“R-Ridge…” mahinang usal ko habang gulat na nakatingin sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin nang hindi inaalis ang kanyang malalim at seryosong mga tingin hanggang sa tuluyan na nga siyang makalapit sa akin. Gumalaw ang lalamunan niya at bahagyang nag-igting ang panga niya. Tila may nais siyang sabihin sa akin nang mga sandaling iyon pero parang may kung anong pumipigil sa kanya para gawin ang bagay na iyon. At mas lalo iyong nakadaragdag sa kaba ng dibdib ko. Ilang segundo pa ang mabilis na lumipas nang bahagya na niyang ibinuka ang kanyang mga labi upang makapagsalita, hanggang sa… “M-Masama ang pakiramdam ko, kailangan ko ng gamot kaya ikuha mo ako sa clinic,” saad niya na siyang labis kong hindi inaasahan. “Huh?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. “Ah bilis na,” wika niya pa

