Paano naman niya kaya nasabi na ako lang ang makakatulong sa kanya na mapatino sa pag-aaral ang pamangkin niyang ubod ng yabang? Kung siya nga mismo na tiyuhin nito ay hindi nito sinusunod eh ako pa kaya? Kung ang mga teacher nga ay binabalewala nito eh siguradong mas lalo na ako. Napahigit ako ng malalim na paghinga habang nakatitig ako sa brown envelope na naglalaman ng profile ni Ridge. Kasulukuyan akong nasa library habang malalim na pinag-iisipan ang tungkol sa pagtuturo sa pinakamayabang na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Kailangang-kailangan ko ang scholarship para sa pagpasok ko ng kolehiyo. Malaking tulong iyon para sa amin lalo na kay Nanay na siyang nagtatrabaho ng mabuti para sa aming dalawa. Kaya ayaw kong palampasin ang full scholarship na alok sa akin ng Prime High

