The Unexpected Situation

2073 Words
Gustuhin mang kumawala ni Jazz mula sa mahigpit na pag akbay ng boss niya sa kanya, ay hindi nya magawa dahil sa gulat niya sa mga flash ng camera sa harapan nila habang naglalakad sila papasok ng building. Wala siyang choice kundi ang magpatangay na lang muna sa sitwasyon at magpadala sa paggiya ng boss nila para mabilis silang makalayo sa mga reporters at ganun na din sa mga mapang-usisang mata ng mga kapwa niya empleyado. "Lower your head," narinig niyang bulong ni Mr. Lee sa kanyang tenga. Kinilabutan sya sa kiliting nadama sanhi ng bahagyang paglapat ng hininga nito sa kanyang punong tenga. She silently cursed at herself! Heiden Jazz, this isn't the time to fantasize your boss!!! Napakunot ang noo ni Justin. Naramdaman niya ang bahagyang pag-iling ng dalaga habang yakap niya ito at iginigiya papasok sa loob ng gusali. He can see from above her face ang bahagyang pagkatulala ng dalaga nang bulungan nya ito. He suppressed a smile. Cute! "Coast clear," narinig niyang wika ng head security chief nila na si Anton. Tila iyon cue at naramdaman nya ang pagkalas ng dalaga mula sa pagkakaakbay nila. He doesn't want to let go of her warmth but it would be awkward not to. "Pasensya na po," wika nitong nananatiling nakatungo. To divert his attention, bumaling sya kay Mrs. Rosales, "What the hell happened?? How come na pagdating natin sa entrance, ang daming mga reporters na sumalubong sa atin? Didn't you instruct the staff and the security na sa conference hall maghintay ang media para sa launching ng new product natin?" "I was clear with my instrunctions sir but I will ask the Media Relations Department kung anong nangyari, " sagot ni Mrs. Rosales. I apologize sir, " wika pa nito bago tumalikod sa kanila. Pumasok sila sa elevator na personal na ginagamit ng presidente at CEO ng kumpanya. Napansin niyang hindi sumunod si Jazz sa kanila kaya tinawag niya ito, "Miss Francia, are you not coming with us?" "Ahm, sir I should be using the elevator for employees. I have to go sir," wika nito at akmang tatalikod na. "No. You should come with us. Nandiyan pa ang mga reporters and since dito ka manggagaling, I'm sure they will question you once you walk out that hallway," bumaling ito sa security chief, "Anton." Bumaling sa kanya si Anton, "This way Miss Francia," wika nito at iginiya sa sa daan. Walang nagawa si Jazz kung hindi ang sumunod sa presidente ng kumpanya. What an encounter, she thought to herself. She is standing at the back of the man and she can feel his strong aura exuding from his back. Naamoy pa niya ang scent nito and she felt a shiver as it tingles her sense of smell. Bahagya pa niyang sininghot ang amoy nito, hmmm ang bango naman ng koryanong ito, she thought and giggle. Narinig niyang tumikhim ang katabi niyang bodyguard nito. Napapahiyang umayos siya ng tayo at pasimpleng ngumiti sa katabing guard. The man is suppressing a smile! Gusto niyang kutusan ang sarili! May nakakita sa pasimple niyang pagpapantasya sa may-ari ng kumpanya! Sana`y lamunin na lang siya ng lupa, o ng sahig ng elevator kung saan sila naroroon ng mga oras na iyon! Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pinakamataas na floor ng gusali kung saan inookupa ng company CEO ang buong palapag at kung saan din siya nakaassign as one of the staff intern of the CEO's secretary. Although, ngayon lang siya nakarating doon gamit ang VIP elevator. Deretso mismo sa loob ng opisina ni Justin ang VIP elevator kaya naman bago sa paningin ni Jazz ang nabungaran. Sumisigaw ng karangyaan ang bawat bahagi ng silid. Mula sa flooring at carpet, hanggang sa mga furnitures at bintana, pati na rin sa kisame at mga ilaw ng silid, all spells wealth. This is her first time seeing the whole of his office dahil may sarili silang opisina sa labas ng opisina nito. Kapag ang employee's elevator ang gamit niya ay may hall munang bubungad pagbukas ng pinto saka pa lang siya papasok sa pinto sa kanan na bahagi ng elevator kung saan andun ang opisina ni Mrs. Rosales. Madalas na si Mrs. Rosales ang nagbibigay ng mga instructions sa kaniya kaya hindi pa siya nakakapasok sa loob ng opisina nito. Justin can see the amazement in the intern's face once they entered his office. He turned his attention to the intern, "Hey you, come here." Kaagad na lumapit si Jazz sa kanya. "Bakit po sir?" wala nang bakas sa pagkailang nito kanina. He could hear professionalism in her voice. May iniabot siyang mga papel dito, mahigit isang dangkal ang kapal niyon, "Make a copy for each of this files and please sort them alphabetically. I need these by 3 o'clock pm." "Copy sir!", kaagad na kinuha ni Jazz ang mga papel at mabilis na lumabas ng CEO's office. Mabilis n dumeretso ang dalaga sa cubicle nya. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa mga kasamahan niya nang lumabas siya sa opisina ng big boss nila. Kaagad niyang inilapag ang mga gamit sa mesa niya at nagtungo sa copying machine para simulang i-xerox ang mga papel na ibinigay ni Justin. First time na ito ang personal na nagbigay ng task sa kanya. Need to impress the boss. Impress? Eh magphotocopy lang yung inutos sa'yo, pa-impress ka pa diyan! Napailing na lang ang dalaga sa naisip, trying not to smile to herself. Mabilis naman niyang natapos ang pinapagawa sa kanya kaya naman wala pang 3pm ay ipinapatong na nya sa table ni Mrs. Rosales ang mga papeles na phinoto copy nya at na-sort na din alphabetically. "Ano yan?", tanong ng head secretary sa kanya, nagtataka ang tingin sa mga papeles na ibinababa niya. "Eto po yung mga ipina-photocopy ni Mr. Lee kanina. Sorted na din po yan alphabetically," she said proudly. "Oh, bakit dito mo yan dinala?" "Saan ko po ba dapat dalhin, ma'am?" "Dun mo yan dalhin sa office ni sir, siya nag-utos sa'yo niyan kaya ikaw mismo ang dapat magdala ng mga yan sa kanya.", wika ni Mrs. Rosales habang itinituro ang mga papeles. "Po?" gulat niyang tanong. Ayaw na niyang bumalik sa loob ng opisina ng big boss. Sobrang nakakaintimidate ang aura ng buong office. Kinakabahan din siya sa presensya ni Mr. Lee. "Didn't you hear what I said?" "Narinig po ma'am, sabi ko nga po ako po magdadala nito kay sir. Sige po ma'am, dalhin ko na po ito sa office ni sir," nagmamadali nyang wika at kaagad nang tumalikod. "My ghad naman si ma'am, bakit di na lang siya yung magdala nito sa office ni sir. Nakakatense pa naman yung presence ni sir, " napapailing nyang wika sa sarili. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pinto ng opisina bago binuksan iyon at pumasok. Wala siyang nakitang tao kaya nakahinga siya ng maluwag. Marahan siyang lumapit sa mesa ng presidente ng kumpanya at ipinatong ang mga papeles na hawak. Akmang tatalikod na siya upang lumabas ng silid ng mamataan nya ang picture frame na nakapatong sa table. It was a photo of his boss with his parents, she thinks. Gwapo ng fadir mo sir, huh! Me pinagmanahan ka talaga, kinikilig niyang wika sa isip. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa at di maikakaila ang pagiging mag-ama. Ibinaling niya ang pansin sa babaeng nasa gitna ng dalawang lalaki. Hindi mukhang koreana ang babae, more like a Malaysian or Indonesia. Maipagkakamali ring pinay ang babae. Akala niya pure blooded korean ang amo pero hindi pala. But in fairness, hind mahahalatang half-half lang ang boss niya. Sadyang malakas lang siguro ang dugong koryano nito. Pinagmasdan nya ang babae sa larawan, habang tinititigan niya ito ay parang may nakakahawig itong kakilala nya. Pero hindi niya maalala kung sino. Basta pamilyar lang sa kanya. Pinipilit niyang alalahanin kung sino ang kamukha ng babae nang may marinig siyang tikhim mula sa likuran niya. Gulat siyang napalingon at nakita niya ang buhay na imahe ng lalaking nasa picture frame. "What can I do for you, Miss Francia?" "Ahm, sir, I just brought the photocopied documents na inutos nyo po sa akin kanina," aniya at itinuro ang mga papel. "Oh, okey. Is that all?" "Yes, sir!" "Okey, kung wala ka ng iba pang gagawin, you may leave this office," wika nito at umupo na sa harap ng mesa at sinimulang buklatin ang mga dokumentong nakapatong. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kusa iyong bumukas at iluwa ang head secretary nila. "Oh, Miss Francia, buti nandito ka pa. Mamaya ka lumabas. Hintayin mo ako. " Di na siya nakasagot ng pagsang-ayon dahil mabilis na itong lumapit sa boss nila. " Sir, you have to see this, " wika nito na agad na binuksan ang malaking Smart HD TV ba malapit sa harapan niya. " Kasalukuyang akong nandirito sa harap ng gusali ng K'Centric para sa launching at press conference ng kanilang bagong produkto. Pero hindi ang bagong produkto nila ang pinagkakaguluhan ng mga media ngayon. Kung ano yun, sabay sabay nating panoorin mga ka-tropa, " pambungad na pananalita ng reporter Kasunod nito ay ang video footage ng pumaradang kotse sa harap ng K'Centric Building. Kitang-kita ang pagbaba ng big boss kasunod ay ang pag-hila nito sa isang babae na naka blue ruffled top at pencil cut brown skirt at pagyakap upang i-cover ito mula sa mga nagkakagulong media na sumalubong sa pagdating ng mga ito. Although, the camera wasn't able to capture the woman's face, pero kuha-kuha naman nito ang protectiveness na ipinakita ng big boss nila sa babae. Wala sa sariling napatingin siya sa sarili at sa suot na damit. Same outfit. That was her. "Malaking tanong sa business industry, sino ang babaeng kasama ni Mr. Justin Lee, presidente ng K'Centric, ang kumpanyang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng sikat na Korean Restaurant na SigTag? Alam naman ng lahat kung gaano kapribado ang buhay ni President Lee kaya isang malaking rebelasyon ang makita ng publiko ang korean businessman sa isang romantikong sitwasyon. " "Romantic, my ass!" tila na galit na wika ni Justin. Napapitlag si Jazz sa narinig," Sir, Ma'am, I think I should go out and talk to the media to clear things up. Pasensya na po kayo if nakagulo po ako sa inyo, sir. " aniya at akma ng magtutungo sa pinto upang lumabas ng muli na naman itong bumukas at iluwa naman ang marketing analyst ng kumpanya. "Mr. President, I think you should see this," wika nito habang inaabot ang tablet kay Mr. Lee. "Hey, Alfred, this is awesome!" manghang wika ni Justin kaya naman napatigil muli sa kanyang paglabas si Jazz. Mula sa kaninang nakasimangot na mukha nito, ay ang biglang pag-aliwalas at pagganda ng mood nito, abot-tenga pa ang pagngiti nito na ngayon lang niya napagmasdan. "Sir, I think dahil sa lumabas na balita tungkol sa inyo ay tumaas ang sales at stocks natin in just a few hours! " Hindi pa man ito natatapos magsalita ay muli na namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang General Manager ng SigTag na si Mr. Arnulfo Castro. " Sir, tumawag ang mga branch managers natin sa Makati, Taguig, at Quezon City. Ayon sa kanila biglang dinumog ng mga tao ang branches natin pagkatapos ng ipalabas sa tv ang balita tungkol po sa inyo at sa karelasyon nyo po? " " What? Diba kakalabas lang ng news about that?" "No, sir! Nakalive po kanina ang MTC Broadcasting habang nag-aabang sa pagdating nyo kanina at mabilis na nakita ng mga viewers yung pagbaba nyo sa kotse habang may kayakap na babae! Actually dahil sa comment ng mga viewers kaya nabuo yung scoop about sa inyo!" " Ano? Oh, no!" bumaling ito sa sekretarya nito," Call mom or dad! Make sure na di pa nila nababalitaan ang tungkol dito!" Mabilis namang nag-dial si Mrs. Rosales. Nakailang ring na ang telepono sa kabilang linya pero walang sumasagot. "Sir, wala pong sumasagot." "Call dad's secretary!" Kaagad na tumalima ito. Maya-maya pa ay may kausap na ito sa telepono. Makalipas ang ilang sandali ay pinutol na nito ang linya at bumaling sa boss nila, "Sir, as of this moment po, kasalukuyan na pong sakay ng eroplano si Chairman Lee at ang mommy nyo po!" "What?!" Justin was too stunned on the realization of what has transpired moments ago. He is so sure na ang mommy niya ang nagpumilit na umuwi ng Pilipinas. And the reason ay dahil sa pag-aakala nitong meron na siyang karelasyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD