Gulat na gulat si Troy sa kanyang nakikita ng mga sandaling iyon kay Levi. Ibang iba na ito sa huli nilang pagkikita sa loob ng restaurant makalipas ang limang buwan. At sa kanyang pagkabigla ay niyakap niya ito ng napakahigpit at kasabay niyon ay ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Awang awa siya sa kanyang nakita na Levi. "Levi, anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan na ang ayos mo?" Umiiyak nyang tanong. Hindi sumagot si Levi sa kanya. Hinayaan lang siya nito na nakayakap. At naramdaman niyang kumilos ito. "Halika na muna sa loob. Mag usap tayo." Alok sa kanya ni Levi. At kumalas siya sa pagkakayakap kay Levi. Naglakad ito patungo sa couch at doon umupo. Sumunod siya at umupo siya mismo sa tabi nito. "Levi, ano ang nangyari? Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam?" At

