
Maraming nagbabago kapag lumilipas ang panahon. Hindi ko namamalayan ang oras, napag-iiwanan na pala ako.
Tulad nalang ng pag-graduate sa college, magkakaroon ng magandang trabaho, hanggang sa makahanap ng magandang girlfriend na pwedeng asawahin, anakan, at magkaroon ng isang basketball team at masaganang pamilya. Inaasam iyon nang mga natitirang single sa mundo.
Pero sa sitwasyon ko, iba ang magiging takbo ng buhay ko. Hindi naging normal ang kapalaran sa akin tulad ng mga kaibigan ko ngayon.
Nagsimula iyon noong nang gabing iyon.
Naalala ko pa at hindi ko makalimutan ang nangyaring iyon.
