Marahang nagmulat ng mga mata si Ridge saka ito humiwalay sa akin. Habang ako naman ay natulala lamang sa ginawa niyang paglapat ng mga labi niya sa akin. Ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ngayon ang pagwawala ng puso ko. Ang mga tuhod ko naman ay parang biglang nanghina pero mabilis naman akong naalalayan at nahawakan ni Ridge. Gumalaw ang lalamunan ni Ridge habang nakatitig ito sa akin. Hindi ko alam kung may mga tao ba sa paligid o kung may mga nakakakita ba sa amin. Ngunit isang bagay lang ang natitiyak ko ng mga sandaling iyon. Saksi ang ulan sa kakaibang damdamin na nararamdaman ko. Pumungay ang mga mata ni Ridge na patuloy na nakatitig sa akin. Saka niya marahan na inalis ang eyeglasses na suot ko. Gusto ko siyang tutulan sa ginawa niya pero para akong nawalan ng lakas at boses

