.Na may kaugnayan sila ni Hillary dahil magkamukhang magkamukha sila. Ang pinagtataka ko lang bakit hindi sila magkakilala at mukhang hindi nila alam na may kakamabal sila. Ngayon alam ko na kung bakit hindi kilala ni Kane si Hillary nilihim pala ng ama niya ang tungkol dito para sa kaligtasan niya. Nagpalaam na ako sa kanila. Sinabi ko na babalikan ko na lang siya kinabukasan. Wala akong sinabi kay Kane. "Kumusta nagkita ba kayo ng lalake? Totoo ba ang sinasabi niya? Ama ba talaga ni Kane ang sinasabi niya?" Sunod sunod na tanong ni manang sa akin. " Hindi po si Kane ang hinahanap nila si Hillary. Kamukha po kasi ni Kane si Hillary kaya napagkamalan nila ito." Sabi ko na lang. Tumango si manang. Hindi naman umimik si Kane. Kinabukasab maaga pa ng umalis ako ngayon ko susunduin ang

