang katawan at tila naging bato na ito, ganoon din ang iba. Ito palang ang una kong araw ko bilang estudyante sa akademyang ito at marami ng nakakatakot na bagay ang aking naranasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD