Habang nakaupo siya ay nag iisip siya ng paraan kung ano ang kanyang sasabihin. At nakaramdam siya bigla ng gutom. Kaya napagpasyahan niya na lang na kumain muna at ng makapili na siya ng makakainan ay saka siya pumasok sa loob niyon at nag order. Habang naghihintay ng kanyang inorder na pasta ay panay ang kanyang isip ng idadahilan. "Nanalo sa lotto? Nanalo sa raffle? Nagkaroon ng magandang trabaho? Hay! Ang hirap mag isip!" Sambit niya sa kanyang isipan. "Sir, eto na ho yung order ninyo." Hindi niya namalayan na andoon na pala ang kanyang order kung hindi magsasalita ang crew. "Thank you miss." Habang kumakain ay napansin niya ang hawak ng isang matandang babae na dyaryo sa kabilang table. "Isang lalaki na nasa early twenties, nakuha ang second prize ng jackpot sa lotto." I

