Instant K-Fiancé

1921 Words
"Mrs. Rosales, tawagan mo ulit yung secretary ni dad. Ask him kung anong oras ang arrival ng flight nila. At magpadala agad kayo ng kotseng susundo sa kanila," wika ni Justin sa sekretarya niya. Bumaling siya sa kanilang marketing analyst na si Alfred, "Call media relations team and arrange a press conference immediately! We have to clear up this issue before it goes out of hand!" "Pero sir, dahil sa nangyari biglang tumaas ang popularity ng company at nagtrend ang mga products natin. I think this is a good PR for the company," wika naman ni Alfred. "PR my ass! Not to the extent of me having a headache because of a woman!" Nagsalita naman ang general manager ng SigTag," Sir, kakapasok lang ng update ng Metro Manila branches, bigla daw po ang pagdagsa ng mga customers natin sa lahat ng branches. Almost 50% na daw po agad ang itinaas ng sales natin within 3 hours. At hot topic po kayo at ang supposedly girlfriend ninyo sa mga customers natin! At ang iba pa nga daw po ay nagstay pa ng matagal by reordering hoping na makita kayo in one of our branches!" Natampal ni Justin ang noo. He never thought na magiging ganito ang impact ng pagkakaroon niya ng girlfriend sa negosyo ng kanilang pamilya! And to think that it wasn't even true. Lalo pa at walang-wala pa sa isip niya ang makipagrelasyon at this point in his life. He's too busy for that! Bumaling ang tingin niya sa intern secretary, "Hey you! You're not leaving this office until I say so!" "Po? Bakit po?" tila nalilito naman ito sa mga nangyayari. "Are you stupid?" Iritadong wika ni Justin dito looking at her, head to toe. "Obviously, ikaw ang rumored girlfriend ko na dahilan kung bakit nagkakagulo ang buong kumpanya ngayon! At dahilan kung bakit nagmamadaling umuwi ng Pilipinas ang mga magulang ko ngayon!" Tila naman natulala si Jazz sa narinig at wala sa sariling naituro ang sarili, "Ako? Girlfriend? Nyo?" Bahagya siyang siniko ni Mrs. Rosales. Di niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Paglingon niya dito ay nagbabadya ng warning ang tingin nito sa kanya. Napatungo naman siya at bumulong, "Sorry po!" 'Kasalanan ko ba yun?' naitanong niya sa sarili. Pahamak na ulan yan eh, bakit ba kasi di pa tumila agad para nakasakay na agad siya papuntang opisina kanina. Di hindi sana sila nagkrus ng landas ng koryanong ito. 'Kung kelan malapit-lapit ko na ding matapos ang internship ko, ' paghihimutok niya sa sarili. "Sir, I think we should talk to the press. Madali lang naman pong sabihin ang totoo na wala po tayong relasyon kasi yun naman po talaga ang totoo. I'm willing to cooperate po para sa mabilis pong paglabas ng katotohanan, " lakas-loob na wika ni Jazz. " You think its just that simple? " iritadong tanong nito sa kanya." My parents are having the quiet life in South Korea and then suddenly, they rushed going here in the Philippines because of that stupid news and you want me to go out there and tell the nation and the world that this isn't true? " " Sir, the board wants to have an emergency meeting, " wika ni Mrs. Rosales. " What do they want now?! " pasigaw na wika ni Justin, frustration all over his face. Napapitlag silang lahat dahil dito," Bakit ba kasi sinabay nyo pa ko sa kotse nyo? " di nya napigilang ibulalas. " What did you just say? " there was darkness in his voice. Mukhang mali ang nasabi nya. Bumuntunghininga sya. She had to say her piece. Sa pinupunto nitong singkit na boss niya eh parang kasalanan nya kung bakit nagkaroon ng tsismis ang nanahimik na lovelife nito ngayon. Muli niyang naramdaman ang pagsiko ni Mrs. Rosales, trying to stop her on what she was about to say. Pero wala siyang balak magpapigil. Not when she knows she's not at fault here. "Look here sir, nagpapasalamat po ako sa pagmamagandang-loob nyo na isabay na ako sa kotse nyo para sa pagpasok dito sa opisina dahil sa sobrang lakas ng ulan. Pero sinabi ko naman po sa inyo na bababa na po ako dun sa may kanto bago po pumasok ng gate ng building yung kotse nyo pero di po kayo pumayag. Sino po bang mag-aakala na madami pong marites na reporters ang nakatambay po diyan sa labas ng building nyo at nakaabang pala sa pagdating ninyo waiting for the scoop of a lifetime tungkol sa personal nyong buhay?" 'Kung bakit naman kasi me pagyakap ka pa sa akin kanina,' aniya pa sa sarili. Tila natulala naman si Justin pati na din ang iba pa nilang kasamahan sa silid dahil sa mga sinabi nya. Hindi agad ito nakapagsalita. 'Um, loko di natameme ka ngayon! natatawa pa niyang wika sa sarili. This is the first time na may sumagot at nangatwiran kay Justin at sa harap pa ng mga tauhan niya. And for dear sake, isang intern pa! Hindi pa yun nangyari sa kanya eversince he took over the company. He was boiling inside! Ang sarap sigurong ituhog sa barbecue stick ang babaeng ito at iihaw sa grilling station ng SigTag! Not because she's being cute in front of him right now eh magagawa na nitong sagut-sagutin sya ng walang preno! If this woman's gonna be her girlfriend, it sure hell's a disaster for him! Napailing si Justin dahil sa naisip. Where did those thoughts come from? Di nga ba at eto na nga yung sitwasyong kinalalagyan nila ngayon. She is his "girlfriend"! Kung bakit ba naman kasi masyado siyang natangay sa naamoy nyang scent nito kanina. She smelled of sakura and rain, and it made him miss his hometown. Kaya naman nang magsabi ito na bababa na ay tumanggi sya. It felt like he was enchanted. At nung makita naman niyang maraming reporters ang nakaabang sa labas ng sasakyan nila kanina, it piqued his protective instict to cover her from the press, same thing she felt for her mother whenever her privacy is being bothered. "Ms. Francia, I always value gratitude in my company. This company would have not lasted if not for my father's gratitude to his employees and also to the trust of the investors and everyone behind the success of this company. Lagi niyang sinasabi sa akin na ang pagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng kumpanya ang isa sa dahilan kung bakit nananatiling matatag ang kumpanya at nananatiling loyal ang mga tauhan namin. But it seems to me that you are not grateful enough sa ginawa kong pagmamalasakit sa iyo a while ago, " may diin ang bawat salitang binitiwan ni Justin. " Don't get me wrong, sir! I am thankful and grateful for that but don't make it seem that it is my fault we are here in this kind of situation. If you only listened to me na bababa na ako sa kanto, we wouldn't be in this kind of situation. And how you acted in front of the press. The solution is simple, just tell them the truth. I am very much willing to cooperate sa pagsasabi ng totoo." "It is your fault! Hindi ka dapat pahara-hara sa daan na mukhang basang sisiw at tila paiyak na dahil lang walang masakyan sa sobrang lakas ng ulan!" He is furious! The nerve of this woman na ipamukha pa sa kanya ang kanina lamang ay iniisip niya! Napasinghap si Jazz dahil sa outburst ni Justin. So he really thinks it was her fault. Sinamaan nya ng tingin ito. To hell with her intership! Ang sama pala talaga ng ugali ng koryanong ito! At bakit ang galing-galing nitong magsalita ng tagalog? Nakakairita ang sama ng ugali ng koryanong to ha! To think na crush pa naman niya ito kanina kasi akala nya gentleman! She was about to say something pero muli siyang nakaramdam ng siko sa tagiliran nya. Mas malakas ito ngayon kesa kanina. Nang lingunin niya si Mrs. Rosales, she looks at her with warning in her eyes! 'Shut up!' She mouthed. Napayuko si Jazz, she forgot where she is and who she is talking to! 'Yare ang internship ko, babay graduation!' anang isip niya. Iniisip pa ni Jazz kung paano lulusot sa sitwasyong kinasusuungan nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Justin. Kasunod niyon ay pumasok ng silid ang isang babae kahawak-kamay ang isang lalaki. Agad niyang namukhaan ang mga bagong dating. Sila yung kasama ni Justin sa larawang nakapatong sa mesa ng boss nila. Justin's parents just arrived! "Eomeoni! Abeoji!" bulalas ni Justin. Sabik na lumapit ang babae sa kanya at yumakap, "Nae adeul, neo jeongmal bimilseuleowo! We rushed here immediately after hearing the news. I'm excited to meet your yeoja chingu," sunud-sunod na wika nito sa kanya. Hindi niya malaman kung paano sasagot sa ina. He can feel her mom's excitement. But he doesn't want to lie to her. Nor disappoint her. "Eomma, geunyang ohaeeyo. Ije yeogie gal pil-yoga eobs-eunikka..." But his mother cut him off kaya hindi niya natapos ang nais sabihin, "Nonsense, aduel! Even your appa cannot stop me from coming here. I even told him that I'll just swim the ocean if he doesn't go here with me! " He look helplessly to his father. Umiling lang ito na tila ba sinasabing wala itong magagawa. They both knew how stubborn his mother was! Kung ano ang maisipan, iyon ang ginagawa! Tumikhim siya at bumaling sa mga empleyadong kasama sa silid," You may all return to your office. Mrs. Rosales, please arrange a meeting with the board and the executives immediately. Tell them, the chairman arrive and will discuss things about the company. Thank you!" Kaagad namang tumalima si Mrs. Rosales. Matapos magbigay pugay sa mga magulang ni Justin ay lumabas na din ng silid ang mga ito. Akmang susunod si Jazz sa paglabas ng opisina ng tawagin siya ni Justin. "Ms. Francia, please stay. Hindi pa tayo tapos mag-usap," maawtorisadong wika nito. Walang nagawa si Jazz kundi ang manatili sa silid. She can't act up like what she did a while ago. Not in front of Justin's parents, especially not in front of the chairman himself! "Eomma, appa, this is Ms. Francia, she is my--" hindi na nito natapos ang pagpapakilala sa kanya dahil muli itong pinutol ng mama nito. "Oh, your attire seems familiar to me," wika nitong tila nag-iisip kung saan siya nakita pero agad ding nagliwanag ang mukha ng maalala nito kung saan siya nakita." Ikaw yung kayakap ni Justin sa news kanina! Ikaw yung girlfriend niya!" Bumaling ito sa asawa,"Yeobo, geu salam-eun uli adeul-ui yeojachinguyeyo!" masayang wika nito at yumakap sa dalaga. Natampal ni Justin ang noo. His mom really is such an impulsive person! Ni hindi man lang siya pinatapos magsalita upang mapakilala ng maayos si Jazz sa mga ito. Balak niya sanang kausapin muna ang dalaga na magpanggap na girlfriend niya habang nandito ang mga magulang niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito sa naging reaksyon ng mama niya. Tumingin ito sa kanya, tila humihingi ng saklolo. Sumenyas lang siya na tumahimik muna ito at umayon na lang muna sa mga nangyayari. Pero bukod sa pagkagulat ay may napansin pa siyang kakaibang reaksyon sa babae. Tila ito natahimik at naiiyak. Ipinagwalang bahala niya iyon at inisip marahil ay naoverwhelmed lamang sa reaksyon ng mama niya. "Nakakatuwa, hijo! It's about time na pumasok ka na sa isang seryosong relasyon at magsettle down. Anong oras ba ang board meeting para maiannounce na natin ang engagement ninyong dalawa!" "Ano po!" "Eomma, museun malsseum-iseyo!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD