You're Still The One
Chapter 1.
"I want Save to study abroad, he will be the future of our Grande Groups of Companies. I want him to know more about business and have focus on it" sabi ni Don Ramon, habang nagkakape ito, kausap ang anak.
" Papa, one year more pa naman bago magtapos ng senior high school si Save, just give him some time, let him enjoy for a while, you know him, he's responsible and smart. Don't be too hard on him". Nakangiting sagot naman ni Steve.
" Perhaps you don't know that Save always spend his time with Elena's daughter, and I'm not happy to know that you have no reaction about it."
" Papa, matagal ng naninilbihan si Aling Elena dito sa mansion,mabuti ng tao, halos sabay na ring lumaki si Save at Elaine, kaya di ako magdadalawang isip na tulungan ang batang iyang, Elaine has potential, she's smart and hardworking too, I don't see any reason to interfer, besides Save is just a teenager ,he knows what is right and wrong". Pagtatanggol naman nito sa anak. Pagdating kasi sa negosyo, halos ito na Ang Buhay ng Don, ang palaguin ito ng mabuti, katulong naman nya ang anak.
Pero madalas itong nagagalit dahil laging kinokonsente si Save sa mga gusto nitong gawin. Lagi namang sumama si Save sa ama lalo na kung wala ng pasok, tinuturuan sya nito sa mga pasikot -sikot sa kompanya, at lagi rin nitong sinasabi na balang araw ang hahawak sa mga business na maiiwan ng Lolo nya. Di rin mahigpit so Steve mahigpit sa anak, alam niya kasing mabilis itong matuto at seryoso ito sa mga ginagawa, di nya rin pinipressure ito.
"Fine, I will be out of the country for 6 months, we have some business expansion in Paris, I want you to be the CEO of Grande Philippines, I will formally announced it tomorrow ". Sabi nito sabay tayo.
" Thanks, Papa, you made the right choice!"
Malaki ang business ng mga Grande,mga mga branches na rin sila sa Cebu, Bacolod, at Davao. At halos mga kamag anak ang namamahala, ng mga ito, mabilis rin ang pag expand nito sa iba't- ibang bansa, Belgium, Germany, Paris, South Korea at China. Dahil na rin sa koneksyons at impluwensya ng mga Grande sa larangan ng business mabilis ang paglago at pamamayagpag nito sa business world.
"Hey son, I want you to go with me tomorrow, we were staying in Manila for two weeks, and since it's semestral break, I assume that you have nothing to do for the whole time. So what do you think?" Anas ni Steve , kausap niya ang anak habang nasa terasa silang dalawa.
"For that long dad?" Sagot nito habang nakatingin sa sa baba. Sinundan din ng ama ang tingin ng anak, tanaw mula sa terasa si Elaine na nagdidilig ng mga halaman, halatang enjoy ang dalaga sa ginagawa dahil pakanta-kanta pa ito.
" Bakit pakiramdam ko ata, di pa man tayo nakaka alis, eh parang nababagot kana yata? Don't tell me, that you're not going?"
" It's not like that dad" .sagot nito habang nakatingin pa rin sa dalaga
" Magtapat ka nga sakin, do you have feelings for Elaine?" Tanong ng ama na agad rin namang nakuha ang pansin ng binata.
" Dad, I know what you think, were too young ,but dad Elaine is special to me, and someday I want to spend the rest of my life with her". Seryosong sagot ng binata sa ama.
" Easy son! It's too early for you to say that, who knows that won't last, magbabago ang nararamdaman mo sa kanya pag na expose kana sa ibang bagay, pagnakalayo kana dito sa San Rafael, marami pang mas maganda at mayaman kasya Kay Elaine". Turan ng ama habang pinagmamasdan ang reaksyon ng binata.
" No daddy, I know what I want, and what I feel, and no matter how many beautiful girls out there, my heart beats only for her dad. And I'm sure of it ".
" You know na hindi basihan ang estado sa buhay kung sadyang mahal mo ang isang tao, but let me remind you that you are the future of the Grande, and your grandpa will arrange everything for your college study. And you will be studying abroad. seryosong wika ng ama.
" I know dad, I only have one year to be with Elaine, just let me be with her dad please. I promise, I will do anything for the company in the future. I'm will be the son you will be proud of. anas ng binata, sabay buntong hininga.
" Okay, I know you will. If you really think that you like her,that she makes you happy, I guess you have to tell her, but remember you have limitations."
" Yes dad, I know that." sabay tayo nito at dali-daling tumakbo pababa ng terasa. Ngunit nakailang hakbang pa lng ito,nilingon ang ama sabay sabi " dad thank you".
" You only have three hours to be with her, ayusin mo na agad mga gamit mo para sa dalawang linggo natin sa Manila."
Tapos na si Elaine sa pagdidilig ng halaman ng makita niyang tumatakbo papunta sa kanya si Save. Parang ang saya-saya nito, mabilis ang mga hakbang nito na sa ilang kislap lng ay nasa harap niya ang binata.
" Anyari po sa inyo, Mr Grande?" nakasimangot niyang tanong dito.
" Do I look like an old man?" nakataas ang mga kilay na sagot nito
" Di naman po sir,sadyang sinabi ko lng yon, kasi parang ang saya-saya mo yata ngayon?"
" Well,dahil may kasalanan ka sakin, kailangan mo akong samahan sa burol,ngayon na!" seryoso nitong turan
" Sorry po sir, busy ako today eh, tulungan ko pa si nanay sa laundry at sa kusina, at marami rin akong gagawin talaga, so aalis na ako" sabay hakbang. Pero di pa man nakalayo ay hinawakan na nito sa braso.
" Pinagpaalam na kita, wag mo nang dagdagan atraso mo sakin,"
" Aba, anu naman kasalanan ko, wala naman akong maalalang atraso ah,"
" First, ayaw kong tinatawag mo ako sa last name ko, second madami kang dahilan , third parang ayaw mo akong samahan" sabi ng binata sabay bilang sa mga daliri.
" Naku po, sir busy naman talaga ako eh, nakakahiya naman po sa mommy at daddy mo, staka andyan pa ang Lolo mong mainit ata ang dugo sakin, laging nakasimangot. At syempre did kaya libre ang pag-aaral ko, kaya dapat suklian ko ng kasipagan." mahabang paliwanag ng dalaga.
" Hey, stop it ,okay, ayaw kong sini-sir mo ako pag tayo lng, at sabi ko nga pinagpaalam na kita kay Nanay Elena, and besides don't mind grandpa,he's leaving, pupunta sa Paris kaya wag ka nang maraming dahilan dyan,tayo na," sabay hila dito.
Chapter 2
Binaybay nila ang burol, naupo sila sa ilalim ng manggang naroon. Tanaw ang ilog, malalawak na banana plantations, mga mayabong na pananim ng mga San Rafael, na naglalarawan ng payak at masaganang pamumuhay ng mga tao.
" I'm leaving tomorrow, isasama ako ni daddy sa Manila, I will spend the two weeks vacation Kay daddy."
" Mabuti nga 'yon, ng malibang ka naman, nakakabagot kaya na nasa bahay ka lng, staka maganda din yon malaman mo pasikot-sikot ng kompanya nyo"
" But I don't want to go, mas gusto ko lang dito nakikita kita lagi" sabi ng binata na mataman ng pinagmamasdan.
" Tumigil ka nga dyan, sundin mo ang gusto ng daddy mo, para sa iyo din naman yon, may social media naman,"
" Elaine" hinanap nito ang kanyang kamay " grandpa wants me to study abroad, at kung iisipin ko lang parang ayaw ko ng sundin.
"Kaya mo ba ako dinala rito para sabihin yan?" may himig ng lungkot sa boses nito.
"No, I have something to tell you, Elaine we almost grow up together, and every single day I really enjoy your company. And as the time goes by, my feelings for you grow stronger than I thought. Can you be my girl for the rest of my life?" seryosong sabi ng binata habang hawak-hawak nito ang mga kamay niya.
Mula bata pa sila ay lagi na silang magkasama, kaya naman di niya rin maitatagong nahuhulog rin suya sa binata, lalo't di ito bumaling ng tingin sa mga maganda niyang mga kaklase, kaya mas lalo ng naniwala na espesyal din ang pagtingin nito sa kanya.
" Save, anak lang ako ng katulong nyo, di ako magustohan ng mommy at Lolo mo, isa pa di tayo bagay, langit ka ang layo mo kaya para abutin."
" No, alam mong hindi yan ang basehan, besides kahit saan man akong lupalop magpunta, di kana mawawala dito." sabi ng binata sabay turo sa dibdib." Mahal kita,Elaine noon pa man,Hindi ko lang sinabi sayo dahil alam ko sasabihin mo na masyado pa tayong mga bata, at ayaw ko ring layuan mo ako at di nakakausapin, but now I am willing to take the risk, I know what I felt for you is real love, dahil di ko kayang tumingin sa iba at ibaling sa iba ang nararamdaman ko para sayo. I love you Elaine."
" Panu Kong nasa abroad kana? Panu ako, paano pag may makilala kang mas maganda,mas sexy at mayaman , nakakalimutan mo lang din ako?"
" It won't happen! I Save Grande, swear to God and to the girl beside me that I love, that I will never ever cheat on her or even hurt her, because my heart beats only for her for the rest of my life. No matter the hardships that I may face in the future, she's still the woman love, and I hope she will do the same too." mahabang pangakong binatiwan ng binata tabang nakapikit ang mga mata, hawak ang mga kamay niya. Buong puso niyang sinasamsam ang mga matatamis na pangako ng binata habang pinagmamasdan ito.
" Hey, what's your answer?" sabi nito na nakatitig din sa kanya
" Hmmm,m-mahal d-din k-kita Save." Pautal-utal niyang sagot. Iwan ba niya kung bakit nalang nauutal , kinakabahan , nanginginigbang mga kamay niya.
" Really? Can you speak it right ,please. I want to hear it loud and clear." nakangiting request nito
" Mahal kita Mr Save Grande! , Oh okay na ba? sabi ng dalaga na halos di maitago ang kilig na naramdaman. Alam niyang namumula na mga pisngi niya ,dahil pakiramdam niya ay nag iinit pati tainga at buong mukha niya.
Kinabig ng binata at niyakap ng mahigpit. Tila walang pagsidlan ang dalawa sa sayang nadarama ng mga oras na iyon.
" Baka naman pwede mo na akong bitawan, parang di na ako makahinga eh ?" nakangiting SITA niya sa binata.
" Oh sorry, babe."
" Babe ka diyan, nakakailang naman "
" Hayaan mo ,para di ka mailang ,from now on,yan na ang tawagan natin."
" Pwede bang wala munang may makakaalam na tayo na, " seryosong anas ng dalaga
" Okay, pero pag sa labas ng masyon, like sa school, okay lng naman siguro na malaman nila do ba?"
" Basta wag lang munang makarating Kay nanay, alam mo naman si nanay gusto non na pag aaral talaga ang uunahin natin bago ang anu pa man."
" Okay babe," seryoso ang mukhang sagot ng binata sabay halik sa mga kamay ng dalaga.