Before lunch ay isinama ni Justin si Jazz na mangabayo sa paligid ng lupaing nasasakupan ng villa. Ginawa niya iyon upang libangin ang dalaga at pansamantalang mawala sa isip nito ang mga alalahaning dulot ng mga panaginip nito. Ngayong nalaman niya kung ano ang sitwasyon ng dalaga ay muling napukaw ang protective instinct niya para dito. When they go back to Manila, isasama niya ito sa kakilala niyang psychiatrist upang isangguni ang kung anumang kalagayan nito. She didn't know how to ride a horse kaya naman isang kabayo na lang ang dinala ng binata. Kaya heto siya ngayon nakakulong sa mga bisig nito habang nakasandal ang likod niya sa matipunong dibdib ng binata. Hindi mabilis ang takbo ng kabayo, bagkus ay marahan lamang itong naglalakad. She felt safe and secured kahit na nga nakakara

