Chapter 9

1605 Words
“Myrtle!” nakangiting tawag sa akin ni Vernice kasabay ng paglalakad nito papalapit sa akin. Kakaway at ngingiti na rin sana ako sa kanya pero agad akong natigilan at naestatwa sa aking kinatatayuan, nang makitang hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang grupo nina Levi and as usual ay kasama ng mga ito si Calix. Na prenteng naglalakad habang nakaakbay at nakikipagtawanan sa kaibigan nitong si Jack. Literal na nanigas ang mga labi ko mula sa akmang pagngiti nito. At dahan-dahan kong naramdaman ang papalakas na papalakas na pagkabog ng dibdib ko. “Sino sila? Kilala mo?” bulong na tanong sa akin ni Kiara na nasa tabi ko. Uwian na at kasulukuyang kalalabas lamang namin ng classroom nang makita ako ni Vernice. Mas malapit kasi ang building ng general academic strand sa gate ng school kaysa sa HUMSS. Kaya naman kung uwian na ay palagi akong dinadaanan ni Vernice sa classroom namin. Dumapo ang tingin sa akin ni Calix nang makarating sila sa harapan ko. Huminto si Vernice sa paglalakad at nakita ko ang malapad na pagngisi niya sa akin. Nakuha pa nga nitong kumindat na para bang proud na proud siya dahil naisama niyang muli si Calix sa harapan ko. “Sama ka sa amin, Myrtle. Babalik kami doon sa pinuntahan naming coffee shop kahapon,” nakangiting yaya sa akin ni Vernice. Sumesenyas pa ito ng tingin sa akin na pumayag ako sa paanyaya niya. “May pupuntahan ka pala, Myrtle. Mauna na ako sa iyo,” paalam sa akin ni Kiara na agad ko namang inawat. “S-Sandali. Sasabay ako sa iyo umuwi,” nauutal at natatarantang sabi ko. Nakita ko naman ang unti-unting pagkadismaya ni Vernice sa sinabi ko. “Let’s go, Vernice. Hindi naman gustong sumama sa atin ng kaibigan mo,” ani Levi na tila tuwang-tuwa ito na hindi ako sasama sa kanila. “Myrtle…” “S-Sorry, Vernice…” tanging nasabi ko na lamang saka ako mabilis na tumalikod sa kanila at naglakad papalayo habang hila-hila si Kiara. Bumigat ang loob ko dahil sa ginawa kong iyon kay Vernice. I didn’t mean to offend her. Nakita ko kung gaano siya kasaya kanina nang makita ako. Nakita ko din kung gaano siya ka-excited na yayain ako. Pero… hindi ko kaya. Hindi ko kayang sumama sa kanya habang kasama niya ang ibang mga kaibigan niya. Lalo pa at nandoon si Calix. Buong buhay ko, palagi na lang kasi akong minamata ng mga tao dahil sa pagiging nerd at boring kong tao. Kaya naman sa ilang taon ng buhay ko ay wala talaga akong self-confidence para makihalubilo sa iba lalo pa at ramdam na ramdam ko ang mga mapanghusgang tingin nila sa akin. Iba ang mga kaibigan ni Vernice kay Kiara. Komportable akong makipag-usap at makihalubilo kay Kiara dahil nararamdaman ko sa kanya ang pagiging totoo at mabait niya sa akin. Kaysa sa mga kaibigan ni Vernice tulad na lamang nina Levi at Owen. Nararamdaman at nakikita ko sa kanila kung gaano sila nadidismaya sa tuwing nakikita nila ako. Na para bang ako ‘yong pinakapangit na pwede nilang makita sa buong buhay nila. At ayaw ko naman na nang dahil sa akin ay magkaroon din sila ng ibang tingin kay Vernice. Mahal ko si Vernice at gusto kong nagiging masaya siya at tanggap siya ng lahat. Alam kong sinabi na niya sa akin na gagawan niya ng paraan na mapansin ako ni Calix pero hindi ko naman iyon hinahangad na mangyari, dahil tulad nga ng naunang nasabi ko ay wala akong self-confidence para humarap sa iba. Lalo na sa pagharap sa lalaking gusto ko. “Sino ang magandang babae na iyon? Kaibigan mo?” tanong sa akin ni Kiara nang makalabas na kami ng gate ng school. Tulad ko ay nagco-commute lang din siya pauwi sa kanila. Hindi tulad ng halos lahat ng mga estudyante ng Prime High Academy na may mga sariling sundo o sasakyan. “Oo, best friend ko siya,” proud na sabi ko kay Kiara. “Talaga? Best friend mo ‘yon? Iyong ganoong kaganda?” hindi makapaniwalang tanong ni Kiara sa akin na para bang malabo na mangyaring makipagkaibigan sa akin ang isang tulad ni Vernice. Napalabi ako sa sinabi niya. “Ganoon ba talaga ako kapangit para maging isang malaking himala na maging kaibigan ni Vernice?” halos pabulong na tanong ko. “Ah… eh… h-hindi naman sa ganoon, Myrtle. Actually, hindi ka naman pangit eh,” tugon sa akin ni Kiara. “Sobrang pangit lang?” natatawang balin ko pa sa kanya. “Hindi, ‘no! Loka ka!” natatawang tugon din naman ni Kiara sa sinabi ko. Naghiwalay kami ni Kiara nang mauna na itong sumakay pauwi sa kanila. Nang makarating naman ako sa bahay ay agad kong nag-text kay Vernice para humingi ulit ng pasensya at para magpaliwanag sa inasta ko kanina. Sobrang saya ko naman nang wala pang isang minuto ay ni-replyan na niya ako para sabihin na ayos lang iyon at huwag ko nang isipin pa ang bagay na iyon. Nag-reply ako sa kanya at tinanong kung nakauwi na ba siya pero hindi na siya nag-reply pa sa akin. Siguro busy siya o baka nagkakasayahan pa sila ng mga kasama niya. Bigla tuloy akong napaisip. Siguro, kung maganda lang ako katulad ni Vernice ay malaki ang chance na makasama at makausap ko din si Calix. Siguro hindi ganito kababa ang self-confidence ko. Siguro sobrang mae-enjoy ko ang makita at makasama siya palagi. Hindi tulad ngayon na sa tuwing makikita at makakaharap ko lang siya ay kulang na lang na magpalamon ako sa lupa sa sobrang hiya at kaba. Humarap ako sa harapan ng salamin upang mapagmasdan ang sarili ko. Inayos ko ang suot na makapal na salamin sa aking mga mata upang malinaw kong makita ang sariling repleksyon sa harapan ng salamin. Inalis ko ang tali sa buhok ko at hinayaang lumugay iyon na lagpas sa balikat ko. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ako natutuwa na pagmasdan ang itsura ko. Napaka-plain at nakakasawang tingnan. “Nakakahiya naman na nakikita ni Calix ang mukhang ito,” dismayadong usal ko sa aking sarili. “Myrtle, Anak! Kakain na tayo,” tawag ni Nanay sa akin mula sa labas ng kwarto. Muli kong itinali ang buhok ko saka ako lumabas upang daluhan na ito sa hapag kainan. Kinabukasan… Maaga akong gumising at pumasok sa paaralan. Maya’t maya kong sinusulyapan ang cellphone ko dahil sa paghihintay ko sa reply ni Vernice sa akin. Hindi na kasi siya nag-reply sa akin kagabi nang tanungin ko kung nakauwi na ba siya, at hindi rin ito sumasagot sa mga tawag ko sa kanya. Na dati naman ay palagi siyang nagre-reply kaagad sa akin. Medyo nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala para sa kanya dahil doon. Nang dumaan ako sa kanila kanina ay wala na daw ito doon ayon sa kasambahay nila. Maaga daw umalis kaya doon lang ako nakahinga ng maluwag na ibig sabihin ay nakauwi naman siya ng maayos kagabi. Pagkapasok ko sa loob ng school ay dumeretsyo kaagad ako sa gymnasium upang kitain ang lalaking nagmamay-ari ng vest na hawak-hawak ko. Pagkadating ko sa loob ng gymnasium ay nakakapagtakang walang katao-tao roon. Kaya naman tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Sakto sa naging usapang oras ang dating ko. Ilang sandali lang nang may marinig akong kakaibang ingay mula sa kung saan. Mahinang ingay iyon na unti-unting lumalakas. Kaya naman nagsimula akong hanapin kung saan nagmumula ang ingay na iyon. Napatingin ako sa sulok sa may daan patungo sa comfort room ng gymnasium. Marahan kong inihakbang ang mga paa ko patungo doon at habang lumalapit ako ay mas lumilinaw at lumakas ang ingay na iyon. Bungisngis at halinghing iyon ng isang babae at nang tuluyan kong marating at masilip ang nasa likod ng pader sa daan na iyon ay nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Nasalo ko kaagad ang mga tingin ng lalaki habang nakaharap ito sa akin at may kahalikan na isang babae. Ang babae naman ay nakatalikod mula sa akin. Mabilis akong nagbawi ng tingin at tumalikod sa kanila. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa nasaksihan ko. Pangalawang beses na ito na nakakita ako ng live na naghahalikan sa harapan ko. Akmang hahakbang na sana ako paalis sa lugar na iyon nang marinig ko ang tinig ng isang lalaki. “You’re here.” Nanigas ang mga paa ko mula sa kinatatayuan ko, lalo pa nang maramdaman ko ang paghakbang niya papalapit sa likuran ko. “Kanina pa kita hinihintay,” bulong niya sa tapat ng tainga ko na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan, dahil sa mainit na pagdapo ng kanyang mabangong hininga sa akin. Humakbang siya patungo sa harapan ko at nakita ko ang nakangisi niyang gwapong mukha sa akin. “I-Ikaw?” halos pabulong na usal ko. Ang lalaking dalawang beses ko nang nakikita na may kahalikan ay walang iba kung ‘di ang lalaking nagmamay-ari ng vest na hawak-hawak ko ngayon. Ang lalaking sinabi ni Kiara sa akin na siyang tinaguriang campus heartbreaker ng paaralan. Si Ridge. “Sino siya?” tanong ng babaeng kahalikan niya kanina mula sa likuran ko. Naglakad ito patungo sa harapan ko, sa tabi ni Ridge saka ito parang higad na dumikit sa lalaki. Nakangising kinuha mula sa akin ni Ridge ang vest niya saka ito nagsalita, “Someone who’s trying to flirt with me,” tugon ni Ridge sa babae na siyang nagpakurap-kurap sa akin. “A-Anong sabi mo?” marahan at manghang tanong ko sa kanya. Seryoso ba siya? Oo gwapo siya pero kung may lalandiin man ako, si Calix na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD