Namulat ng mata si Y ng biglang umungot si Jean. Napabangon siyang bigla mula sa pagkakahiga ng maramdaman ang pagkilos ng dalaga. Mas mainit na ang katawan nito ngayon. Lalo na at hindi pa rin ito nakakainom ng gamot. Hindi naman niya namalayan na nakatulog pala siya sa tabi nito. Mas mabuti na rin na siya ang unang nagising. Problema pa kung sakaling nagising ito na katabi siya sa kama nito sa kwarto nito. "Y-Yago," nauutal pang sambit ni Jean na ikinangiti ni Y. Kahit talaga sa panaginip ay naaalala siya ng dalaga. Isa sa bagay na nagpapasaya sa kanya. Pero bigla ding napakunot ang noo niya ng maglandas ang mga luha sa mata ng dalaga. Hindi tuloy niya malaman kung paano gigisingin si Jean. "S-sorry, Y-Yago. H-hindi ko s-sinasadya, Yago. Yago" anito ng paulit-ulit na lalong nagpakuno

