Sinundan ko pababa si Ridge mula sa rooftop ng malaking building hanggang sa mawala na ito nang tuluyan sa aking paningin. Hindi ko alam kung saan na ito nagpunta dahil sa mabilis na paglalaho na lamang nito. “Nasaan na iyon? Huwag niyang sabihing hindi na naman siya papasok sa susunod na klase namin?” mahinang pagkausap ko sa aking sarili saka ko kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko upang i-text si Ridge. Pero bago pa man din ako nakakapag-type ng mensahe kay Ridge ay agad na din akong natigilan nang biglang may isang lalaki ang lumapit sa akin. “Myrtle?” Nag-angat ako ng mukha at agad na namilog ang mga mata ko nang makita ko si Calix sa harapan ko. “C-Calix…” Ito ang pangalawang beses na makita ko siya sa araw na ito. Ngumiti ito sa akin. “I’m glad to see you here. Ac

