Nandoon sila ng mg sandaling iyon sa loob ng isang coffee shop at pinili ng bago niyang kakilalang si Jhon ang sulok na bahagi ng coffee shop. "So anong gusto mong inumin at kainin? Hot or iced tea? Cappuccino, latte, hot chocolate? Plain croissant, banana bread, cake or sandwich?" "Ahm, ikaw na lang bahala. Kung ano sa'yo ganon na rin sa akin." Sagot niya kay Jhon. "Okay sure. Sige Troy, punta lang ako sa counter para mag order". "Gusto mo samahan na kita?" Tanong niya kay Jhon. "No, it's okay. Ako na lang saka baka may umupo dito sa table na ito eh." At saka tinignan niya na lang si Jhon na naglalakad papunta sa counter. Maganda ang tindig ni Jhon, guwapo rin ito at halatang maganda ang katawan nito dahil hapit ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nitong tshirt na puti.

