Nagising siya sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. At tumingin siya sa kanang bahagi. Wala doon ang kanyang kababatang si Danilo. At saka siya dahan dahang bumangon, at tinungo ang aircon at pinatay niya iyon. Pumasok siya sa banyo para maghilamos. Pagbukas niya ng pinto ng kanyang silid ay sumalubong sa kanya ang isang mabangong niluluto na almusal. At habang pababa ng hagdan ay nakita niyang nakaupo si Danilo at may hawak na tasa at ang kanyang inay naman ay abala sa pagluluto. "Ang bango ho ng niluluto nyo inay." Panimula niya. "Ay, anak tamang tama ang gising mo. Malapit na maluto itong niluluto ko." "Morning tol. Gusto mo ng kape?" Alok sa kanya ni Danilo at saka ito akmang tumayo at kumuha ng tasa sa cupboard. "Morning r

