Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko saka ko tiningnan ang oras. Limang minuto na lamang ang natitira na oras namin bago dumating si Ms. Alice sa classroom namin. Nag-angat ako ng tingin kay Ridge. “Wala na tayong oras,” saad ko dito. “Kung gusto mong pumasok sa klase, pumasok ka na. Pwede bang huwag mo akong guluhin?” tugon sa akin ni Ridge. “Hindi kita ginugulo, Ridge. Ang sinasabi ko lang naman ay papasok ako sa klase kasama ka,” saad ko sa kanya. Nilingon ni Ridge ang babaeng lalapit sana sa kanya kanina na nananatiling nakatayo malapit sa amin at nakatingin sa amin. Mapang-akit na ngumiti ang babae kay Ridge saka ito kumindat. Dahil doon ay nakita ko naman ang pagguhit ng manipis na ngisi sa mga labi ni Ridge saka ito muling bumalin ng tingin sa akin. Humakbang siya papalapi

