“Oh my gosh, Myrtle! See?! Bagay na bagay sa iyo!” masayang sabi ni Kiara sa akin habang pinagmamasdan ako na nakaharap ngayon sa harapan ng malaking salamin at pinagmamasdan ang kabuuan ko. Isang sleeveless white lace top at black skirt ang suot ko habang si Kiara naman ay naka color white halter dress. Ngayong gabi ang acquaintance party namin ngayon sa school at kahit na labag sa loob ko ang pag-attend ngayon sa nasabing party, ay wala din akong ibang magawa kung ‘di ang attend-an ito dahil ginawa itong requirement ng mga teacher namin. Attendance is a must. Nandito ako ngayon sa bahay nina Kiara dahil pinahiram niya ako ng magandang damit niya. Bukod doon ay inayusan niya din ako. Kinulot niya ang bandang dulo ng buhok ko at nilagyan niya ako ng maayos at magandang makeup na halos hi

