Umiwas ng tingin si Jazz sa binata at inilibot ang paningin sa kapaligiran. She couldn't fathom why she's reacting that way to him. Maybe she really is crazy right now. Tumayo siya at naglakad-lakad. The place was heavenly. It is indeed a paradise. Malinaw ng tubig, mapuno ang paligid. Napakapresko at nakakagaan ng pakiramdam. Ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa pagbagsak nito mula sa itaas ng falls ay tila lumilikha ng kakaibang musika sa kanyang pandinig. Sinasabayan pa ng paghuni ng mga ibon na sa dami ng punong may malalagong dahon ay di naman nya halos nakikita. Kung nandito ang mga kapatid niya ay tiyak siyang magugustuhan ng mga ito ang lugar na iyon. She smiled. Namimiss na din niya ang mga kapatid. Ilang araw na din naman silang nandito at hindi siya sanay na mapawalay ng mata

