Madilim na nang makauwi ako sa bahay. Sakto naman na nakapaghanda na si Nanay para sa hapunan namin kaya masayang dinaluhan ko siya sa pagkain. “Kumusta ang pagbisita mo sa ate mo?” nakangiting tanong ni Nanay sa akin. Kahit na anak lamang ako sa labas ng aking ama, hindi lang sa akin naging mabuti si Ate Maureen dahil maging kay Nanay ay naging mabuti at magalang din ito. Ni minsan ay hindi siya nagalit sa amin o nagsalita ng masakit na salita dahil sa naging pagtataksil ng tatay niya sa kanyang ina. Kasambahay si Nanay ng pamilya ni Ate Maureen. Hanggang sa nagkaroon nga ng affair si Nanay sa Tatay niya at ako ang naging bunga. Noong nalaman iyon ng mommy ni Ate Maureen na si Tita Jessa ay nagalit ito ng sobra, pero dahil sa awa kay Nanay at sa akin ay hindi din nila kami kaagad napala

