Isa-isang tinawag ni Ms. Alice ang mga pangalan ng mga kaklase ko sa unahan upang ibalik ang test paper na may resulta ng nakuha na score sa nagdaan na exam namin sa subject niya. “Kiara Davis,” tawag ni Ms. Alice saka naman tumayo si Kiara at nakangiting tinanggap ang resulta ng exam niya. At pagkatapos tawagin ni Ms. Alice si Kiara ay bahagyang namilog pa ang mga mata nito nang makita ang sumunod na papel na hawak niya. “Ridge Janus Mackzon,” pagtawag naman niya sa katabi ko na ngayon ay walang pakialam na nakayupyop lamang sa desk niya. Patago kong siniko si Ridge sa kanyang tagiliran dahilan upang mabilis ako nitong balingan ng tingin habang salubong ang mga kilay. “Tawag ka ni Ms. Alice sa unahan,” mahinang sabi ko sa kanya bago pa man niya ako tanungin. Tinapunan niya ng tingin ang

