Kanina pa ako nakatingin sa isang maliit na apartel. Kilala ko ang lugar na ito. Lugar ito ng mga babaeng bayaran. "Totoo kayang nandito ang tatay ni Kane.?" Tanong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim saka ako lumapit sa lugar. May lumapit na lalake sa akin. "May hinahanap ako. Maari ko bang makausap ang amo niyo?" Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako. Alam ko na kilala nila ako. "Sandali lang." Sabi nito saka umalis. Maya maya may lumabas na lalake. Tiningnan niya ako. "Hinahanap mo daw ako. Anong kailangan mo sa akin?" Tanong niya sa akin. "May nakapagsabi sa akin na dito ko daw matatagpuan ang tatay ni Kane. Maari ko ba siyang makita?" Sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako. "Nasan si Kane bakit hindi mo kasama?" Tanong nito sa akin. "Nasa maayos at ligtas na lugar siya. Ngayon

