Something In The Rain

1980 Words
Apat silang magkakapatid. Ang ate Harmoney niya, ang ate Rhythm niya, ang kuya Yhuri Qen niya at siya ang bunso. All of her siblings are already professionals of their chosen careers. Siya na lang na bunso ang nag-aaral pero malapit na ding makapagtapos. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Business Administration major in Management. Dahil pare-parehas ng successful ang mga kapatid niya sa kani-kaniyang karera ay inatasan na niya ang kanyang sarili na siyang magmamanage ng maliit na negosyo ng pamilya nila once makatapos na siya ng pag-aaral. Simula ng pumanaw ang daddy nila when she was still in her junior, ang tito Carl niya na kapatid ng mama Lucky niya ang pansamantalang humawak ng shoes and rtw business and delivery service na pinagtulungang itayo ng mga magulang nila. Ayon sa kwento ng mama Bebe nila, ang panganay na kapatid ng mama nila, ipinagbubuntis pa lang siya ng mama niya ng magsimula itong pumasok sa pag-oonline business. Kung anu-ano daw ang ipinopost nitong paninda sa social media, mga damit at sapatos, pati mga pampaganda. Kahit anong pwede daw ipost at ibenta, ipinopost daw nito. Ang daddy naman nila noong mga panahong iyon ay construction worker pero nung tumama ang pandemya sa buong mundo ay isa sa mga naapektuhan ang construction business kaya nawalan ng trabaho ang daddy nila. Pero bilang ang mama nila talaga ay matiyaga sa pagbebenta sa online na naging indemand ng mga panahon na yun ay nagsimulang gumanda ang takbo ng pag-oonline selling niya. Ang daddy naman nila ang taga deliver sa mga paninda ng mama nila. Unti unting nakaipon at napalago ng mga magulang nila ang online business nila, nakaipon ng mas malaking puhunan kaya naman mula sa pagiging reseller ay naging supplier na din sila ng mga itinitindang mga damit at sapatos. Nakapagdirekta na sila sa mismong bodega. Ang delivery service naman ay sinimulang aralin ng daddy nila, naghire ng mga tauhang katu-katulong niya sa pagdedeliver ng mga paorder ng mama nila. Sa loob lamang ng dalawang taon simula ng ipinanganak siya ng mama niya ay napalago agad ng mga magulang nila ang munting negosyong iyon. Sabi nga ng mama Bebe nila, isa ang mga magulang nila sa mga nakakuha ng magandang oportunidad sa panahon ng pandemya. Malakas ang ulan ng mga oras na iyon. Nag-aabang siya ng taxi na masasakyan papunta sa opisinang kasalukuyang pinasukan niya bilang isang intern. Pagkatapos niyang makipagkita sa psychiatrist na inerekomenda ng kuya niya, kumain lang sila ng lunch ng ate niya ay naghiwalay na silang magkapatid, siya para pumasok samantalang ang ate niya para makipagmeet sa client nito. Gusto sana siyang ihatid ng ate niya pero tumanggi siya dahil out of way ang opisina nila sa meeting place ng ate niya at ng kliyente nito. Baka ma-late pa ito. Nasa taxi pick-up point siya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. She remembered what the doctor said to her sa kanilang consultation. "Jazz, sa mga nasabi mo sa akin pati na din sa mga test that I've taken on you, since wala sa mga memories mo nung kabataan mo hanggang sa kasalukuyan ang malapit sa eksenang paulit-ulit na tumatakbo sa panaginip mo, may posibilidad na alaala iyon ng isang taong malapit sa iyo. Maaring narinig mo iyon nung bata ka pa kaya hindi mo na maalala sa ngayon na posibleng natrigger ng isang pangyayari ngayon or recently kung kailan nagsimulang magpaulit-ulit mo ng maranasan ang mga panaginip mong iyon. There are still tests na wala pang resulta kaya ididiscuss ko na lang ang ibang details kay Dr. Francia. Hindi ko pa masasabi sa ngayon kung ano ang maaari nating gawin para mawala ang mga panaginip na yun or kung bakit sabi mo nga sa pakiramdam mo ay totoong nangyayari sa iyo ang mga eksena sa panaginip mo like experiencing physical pain from your dreams. I recommend you to take some rest and clear your mind from all those thoughts that bothers you. I suggest you went on a vacation for now. Find a place na bago, yung hindi mo pa napupuntahan in your entire life. Stay there for a week. Maaring makatulong ang new environment para ma-clear ang utak mo sa mga bagay na posibleng bumabagabag sa iyo..." Vacation right now isn't an option. Kailangan niyang matapos ang internship niya para makasama siya sa mga magtatapos sa taong ito. Not even that mysterious dream of hers ang makakapigil para ma-achieve niya ang goal niyang iyon. Kapag ikaw ang bunso at nararamdaman mong ikaw na lang ang hinihintay ng mga kapatid mo na magkaroon ng stable na trabaho, she treats herself as a burden to her siblings. Bagaman at hindi ganoon ang trato sa kanya ng mga kapatid niya pero bilang bunso na pinagtatapos pa ng pag-aaral, andun yung pakiramdam niya na kaya hindi pa pumapasok sa isang romantic relationship ang kahit isa sa mga kapatid niya at di pa nag-iisip na magsettle down ay dahil sa kanya. "No!", mariing tanggi niya sa isip. "Wala akong balak magbakasyon, not now or anytime soon!" Umiiling-iling pa siya habang nasa isip iyon. Buti na lang siya lang ang nasa waiting shed na iyon. Kundi, mapapagkamalan siyang baliw ng makakakita. Well, hindi pa ba sya maituturing na baliw eh kumonsulta na nga siya sa isang psychiatrist. Ka-stress naman talagang panaginip yan oh! Habang patuloy na nakikipagdebate ang isip nya sa sarili niya ay patuloy pa din ang malakas na buhos ng ulan. Tila wala iyong balak na huminto. At kung bakit ba naman tumanggi pa siyang magpahatid sa ate nya. Eh di sana kanina pa sya andoon sa opisina nila. Napapalatak na lang talaga siya. Tumingin siya sa paligid niya. Although it was just past twelve noon pero parang maggagabi na dahil sa lakas ng ulan ay madagim ang palagid. Hangga't maari ayaw niyang abutan sa labas ng malakas na ulan. Aside from the fact na kapag nabasa siya ng ulan ay siguradong uubuhin at sisipunin siya, di niya maiwasan ang makaramdam ng matinding lungkot kapag malakas na malakas ang buhos ng ulan. Yung pakiramdam na parang isang malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala at tinangay ng malakas na buhos ng ulan. Katulad sa mga oras na ito. She felt like she's about to burst crying anytime soon. She fumbled on her bag to get her phone. She needs distraction para mawala ang pakiramdan na iyon. Hindi alam ng mga kapatid nya ang tungkol sa nararamdaman niyang iyon tuwing umuulan ng malakas. Kaya nga kung halimbawa man na nasa loob siya ng bahay nila at malakas na malakas ang buhos ng ulan, mas pinipili niyang magkulong sa kwarto niya, magtalukbong ng kumot at magkunwaring tulog habang malakas ang pagpapatugtog niya ng music sa bluetooth speaker niya. Una para, madistract siya at mawala ang focus sa malakas na ulan at pangalawa, para itago sa mga kapatid niya yung weakness niyang iyon. Alam niyang sobrang mag-aalala sa kanya ang mga kapatid niya kapag nalaman ng mga ito na may ganun pa siyang pinagdadaanan bukod pa sa paulit-ulit na panaginip... Nagulat pa siya ng mag vibrate ang hawak na cellphone. Tiningnan niya ang screen at nakita niyang ang secretary ng big boss nila na si Mrs. Rosales ang nasa call register. Kaagad na sinagot niya iyon. "Miss Francia, are you still on your way to the office?", bungad nito sa kanya. "Yes, ma'am! I am actually waiting pa po ng masasakyang taxi. Sobrang lakas ng ulan at wala pong dumadaan na taxi dito." "Are you wearing a pale blue ruffled top and coffee brown skirt?" tanong nito na pumutol sa nakahanda niyang explanation sa possibility na pagka-late niya. Nagulat man dahil nahulaan nito kung ano ang suot niya sa mga oras na yun ay sumagot na lang siya ng oo. Number 1 rule sa company na yun na palaging on point ang sinasabi. Bawal ang paliguy-ligoy. She heard a man's voice on the background said, "I told you its her." Bago pa lamang bubuka ang bibig niya para sana itanong kung sino ang nagsalita nang may pumarang Honda Civic na black sa harapan nya mismo. Bumaba ang bintana ng passanger seat at sumungaw ang ulo ni Mrs. Rosales. "Sumakay ka na iha. Mukang walang dadaan na taxi dito hanggang mamaya." Bumukas ang pinto sa back seat kaya naman dali-dali na siyang lumapit para sumakay pero natigilan sya ng makita kung sino ang nasa loob... Looking up her are those almond shaped deep black eyes, drawing her out of her senses. The face of a devilish judge she'd watched on netflix. That taunting nose, seemingly so proud of its owner and that very familiar "cliché" kissable lips, embraced by that perfectly chiseled jaw. Bahagya syang napaatras at nakaramdam ng kaba. Bumilis ang kabog ng dibdib niya.. It feels like she'll gonna pass out any moment. "Will you just stand there and get us wet?" iritableng tanong nito sa kanya? Napapitlag sya at bahagyang napailing, dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan. "Sorry po," napatungo pa siya sa pagkapahiya. Kinakabahan pa din siya. This is the closest ever she's been with their boss, Justin Lee, a Korean national, the president of the company she's doing her intern, K'Centric. "Such a mess," pabulong pa nitong wika. Nilingon sya ni Mrs. Rosales at inabutan ng paper towel, "Dry yourself dear. Mr. Lee recognize you when we were about to leave SigTag," wika nito, tinutukoy ang Korean restaurant na isa sa pagmamay-ari ng K'Centric. "Who wouldn't recognize her when she looks like a wet chick," napakunot noo ito realizing the green meaning of what he said, "I mean basang sisiw," correcting himself. Even though he's a Korean ay fluent din sya sa Filipino at English language, thanks to her Filipina step-mom. "Pasensya na po, naabala pa po kayo," nakatungo pa din siya. Sobrang hiyang-hiya siya na sa ganitong pagkakataon pa siya magkakaron ng close encounter with their big boss. Although she's directly under the management of the company president's office ay kay Mrs. Rosales pa din nanggagaling ang lahat ng mga work orders sa kanya. Dahil na rin sa ito ang executive secretary ni Mr. Lee. Sa loob ng tatlong buwan na nag intern sya ay mabibilang pa sa daliri niya kung ilang beses niya itong nakita sa opisina. Mas madalas ito sa mga out of town meetings and international gatherings. So meeting him up close and personal like this is something new at nakakakaba naman talaga. Bukod pa sa embarassment ng pagkatulala niya kanina! "Mr. Lee, we'll be arriving at the office any minute from now," abiso ni Mrs. Rosale. Kaagad niyang inayos ang sarili. "Ma'am pwede nyo na po akong ibaba diyan sa may kanto. Maglalakad na lang po ako papasok ng opisina." "No one's getting out of this vehicle," maawtorisadong wika ni Mr. Lee. "Ok po," nasambit na lang niya. Feeling niya minus two points na siya sa boss nila. Pero kinakabahan pa rin siya dahil first time niyang mapapasama sa entourage ng boss nila pagpasok sa building. Last time na sinalubong nila ito, talagang kinabahan siya sa commanding presence nito. What more kapag halos ay kasabay na niya itong maglakad! Huminto ang sasakyan sa harap ng main entrance ng building niya. Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan sa side niya ng maramdaman niya ang mahigpit na hawak sa kanang kamay niya. "No, we're going out on this side," wika ni Justin. At walang babalang hinila na siya palabas ng sasakyan. Muntik na siyang mauntog sa may bubong ng kotse nila sa gulat niya sa naging akto ng boss niya, mabuti na lamang at iniharang nito ang kamay para dito tumama ang ulo niya. Pero mas nagulat siya nang sa pagbaba nila sa sasakyan ay salubungin sila ng nga flash ng camera ng mga entertainment press. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang pag akbay ni Mr. Lee sa kanya at paghila nito para mapalapit siya sa katawan nito at iginiya na siya papasok sa loob ng building...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD