“Kaya kong maglakad mag-isa, ano ba?” inis na sigaw ko kay Ridge saka ako pumiglas sa pagkakahawak niya sa akin. Nagulat at natigilan siya saka bumalin ng tingin sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nasalo ko ang mabibigat na tingin niya hanggang sa mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya. I swallowed hard habang patuloy kong sinasalo ang mabibigat na tingin niya sa akin. Siya ‘yong may nagawang mali dahil nag-skip siya sa first class namin pero sa puntong ito ay para bang ako ang may nagawang kasalanan sa kanya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya saka tumalikod at naglakad ng marahan. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin saka siya nagsalita. “Bakit ganyan ang itsura mo?” tila naiirita na tanong niya sa akin na siyang ikinatigil at ikinalingon ko sa kanya. “A-A

