bc

Beautiful Mistake

book_age16+
573
FOLLOW
2.3K
READ
second chance
pregnant
CEO
single mother
drama
comedy
sweet
lighthearted
first love
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

It was a one night mistake...

The mistake that changed my life...

The mistake that complete me...

The mistake that give me incredible happiness...

The mistake that remind me that I'm not worthless...

That was my most Beautiful Mistake...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagising ako dahil sa iyak ni Lazarus pagkatingin ko sa orasan ay alas onse palang hindi ito ang karaniwang gising niya kaya nagtaka ako. Pupungas-pungas na nilapitan ko ito saka hinawakan para sana buhatin ngunit naramdaman ko na parang hindi normal ang init ng mga kamay niya kaya agad kong pinakiramdaman ang noo at leeg niya at sobrang init nun doon nagising ang diwa ko. Agad ko kong kinuha ang makapal na balabal habang pinapatahan ito saka kami lumabas ng bahay kita kong pulang pula na ito kaya ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot na baka kung anong mangyari sa anak ko. Lakad takbo ang ginawa ko ng wala akong mamataan na sasakyan naiiyak na din ako dahil sa hindi matigil na pagiyak ng anak ko yung iyak pa naman niya ay yung parang di na humihinga kaya mas lalong nagririgudon ang puso ko. Nung sa wakas ay may mamataan akong sasakyan ay agad akong suminyas dito buti nalang ay tumigil ito at agad na binuksan ang bintana agad akong sumilip doon. "S-sir tulungan niyo po kami, parang awa mo na" Pagmamakaawa ko. "Naku ineng ano bang nangyayari?" Nagaalalang tanong nito. "Yung anak ko po kailangang madala sa ospital inaapoy po kasi ng lagnat" Umiiyak na sabi ko. "Sige pasakayin mo na Arturo bilis" Narinig ko nalang na may nagsalita sa likod nito. Agad namang bumaba yung Manong na tinawag na Arturo at pinagbuksan ako ng pinto agad akong nagpasalamat dito. At nung paglingon ko sa likod para sana magpasalamat ay ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa nakita ko, maging siya ay nakita kong bahagya ding nanlaki ang mga mata pagkakita sa akin. "M-maraming salamat po" Utal na sabi ko tinanguan lang ako nito. Nang makarating na kami sa ospital ay dali dali na akong bumaba at tumakbo papasok buti nalang ay may nakita akong Doktor at humingi ako ng tulong dito agad naman nitong dinaluhan ang anak ko at ipinasok sa isang ward habang ako ay pinaupo muna sa labas. Di mapakaling paro't parito ako napatigil lang ako nung may humawak sa balikat ko, nagulat ako dahil sa pagangat ko ng tingin ay si Don Rafael ang nabungaran ko. "Iha, huminahon ka, magiging okay din ang lahat" Malamyos ang boses nitong sabi sabay ang pagakap nito sa akin. Doon ako umiyak ng umiyak. Ilang minuto pa nung mahimas-masan na ako na siyang paglabas ng doctor. Agad akong lumapit dito. "Are you the mother?" Tanong nito. "Opo. Ano pong problema sa anak ko? " Di mapakaling tanong ko. "He's okay now, he had a fever because of the vaccine pero normal lang yun buti ay nadala niyo agad dahil baka magkaroon ng complications pag napabayaan. You'll have to stay here until he's fever is gone so that we can closely observe him" Doon na ako nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito. Maging sa ward kung saan nilagay ang anak ko ay sinundan pa rin ako ni Don Rafael. "Nalungkot at nagaalala ako nung marinig ko ang balita na umalis ka, now you have a son, I can't believe it, naunahan mo pa yung anak ko" Nagbibirong sabi nito na palihim kong ikinangiwi, kung alam niya lang, napailing nalang ako sa isip ko. "Naasan na nga pala yung ama niyan? Kanina pa tayo dito pero wala pa rin siya" "Ahm..eh...iniwan niya na po kami" Alangan na sagot ko buti nalang nakatalikod ako sa kanya habang inaayos ang mga gamit sa side table. Kilala ako ni Don Rafael at halos siya na ang tumayong magulang ko simula nung maulila ako nung sampung taong gulang palang ako, kaya alam kong malalaman niya agad na nagsisinungaling ako. "Oh sorry for that. Ibig sabihin ba niyan ikaw lang mag-isa ang nagtataguyod sa anak mo? " Sa boses niya nahihimigan kong nakakunot-noo na ito. "Opo. Sa awa po ng diyos nakakaya ko naman" Mahinang sabi ko habang nakatingin lang ako sa malaanghel na mukha ng anak ko habang natutulog. "Why don't you just go back? You can continue your studies tutulungan kita gaya ng plano and tutulungan kitang alagaan ang anak mo, parang apo ko na din ito" Lumapit siya sa kabilang gilid ng kama at nung tignan ko siya ay nakatingin lang siya sa anak ko. "Hindi na po ayos na po kami" Kunot-noong nilingon ako nito naikinatakot ko. "Do you know how worried I was when I heard that you left the mansion? Para na kitang anak Mari and I can't sleep well at night knowing your situation. Kaya please lang just come with me and let me help you again. Let me fulfill your father's wish" Nagmamakaawang sabi nito doon na tumulo ang luha ko at napahagulgol na ako. Naramdaman kong lumapit sa akin si Don Rafael at niyakap niya ako at malambing na pinatahan. "I'm sorry po nabigo ko po kayo, I'm sorry po at bigla nalang akong umalis ng hindi nagpapaalam, hiyang-hiya po ako sa inyo, wala na akong mukhang maihaharap matapos ng nagawa ko. I'm sorry po" Hindi ko alam kung naiinitindihan niya ba ang sinasabi ko dahil sa lakas ng iyak at hagulgol ko di pa ako makapagsalita ng maayos. Kung may nagiisa man akong kakampi man ako sa mundong 'to siya iyon at si Laz hindi lang ako nito kinupkop itinuring din ako nitong parang tunay niyang anak kaya nakokonsensya at nahihiya ako sa oras na malaman niya ang lahat. Binigo ko na siya ng hindi ako makapagtapos ng pagaaral at sa oras na malaman niya ang lihim ko tiyak kong mabibigo ko nanaman siya. "Shh. Iha tama na, ayos lang yun ang mahalaga ay ligtas ka at maayos. Walang araw na hindi kita inisip, nagalala talaga ako sayo, ang bata mo pa para mamuhay mag-isa, pinahanap kita pero hindi kita mahanap. Buti nalang at nakita na kita. Umuwi ka na huh" Malambing nitong sabi sa akin, na lalo kong kinaiyak. ••• Sobrang bilis ng pangyayari hindi na nagpapigil si Don Rafael at pagkalabas lang ni Baby Lazarus nung hapon sa ospital ay sinundo na niya kami at ngayon nandito na kami sa mansyon. Ang mansyon na kinalakihan ko na at naging tahanan ko sa nagdaang taon simula ng maulila ako. Wala pa rin itong pinagbago ganon pa rin ito simula nung umalis ako dalawang taon na ang nakakaraan kung meron mang nagbago ay yun at may mga bagong mukha sa akin gaya nalang kay Mang Arturo na bagong driver ni Don Rafael. "Yun pa rin yung kwarto mo, pinalinis ko na iyon" Ngiting-ngiti na sabi nito habang gigil na pinaghahalikan si Baby Lazarus na ngayon ay panay hagikhik tuwang-tuwa kay Don Rafael. "Hmm. Gusto ko pa rin pong magtrabaho sa inyo tulad po ng dati" Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ni Lazarus, gusto sana nito na tulungan ako ng mga katulong, tinanggihan ko na, ako lang ang gumagalaw sa mga gamit ni Lazarus para alam ko agad kung saan nakalagay sa oras na kailanganin niya. Baby pa lang kasi si Laz ay maikli na ang pasensya mana sa pinagmanahan. "Iha, di na kailangan, magfocus ka na muna sa pagaaral mo at anak mo" Seryosong sabi ni Don Rafael at ramdam ko na ang tingin niya sa akin. "Hindi na po muna ako magaaral maliit pa po yung anak baka po paglumaki laki na siya" Sabi ko dito. Hindi naman sa hindi ko gustong magaral nakakahiya lang na kung dalawa kami ni Laz ang paggagastusan niya at gusto ko din kasi matututukan ko si Lazarus habang lumalaki ayaw kong may mamiss ako sa mga ganap sa buhay niya at tiyak ko din na hindi ko na magagawa iyon sa oras magaral na ako dahil mahahati ang atensyon ko at hindi din pwe-pwedeng hindi ako kumilos sa bahay dahil nakakahiya iyon. Rinig kong na napa-buntong hininga nalang ito. "Sige ikaw bahala. Basta wag ka ng maglayas ulit baka kung anong magyari wala akong mukhang maihaharap sa ama mo sa kabilang buhay" Sabi nito kaya napangiti na ako. "Ako na muna ang bahala sa bata ayusin mo muna ang mga gamit niyo sa kwarto" Tanging tango lang ang sagot ko dito. Pagkarating ko sa dating kwarto ay wala pa ring nagbago kung anong iniwan ko ay ganon pa din ito siguro ang nadagdag lang ay yung kuna at stroller, baby chair at kung anu-anong laruan. Saktong tapos ko ng maayos ang mga gamit namin nung pumasok si Don Rafael na namrumrublema at pilit na pinapatahan si Lazarus na umiiyak sa bisig niya. Agad kong kinuha si Lazarus at hinele doon na ito napatigil sa pagiyak at kinakapa na ng bibig niya ang dibdib ko na may kahit na may damit pa, agad kong pinahiran ang namumuong pawis at luha sa pisngi nito. "Gutom na po ata siya" Naiilang na sabi ko habang nakatingin kay Lazarus na pilit sumisipsip sa dibdib kong may damit. "Sige labas na muna ako " Nakangiting paalam ni Don Rafael. Tinanguan ko ito at nung makalabas na siya ay niya ay agad ko ng pinadede ang bata na kanina pa umuungot. Napangewi ako dahil sa katakawan nito halatang gutom na gutom. Pagkatapos kong padedehin ay nakatulog din ito agad. ••• Puyat at pagod ako kinabukasan dahil sa madaling araw nung manggising si Laz tabi lang kasi kami matulog nakiusap kasi ako kay Don Rafael na kung pwede alisin na muna yung kuna at kama dahil sa lapag lang kami ni Lazarus di kasi makatulog yun pag di kami tabi parang may radar yun at nagigising agad pag alam niyang wala ako sa tabi niya. Agad namang pumayag ang matanda at nagpumilit pa na ipacarpet yung kwarto para safe daw si Baby Laz napapayag nalang ako dahil wala naman akong magagawa dahil nagpumilit siya at ayon nga pinapaayos na niya ngayon. Ala sais pa nga lang ay nandoon na ang Don kumatok sa kwarto siya na daw ang magpapaaraw sa bata, ayon sila ngayon sa garden ng mansion habang ako ay tumulong na din sa pagluluto at paglilinis. Agad akong sinalubong ni Ate Hilda ng mahigpit na yakap siya lang ang nakaclose ko dati bali lima kasi kaming katulong dati, ako, si Ate Hilda, Dedet, Darling at Aling Julieta na siyang mayordoma hindi kami close ni Dedet at Darling laging mainit ang dugo nila sakin, lalo na si Dedet. "Ang kapal din talaga ng mukha mong bumalik pa, matapos ng ginawa mo dati" Nanguuyam na sabi Dedet hindi ko ito pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa ko. "At nagdagdag pa ng palamunin dahil sa kakatihan ayon na desgrasya at mukhang sa butihing Don ipapaako ang responsibilidad" Asar pinagdiskitahan ko nalang ang kawali at malakas na inis-is at dahil sa lakas nun ay tumilapon iyon kay Dedet. "Aba ano lalaban ka? Dahil ano ang lakas na ng loob mo dahil may dala kang bastardo" Doon na ako di nakapagpigil at nasampal ko na siya. "Kaya kong magtitimpi, insultuhin mo na ako at lahat lahat wala kang maririnig sa akin pero wag na wag mong idadamay ang anak ko dahil tiyak na magkakamatayan tayo! " Madiin na bulong ko malapit sa tenga niya at saka umalis na doon. "Malandi! Ilusyunada! " Rinig kong sigaw niya, di ko na siya pinansin. Kung nung una naaapektuhan pa ako sa mga paratang na yan at uumiyak lang sa isang sulok nagayon hindi na. Hinahayaan ko nalang kung ano man ang marinig ko wala na akong pake basta wag lang nilang kantiin ang anak ko. Nung makarating ako sa sala di ko pa nga ito na kikita ay rinig na rinig ko na ang ingay ni Laz. "Ahhhh..Pupupupupu..pupupu" Maingay na sabi ni Laz. "Baby say Pops, Pops" Hinay hinay na sabi nito para gayahin ng bata. "Pa..pa..pap...pap" Tuwang-tuwa si Don Rafael dahil sa sinabi nito at muling pinanggigilan ang bata at binuhat pa ng mataas na lalong malakas na ikinahagikhik ni Laz. Natatawang napangiti nalang ako. Umalis na ako doon at napagpasyahang ihanda nalang ang cerelac nito inilabas ko na ang high chair niya doon ko nalang ata siya papakainin sa labas. "Nandyan na si Mama" Nakangiting salubong sa akin ni Don Rafael. "Ma...ma..ma" He mumbled na ikinangiti ko. Agad na inagaw sa akin ni Don Rafael ang cerelac na hawak ko. "Ako na ang magpapakain sa apo ko" Masigla nitong sabi at kababakasan ng pananabik ang tuno nito. "Sige po ayusin ko na yung pangpaligo niya" Sabi ko nalang at binigay na ang cerelac sa akin. "Sige pagkatapos kumain dalhin ko na lang siya sayo" Nakangiting sabi nito at bahagya pang ginulo ang buhok ko. ••• Tapos ko ng paliguan at padedehin si Laz ay nakatulog agad ito ngayon ay pareho kami ni Don Rafael na nakatingin sa kanya na payapang natutulog. "I'm really proud of you iha. You've become a good mother despite of your age" Nung lingunin ko si Don Rafael ay nakatingin na pala siya sa akin at malamlam ang mga matang nakatingin siya sa akin at nakangiti. Dahil sa naiiyak nanaman ako ay mahigpit akong napayakap sa bewang niya hindi naman ako iyakin noon pero simula ng magkaanak ako ay naging emotional na ako doon ko mas naappreciate ang pagmamahal at pagmamalasakit na ibinibigay ni Don Rafael sa akin noon. Itinuring niya akong parang tunay na anak kahit hindi naman kailangan, binigyan niya ako ng tahanan, pinagaral at minahal. Pero kahihiyan lang ang ibinigay ko sa kanya. Inalo niya ako gamit ang isang kamay niya hindi siya nagsasalita maging ako rin. Paano pa kaya kung malaman niya ang totoo? Tiyak kong masasaktan siya ng sobra.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook