"Let's have a man to man talk, Son. Can you promise me not to leave your Mama's side whenever I am not around?" Rinig kong sabi ni Zacharias habang papalabas palang sana ako nandoon kasi sila sa may bulwagan ako. Aalis kasi ngayon si Zacharias papuntang Maynila dahil sa may kailangang itong asikasuhin sa negosyo niya at iche-check na din daw nito ang pinagawang bahay na titirhan naman na tapos na raw at may appointment din siya sa interior designer para personal nilang makita ang bahay at makapagdecide kung ano ang gagawin para pagpunta namin daw doon ni Laz ay ayos na ang lahat.
Nagbago ang desisyon nito na katapos lang maayos ang papeles namin at ni Laz ay luluwas na kami roon. Ayos na ang marriage contract namin maging ang pagpapalit ng apelyedo ni Laz ay ayos na, nagbago ang desisyon nito na magtagal pa dito dahil gusto muna nitong tapusin ang bahay na pinapagawa ayaw nitong tumira kami sa condo niya dahil maliit lang daw iyon. Hihintayin nalang namin na maging okay na talaga ang bahay saka ang fiesta dito sa bayan bago kami lumuwas iyon kasi ang sabi ni Don Rafael na agad kong sinangayunan dahil sa kasali pa kami ni Laz sa Santacruzan nakakahiyang magback out gayong nakaoo na ako at ayos na ang susuotin namin.
Pinakuha nito sa akin ang naiwang dokumento sa kwarto pero nasa sala lang iyon dahil kinuha ko na ito nakalimutan ko lang ibigay kanina kaya nakabalik ako agad at narinig ko ang usupan nila.
Nagdesisyon ako na wag na munang magpakita sa kanila at makinig lang muna, kita kong nakaluhod ang isang tuhod nito para pantayan si Laz.
"Bakit po?" Inosenteng tanong ni Laz.
"It's because we're boys and your Mama is a girl she's our Queen, so it's our duty to protect her. Do you understand?" Seryosong sabi ni Zacharias na tinanguan agad ni Laz.
"Opo" Masiglang sagot nito na ikinangiti ni Zacharias.
"Very good. You really is my Son. So it's a promise between boys" Sabi pa nito at itinaas ang kamay habang nakabukas ang hinliliit na daliri.
"Pramis pu!" Sagot naman ni Laz at saka pinulupot ang hinliliit nitong daliri sa dalari ng ama para sa pinky promise nito.
"Keep it a secret to your Mama" Mahina ngunit rinig na rinig kong sabi ni Zacharias na masiglang tinanguan ni Laz. Nagdaldal na si Laz at nanghingi ng pasalubong sa ama na tinanguan lahat ni Zacharias.
Doon na ako lumabas at ibinigay ang naiwang dokumento, kinantilan muna kami nito ng halik sa noo namin ni Laz saka nagpaalam at pumasok na sa kotse nito.
Hinatid nalang namin ng tingin ang kotse ni Zacharias at nung mawala ito sa paningin namin ay saka lang kami pumasok.
Tatlong araw na din ang lumipas simula nung naging magkasundo si Laz at Donya Esperanza pero malamig pa rin ang pakikitungo nito sa akin.
Masyadong naging clingy si Donya Esperanza kay Laz dahil lagi niya itong hinahanap at gusto laging kasama at kausap minsan nga ay si Laz na ang nagtatago dito at kinukuntsaba na nito ang ama, si Don Rafael at minsan ay ako.
"Mama ku karga pu" Humihikab nitong sabi at pipikit-pikit pa, agad ko itong dinaluhan at kinarga humilig agaf ito at nagsumiksik sa leeg ko, alam kong inaantok na ito dahil ang aga niya magising nung bumangon kami ni Zacharias ay bumangon din siya alas singko palang yun sinabayan pa nitong maligo si Zacharias ayaw magpapigil ng dalawa kaya hinayaan ko nalang alam ko naman na mamimiss ni Laz si Zacharias kaya halos nakadikit lang ito sa ama buong umaga pati ang pagpapadede sa kanya sa umaga ay himalang kay Zacharias ito nagpakarga parang ngayon na nga lang ulit ito naglambing sa akin.
Agad ko itong sinayaw sayaw at hinele hindi ako komportable dahil sobrang bigat na ni Laz pero tiniis ko nalang iyon.
"Oh, he's asleep" Bulalas ni Donya Esperanza na kakalabas lang sa kusina at may dalang cookies nakaapron pa ito mukhang ito ang personal na nagbake nun para ibigay kay Laz.
"Opo. Ang aga niya po kasing nitong magising" Ani ko habang dahan-dahan kong ibinababa si para makahiga sa sofa ayokong iakyat pa siya sa taas dahil gusto kong tumulong sa gawain tiyak na hahanapin agad ako nito at iiyak sa oras na maramdaman na wala ako sa tabi niya delikado dahil baka biglang bumaba gayong pupungas-pungas ito may habit pa naman itong naglalakad habang nakapikit.
Inusog ko nalang ang couch malapit para hindi ito mahulog saka muling inayos ang pagkakatali sa buhok ko saka pumunta na ng kusina nagulat ako ng maabutan ko doon si Donya Esperanza.
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o iiwas nalang, pero sa huli tumuloy nalang ako dahil kailangan ko pang magluto ng pananghalian tahimik na kinuha ko na ang mga rekados habang ito ay tahimik na kinukuha lang din ang mga lutong cookies sa oven.
"If you're thinking na tanggap na kita. Huwag ka ng umasa, ito ang sasabihin ko sayo, hinding-hindi kita matatanggap para sa anak ko. At wag na wag mong subukang gamitin laban sa akin at sa amin si Laz dahil alam mo kung paano ako magalit, hinding-hindi ko magugustuhan na kalabanin ako" Bakas na bakas sa boses nito ang disgusto kaya saglit akong natigilan sa ginagawa sabihin na natin sanay na ako sa maaanghang na mga patutsada nito pero di ko pa rin maiwasan ang maapektuhan.
Humugot ako ng malalim na hininga para magkaroon ng lakas ng loob matagal ko na itong gustong itanong sa kanya pero natatakot ako pero ngayon mas iba na sabihin na nating mas tumapang na ako siguro dahil na din iyon kay Laz. "Donya Esperanza, ano ba talaga ang kasalanan ko sayo at bakit ganon nalang ang galit mo sa akin" Mahinang sabi ko at hinanda ko na agad ang sarili ko para sa kamay na lalatay sa pisnge ko pero wala kaya nung magangat ako ng tingin ang sumalubong sa akin ay ang nanlilisik nitong mga mata at naggagalaiting ngipin mahigpit na napakuyom din ito ng kamao parang pinipigilan ang sarili.
"Anong kasalanan mo sa akin? Kasalanan mong naging anak ka ng hitad mong Ina!" Nakadurong singhal nito sa akin kita ko pa ang bahagyang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito hindi ko alam kung tama ba ako dahil mukhang may lungkot sa mga mata nito.
"Bakit? Ano ba talaga ang nagawa ni Nanay sayo at ganito nalang ang galit mo sakanya?" Naguguluhang tanong ko hindi ko kasi talaga maintindihan bata pa lang ako walang araw na hindi niya ako pinagmalupitan at lagi niyang dinidikit sa akin ang aking ina na hindi ko man lang nakikilala dahil maliit pa ako nung pumanaw ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ito kay Nanay.
"Naging kabit lang naman siya ng asawa ko, nakakatawa 'nu magkaibigan pa naman na matalik ang asawa ko at ang ama mo pero ang Nanay mong haliparot ay kinalantari ang asawa ko dahilan kung bakit namatay ang pinagbubuntis ko noon. Nakakatawa ngang isipin muntik pa kayong maging magkapatid ni Zac kung hindi lang namatay yung Nanay mo. Balak ko pa sanang maghiganti kaso ayon natakot yata at naghukay nalang ng sariling libingan at kung swine-sweswerte ka nga naman dinala dito ng asawa mo ikaw nalang ang pinagdiskitahan ko, anak sa anak mabuti nga at hindi kita pinatay!" Nanggagalaiti nitong sabi at kitang-kita ko ang puot at lungkot sa mga mata nito hindi ko maiwasang mapatigalgal sa nalaman.
Hindi pa rin ako makapagsalita at makakilos kahit wala na si Donya Esperanza sa paningin ko hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko gulat na gulat ako sa rebelasyon nito.
•••
FLASHBACK
Five Years Ago
Ngayon ang dating ni Senyorito Zacharias kaya abala kaming lahat kitang-kita ko ang galak at pananabik ni Donya Esperanza dahil maaga talaga itong nagising at pinahanda lahat ng paboritong pagkain ng Senyorito.
Ang alam ko mamamalagi ito ng matagal tagal dito hindi gaya noon na bumibisita lang talaga ito sa tuwing may okasyon at babalik agad sa Manila.
Sa walong taon kong pananatili dito ay mabibilang lang kung ilang beses bumisita ito si Senyorito Zacharias, sina Donya Esperanza at Don Rafael naman ay palaging dito nagbabakasyon at nagdiriwang sa tuwing may okasyon marami rin kasi ang tinutulungan ni Don Rafael dito kaya lagi itong hermano sa tuwing may pagdiriwang sa plaza at anihan o di kaya ay may malaking delivery sa plantasyon.
Pagawa kasi ng mga dairy products ang negosyo nila dito at sila din ang pinakamalaking nagaangkat ng pinya sa buong Pilipinas, balita ko hindi lang ito ang negosyo nila dahil pinasok na din nila ang infrastructure at may iilan silang hotels at condominium na kilang-kilala at tinatangkilik ng mga taga alta syudad.
Agad kaming nagsiayos ng tayo nung matanaw na namin ang kotse nito. Di ko maiwasan ang mapatanga sa kotse nito kahit wala akong alam sa mga ganon di ko pa rin maiwasang mamangha wala akong alam sa mga kotse pero yung sa kanya isang tingin mo lang alam mo ng milyones ang halaga nun dahil sa kakaibang desenyo nito.
Mas lalo akong napanganga nung bumukas nag pintuan ng kotse at lumabas ito. Tatlong taon na ang nakalipas simula nung huli ko itong makita ang naalala ko ay tutoy na tutoy pa ito dahil kinse anyos palang ito pero ngayong labing walong taon gulang na ay mas lalong naging kaaya-aya ang itsura ito at ang laki din ng itinangkal hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot dahil ang alam ko ay matangkad na ako pero nung makita ko ito ay parang nanliit ako dahil kung pagtatapatin kami satingin ko ay hanggang leeg niya lang ako.
Nagulat ako nung mapatingin ito sa gawi ko kaya agad akong napayuko dahil sa tinablan ako ng hiya. Nung magangat uli ako ng tingin ay giniya na ito ni Donya Esperanza papunta sa kusina at aliigagang inasikaso ang anak.
•••
Isang linggo na si Senyorito Zacharias dito at pansin ko lagi lang itong nakatingin phone at kausap ang mga barkada niya o di kaya ay umaalis at gabing-gabi na kung umuwi.
Tama nga si Don Rafael may pagkapasaway ito, malimit kasi niyang makwento si Senyorito Zacharias dahil dati daw ay close na close sila pero nung nagbinata na 'to any hindi na nakakalungkot nga eh para na daw silang mortal man magkaaway.
Pansin ko din ang pagkapilyo nito lalo na pagnagkakasarilinan kami ewan ko kung ako lang ba pero parang nilalandi ako nito.
Nandyan ang mangaasar at kung minsan pagsiya lang mag-isa ay pinasasabay niya pa ako sa pagkain niya at palagi niya akong inuutusan ng kung anu-ano gaya ngayon.
"Marikit, clean my room" Utos nito na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? Eh kakalinis lang po nun kahapon ah" Tanong ko kita ko ang pagtaas ng kilay nito kaya agad akong napayuko.
"It's messy again" Sabi lang nito saka nagderederetso na paakyat.
Yamot na napakamot nalang ako sa buhok ko dahil tiyak na kukutyain nanaman ako ni Darling at Dedet kesyo nilalandi ko daw si Senyorito Zacharias dahil parate nalang daw ako sa kwarto nito at naglilinis at lagi daw akong nakbuntot dito.
Siya kaya may kasalanan kung anu-ano nalang inuutos sa akin ikuha siya ng tubig ipagtimpla siya ng kung anu-ano ipagluto siya samahan siya basta ang dami niyang trip sa buhay.
Sumunod na ako dito at nagsimula ng maglinis at kahit malinis na malinis na iyon ay nilinis ko pa rin dahil nakamasid lang ito sa mga galaw ko.
Hanggang sa maramdaman ko nalang ito sa likod ko at dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya halos maduling ako sa lapit nito sa akin, amoy na amoy ko din ang ito at ang hininga nito.
"Sen...senyorito. Anong ginagawa niyo?" Utal na tanong ko at nung akma akong lalayo dito nung hulihin niya ang kamay ko at ang isang kamay ay pumulupot sa bewang ko na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat.
"Do you want to date me? " Pabulong na tanong nito.
"Po?" Nakanganga at nanlalaki ang matang tanong ko.
"You're single right? And so am I. So, let's date" Muling sabi nito habang matamaang nakatingin sa akin.
"Huh?" Tanong ko nalang sa kawalan, hinihintay kong magsabi ito ng joke pero mukhang seryosong-seryoso ito at halos matunaw ako sa mga tingin nito.
"You're my girlfriend now" Sabi lang nito.
"Hin..hindi po pwede" Utal na ani ko nung makabawi at nung tangkain kong kumawala sa hawak niya ay mas lalo nitong hinigpit ang kapit sa bewang ko.
"Why?" Bahagyang kunot-noong tanong nito.
"Tiyak na hindi papayag si Donya Esperanza" Nakayuko at mahinang sabi ko inangat niya ang baba ko gamit ang isang kamay na nakahawak kanina sa kamay ko para mapatingin muli sa kanya.
"We'll just keep it a secret to her for a while. I like you, this past few days I keep thinking of you, your innocent eyes, face and looks drives me crazy. Sayo lang ako nagkaganto. So, be my girlfriend and I'm not taking no for an answer. Just try me, I promise you that I won't hurt you" Masuyong sabi nito sabay ang mabining pagkintal ng halik sa aking noo, saka ito lumayo sa akin.
Napatanga nalang ako hanggang sa mawala ito sa paningin ko naguguluhan pa rin ako pero ramdam na ramdam ko ang pagrigudon ng puso ko.