Tinulungan ako ni Kiara na buhatin ang maleta ko palabas ng kwarto. Hindi ko na kasi magamit ang gulong nito dahil tuluyan na itong nasira. Natapos na ang school camping namin at ngayong araw na ang uwi namin sa amin. “Thank you,” nakangiting pasasalamat ko kay Kiara nang mailabas namin ang maleta ko. Maya-maya lang ay nagulat kami pareho nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Ridge sa harapan namin. Kinuha niya ang gamit ko at siya ang nagbuhat no’n patungo sa bus na sasakyan namin. Nakita siya ng mga kaklase namin at agad naman kaming tinukso ng mga ito. Pinamulahanan ako dahil doon saka ako nahihiyang sumunod kay Ridge. “Myrtle!” tawag sa akin ni Kiara na nakasunod din pala sa akin. “Hmm?” “Magtapat ka nga sa akin,” aniya na siyang nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. “H-Huh?”

