Chapter 5

2134 Words
Kinabukasan nga maaga palang ay ginawa na nila yung ring maging si Don Rafael ay tumulong sa paggawa bali si Senyorito Zacharias, Don Rafael at Laz lang yung gumagawa ng ring, ewan ko ba kung bakit sila nagpapakahirap sa paggawa ng ring kung pwede naman nilang iutos nalang kung gusto talaga nila. Agad kong hinanda ang damit pamalit ni Laz maging ang pamunas ng pawis pati si Don Rafael ay dinalhan ko na. Sunod kong pinuntahan ay ang kusina para gawan ng makakain ang tatlo sandwich at juice nalang ang ginawa ko saktong patapos na ako nung pumasok si Ma'am Amy. "Para ba yan sakanila?" Tanong nito sa akin na tinanguan ko agad. "Opo" "May matutulong pa ba ako?" "Tapos na din po eh" "Sige tulungan nalang kitang magdala doon" "Sigurado po kayo?" "Oo sige na ako na magdadala nito" Sabi nito at biglang kinuha ang tray ng sandwich, kinuha ko na din yung tray ng juice at sinundan na si Ma'am Amy. "Hey! Magsnacks muna kayo!" Yaya ni Ma'am Amy sa tatlo. "Mama ku!!" Masayang bulalas ni Laz at nagtatakbo sa pwesto ko, agad ko itong binuhat para patayuin sa may upuan at pinunasan ito "Mama pagod aku" Nakangusong ani nito. "Talaga eh parang nangulit ka lang" Pabirong sabi ko. "Indi ah tulong aku sa pagbubuhat tulungan ko din si Tito Zac magpokpok aku nga daw best a..astant niya!" Giit nito. "Assistant" Pagtatama ko sa sinabi nito. "Yun! Diba Tito Zac?" Baling nito kay Senyorito Zacharias na kakarating lang kasunod ni Don Rafael. "Yeah. He's the best assistant" Sagot nito bago uminom ng juice agad namang lumapit sa kanya si Ma'am Amy at pinahiran ang pawis nito ako naman ay inabutan ko si Don Rafael ng pamunas saka muling itinuloy ang pagbibihis kay Laz. "Oh diba, panis ka Mama" Makulit na sabi nito naikinangiti ni Don Rafael at Senyorito Zacharias. "Pagupitan mo na kaya si Laz, Mari" Biglang sabi ni Ma'am Amy habang nakatingin sa amin ni Laz na ngayon ay inaayos ko ang mahabang buhok nito para natali ng maayos. "Ou nga Mama kala ni Bano babai daw aku kasi haba daw hair ku" Sigunda pa ni Laz. "Wag na po muna bagay naman sa kanya" Sagot ko nalang. "Ako. Gusto ku gupit na" Sabat ulit ni Laz. "Wag muna papahabain natin yan tapos benta natin pagmahaba na" "Pwede yun?" Kunot-noong tanong nito. "Oo, ganda kaya ng buhok mo kaya mas mahal ang benta" Panguuto ko dito, saglit muna itong natahimik na animo ay nagiisip. "Sige na nga intay nalang tayu tapos benta natin!" Masiglang sabi nito naikinailing ko nalang nasayaran ng mata ko si Senyorito Zacharias na seryosong nakatingin sa amin sa pagkakataong 'to hiniling ko na sana nababasa ko ang isip niya, di ko pa ring maiwasang kabahan sa mga tingin niya. Matapos nilang makapagpahinga ay balik na agad sila sa ginagawa at nung lunch hindi na muna sumalo si Senyorito Zacharias siya lang mag-isa ang nagtuloy sa paggawa ng ring patapos na daw yun, yung sa may likuran nalang tapos itatayo na, kita kong seryosung-seryoso ito sa ginagawa, ni hindi nito alintana ang init ng araw at kahit halatang pagod na pagod at pawis na pawis na ito. Saktong pagkatapos kumain ni Don Rafael at Laz ay tapos na ang ring at itatayo nalang iyon halos lahat ng mga kasambahay ay nakinood na. Nandoon si Ma'am Amy, Aling Julieta, Ate Hilda, Dedet, Darling, Mang Arturo at yung isa pa nilang driver na si Mang Isko, ako naman ay nasa tabi ko lang si Laz hindi na kasi muna siya pinalapit ni Senyorito Zacharias baka daw matumba yung ring at madaganan siya kaya ito nanood lang kami sa may di kalayuan. Kita ko sa mga mata ni Laz ang kagalakan at kasabikan sa itatayong ring. At dahil parang di kakayanin ni Senyorito Zacharias at Don Rafael ay tumulong na din si Mang Arturo at Mang Isko. Lahat ay nagpalakpakan pa sa tuwa nung makitang naitayo na yung ring, si Laz ang may pinakamalakas na palakpak kita kong masayang inakbayan ni Don Rafael si Senyorito Zacharias na malawak na nakangiti rin sabay na tiningala ng mag-ama ang nagawang ring. Biglang bumitaw sa hawak ko si Laz at nagtatakbo sa pwesto nina Senyorito Zacharias at Don Rafael. "Tito Zac!!!" Masayang tawag ni Laz agad naman siyang nilingon at sinalubong ni Senyorito Zacharias saka kinarga. "Maraming, maraming, maraming, maraming thenk kyu pu Tito Zac" Masayang-masaya na sabi ni Laz saka pinaghahalikan si Senyorito Zacharias. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at magalak. Ang sarap nilang panoorin, parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kanila. Mabilis ko ring binalewala ang kung ano mang tumatako sa isip ko. "Paano naman ako? " Kunwari ay nagtatapomng sabi ni Don Rafael. "Syempre kayu din pu maraming, maraming, maraming thenk kyu din pu Pops!" Bibong sabi nito at naglean pa para mayakap ang leeg ni Don Rafael at pinaghahalikan din ang pisngi habang karga pa rin siya ni Senyorito Zacharias. "Ano gusto mo laro na tayo" Yaya ni Senyorito Zacharias. "Indi po di pa nga kayo kakain sige kayu gagalitan ka Mama mu Tito Zac, Mama ku kasi gagalitan aku lagi pag di aku kakain tapos lalaru na aku" Nananakot na sabi nito. "Sige kakain muna ako" "Bihis din, gustu mu ba galit sayu Mama mu kasi tutuyuan ka ng pawis" Parang matandang utos ni Laz. "Bakit pinagagalitan ka ba ng Mama mo pagnatutuyuan ka ng pawis?" Magiliw na tanong ni Senyorito Zacharias. "Ou gagalit Mama ku pag di pa aku bibihis tapos pawis na pawis aku masi-sick daw aku" Daldal pa ni Laz "Ayon na po Mama mu!" Biglang sabi ni Laz na ikinakaba ko at agad na ikinalingon naming lahat sa itinuro nito pero si Ma'am Amy lang ang nakita kong palapit sa pwesto namin. "Huh? Asan? " Tanong ni Senyorito Zacharias. "Ayon si Ma'am Amy" Turo ni Laz kay Ma'am Amy "What?" Naguguluhang tanong ni Senyorito Zac na kahit ako ay naguluhan din. "Diba yun Mama mu?" Inosenteng tanong pa ni Laz, naguguluhang tinignan ako ni Senyorito Zac na parang nagtatanong, kibit balikat lang ang itinugon ko dahil ako ay walang ideya sa pinagsasasabi ni Laz. "Paano mo nasabi?" Tanong pa ni Senyorito Zacharias. "Siya pupunas sayu tapos nikikiss ka din niya parang si Mama ku" Paliwanag ni Laz na marahang ikinatawa ni Senyorito Zacharias at Don Rafael, si Ma'am Amy naman ay di makarelate dahil sa kakadating lang nito. "She's not my Mom, she's my fiance" Natatawang sabi ni Senyorito Zacharias at hinapit pa ang bewang ni Ma'am Amy. "Indi mu siya Mama?" Inosenteng tanong ni Laz. Natatawang umiling nalang si Senyorito Zacharias. "Babe you go ahead and eat na" Malambing na sabi ni Ma'am Amy. "Akin na po si Laz, patutulugin ko na po muna siya" Singit ko. "Hala! Lalaru pa po kami Mama ku" Busangot na ungot nito. "Napakainit pa, matulog ka na muna pagkagising mo saka ka na maglaro" "Tama Mama mo, mamaya na tayo maglaro pagkagising mo" Singit ni Senyorito Zacharias sa usapan naming magina, wala ng nagawa pa si Laz at tumango nalang. "Bye bye pu" Malungkot na paalam ni Laz. ••• Linggo na at Day off ko ngayon kaya lalabas kami ni Laz, balak naming magsimba muna saka magliwaliw kaya maaga pa lang ay binihisan ko na ito. Alam na naman ni Don Rafael ang balak ko dahil lagi namin 'tong ginagawa tuwing linggo. "Mama ku julibi pu tayo!" Masiglang sabi nito "Sige tapos ano pa?" Natatawang tanong ko "Sakay din ako sa kabayo yung naikot" "Sige. Hmm ang bango-bango ng baby ko ko" Ani ko saka pinaghahalikan ang leeg at kili-kili nito. Ang gwapo-gwapo nito sa porma nito. Itim na shirt at brown na cargo shorts at nike spiderman white shoes na regalo sa kanya ni Don Rafael ang suot nito naka-bag din ito ng spiderman, maliit lang iyon kasya ang dalawang extra shirt, pulbo, pabango, tubig inumin at bimpo niya. Ako naman ay pants lang ay fitted black shirt at white shoes din. Parehong nakalugay lang ang buhok namin kung meron mang namana saakin si Laz yun ay ang buhok niya natural na itim at wavy and dulo nito saka makapal din. Paglabas namin ay animo'y artista ang bubwit kung makakaway sa lahat ng bumabati dito. "Ate Hilda alis na kami paki paalam nalang kami kay Don Rafael baka tulog pa" Paalam ko kay Ate Hilda "Mama ku bilis na, gagalit niyan si Father Seb paghuli tayo" Ungot ng bubwit naikinaikot ng mga mata ko. "Sige una na kami" Muling paalam ko "Sige ingat kayo" Sabi nito at binigyan kami ng malawak na ngiti habang kumakaway. Palabas palang sana kami sa may bulwagan nung makasalubong namin si Senyorito Zacharias mukhang kakagaling lang nito sa morning jog dahil sa suot nito at pawisan pa siya. "Where are you going? " Usisa nito. Sasagot palang sana ako ng maunahan ako ng bubwit. "Magsisimba kami pu Tito Zac!" Masiglang imporma nito. "Bye pu alis na pu kami!" Paalam nito sabay ang muling paghila nito sakin "Wait" Pigil nito sa amin ni lingon namin ito. "Baket?" Bahagya ng nakakunot noo na tanong ni Laz. Mukhang naiirita na ito kasi kanina niya pa talaga gustong umalis. "Can I come too, it's boring--" Hindi natapos ni Senyorito Zacharias ang sasabihin ng bigla siyang putulin ni Laz. "Indi pwede Tito Zac" Salubong ang kilay na sabi nito at bahagyang nakasimangot na. "Why?" Salubong ang kilay na tanong din ni Senyorito Zacharias, pareho silang nagsusukatan ng tingin. "Kasi pu deyt namin ni Mama ku, si Pops nga di sasama pag deyt namin ni Mama ku" Salubong ang kilay na paliwanag nito "Bye pu ulit" Sabi pa nito sabay baling sa akin "Tara na Mama ku huhuli na tayo!" Di na ako nakapagpaalam pa dahil hinila na ako nito, hayy naku sino ba talaga magulang sa amin yung totoo? Nung makarating kami sa simbahan ay saktong kakasimula lang ng misa. Isa sa ikinagagalak at ipinagmamalaki ng puso ko ay kung gaano kabehave si Laz pagnasa simbahan na, hindi mo ito kakikitaan ng inip at talagang nakikinig ito kaya nga gustong-gusto siya ni Father lagi siyang pinapakuha pag may event ang simbahan at kailangan ng bata. At sa mga ganong okasyon kahit ayaw na ayaw niya pumapayag nalang ito dahil na din sa pamimilit ko. Pagkatapos ng misa ay lumapit ito sa harap para magbless kay father kasama ng ibang bata, kita kong kinausap siya ng saglit ni Father Seb saka nagtatakbo na ito pabalik sa akin. "Kausapin ka daw pu ni Father Seb" Imporma ni Laz nung makalapit sa akin. Hinintay muna namin na wala ng kausap at lumalapit ay Father Seb bago namin siya harapin. Nung wala na nga ay saka na kami lumapit. "Magandang araw po father" Bati ko nung makalapit na kami saka nagbless, maging si Laz ay umulit pa. "Kaawaan kayo ng diyos, Mari hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa gusto ko sanang hiramin ulit ang anak mo sa darating na Santacruzan" Deretsang turan ni Father Seb na agad kong tinanguan. "Naku sige po" "At wala pa din kaming napipili na Reyna Elena eh naimungkahe na kita tutal kasali naman na si Laz bakit hindi nalang din ikaw ang mag Reyna Elena baka pag ikaw komportable na si Laz" Sabi pa nito na ikinatigalgal ko. "Po? Naku--" "Wag kang mag alala iha may malaking donasyon tayo ngayon kaya kasama sa budget ang susuotin ng mga sasali wala ka ng proproblemahin pa pagsumali ka" Putol agad nito sa sasabihin ko. "Sasali pu siya Father" Biglang sabat ni Laz. "Laz!" Nagtitimping tawag ko dito nakipagtagisan ito sa akin ng tingin. "Bakit aku nga ayaw ku din pero pipilit mu aku kaya dapat sali ka din" Reklamo nito na ikinangiwi ko, hindi ko nalang ito muling pinansin at binalingan si Father medyo may point kasi siya don. "Eh diba po father dalaga lang ang pwedeng sumali" Pasangil ko pa "Oo nga dalaga ka pa naman talaga, di ba iha?" "Oho. Pero may anak na po ako" "Ayos lang yun, pumayag ka na iha gusto na kasi nilang iba naman ang mag Reyna Elena" "Ou nga payag ka na Mama ku, sige ka pag di ka payag di na din payag si Laz" Pamimilit ni Laz parehong nakikiusap ang mga tingin nila kaya napabuntong hininga nalang ako. "Ah..si..sige po payag na ako" Sangayon ko nalang "Naku maraming salamat pagpalain ka nawa ng panginoon" Masayang bulalas ni Father na ikinangiti ko. "Sige mauna na ho kami Father baka para makapagpahinga na kayo alam kong may dadaluhan pa kayong misa sa kabilang bayan" Magalang na paalam ko "Oo nga, hala sige iha magingat kayo" Sabi nito. "Bye bye po Father Seb" Nakangiting paalam ni Laz na may kasama pang kaway, napangiting sinagot din iyon ni Father Seb ng kaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD