Mabilis na nilihis ni Troy ang direksyon niya para makaalis sa lugar na iyon ngunit iniharang kaagad ng babae ang sarili sa kanyang daraanan. "At saan ka pupunta? Umupo ka at pag usapan nating tatlo ito. Kung ayaw mong mag eskandalo ako dito at sasabihin ko rin sa nanay mo ang totoo mong ginagawa. Kaya makipag cooperate ka sa akin." Tumayo na rin si Levi na putlang putla sa takot at lumapit sa asawa. "Honey please huwag dito." Pakiusap ni Levi. "At bakit hindi dito? Nandito na tayong tatlo kung kaya dito natin pag uusapan para matapos na ang mga kawalanghiyaan ninyong ginagawa." Mahina ngunit madiin at may kasamang galit na sagot ni Veronica sa asawa. "Kaya sige na umupo kayong dalawa para wala ng gulo pang mangyari." Utos ni Veronica sa dalawa. Dahan dahang naglakad sina Troy a

