Napahawak sa ulo si Jean ng bigla ay para siyang nahilo. Hindi niya malaman kung paano siya kikilos ng maayos. Sa katunayan ay sobrang sakit ng kanyang buong katawan. Kaya lang, ang bagay na iyon kasama pa ang balakang, iyon talaga ang may nangungunang sakit. Ang ulo naman niya ay pumipintig, at para siyang nalulula na hindi niya maipaliwanag. Gawa na rin siguro na mulat na mulat naman talaga siya, mula pa kahapon hanggang sa mga oras na iyon. Napatingin pa siya sa kwartong inuukupa ni Mr. Y. Sa pwesto niya ay makikita ang bintana ng kwarto nito. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Mas nalawak ang bakuran sa bahay ni Mr. Y. Kay sa sa bahay na iyon ng mga magulang nito. Ngunit mas madaming halaman ang nagdadala ng madaming kalat na dahon. Pa

