Nabasa niya na ang mga nakasulat sa kontrata. At inilagay niya sa kanyang isipan ang mga iyon. Unang una, hindi siya puwede magtanong tungkol sa personal nitong impormasyon. Gaya ng kung saan ito nakatira, trabaho, at apelyido. Pangawala, walang halong damdamin o hindi puwede sila main-love sa isa't isa, at hindi siya puwede kung saan saan pumupunta at kung sinu sino lang ang kanyang kasama na hindi nito alam dahil gusto nito, siya lang ang maaaring umangkin sa kanya. Kapag tinawagan siya for s*x, anytime ay hindi siya maaaring tumanggi maliban na lang kung may valid na reason. At ang isa pa, dapat alam nito ang password ng kanyang celphone, ito ang unang tatawag o magti text sa kanya at hindi siya dapat ang unang kokontak dito. Saka siya napatingin kay Levi na nakaupo sa kanyang harapan

