Sa ilang araw na pamamalagi ni Y sa bahay nila ay hindi man lang niya malapitan ng maayos si Jean. Isa pa ay hindi niya magawa ang pagsunod kay Hector sa kung ano ba talaga ang ginagawa nito. Lalo na at mula ng makita siyang muli nito ay hindi na siya tinigilan sa halaga ng perang hinihingi nito. Nasa may garden si Y at nakaupo sa upuang nandoon. Pinagmamasdan lang niya si Jean na nagdidilig ng halaman. Mas maayos na ito ngayon kay sa noong unang araw na may sakit ito. Siguro ay nararamdaman ng dalaga ang pagtitig niya kaya naman bigla na lang itong titingin sa pwesto niya kaya naman mabilis niya ibinabaling sa iba paningin. Hindi naman niya naramdaman ang paglapit ni Harlene sa tabi niya kaya naman nagulat siyang mahuli siya nitong nakatingin kay Jean. Wala doon si Hector at Hareya ka

