Maagang nagising si Yaya Constancia ng mga oras na iyon. Alas singko pa lang halos ng umaga. Mabilis niyang tinungo ang kusina para makagawa na siya ng kape. Saktong papasok siya ng kusina ay nagulat pa siya ng maabutan si Jean na nakaupo sa isang silya, nakapatong sa lamesa ang siko. Habang ang ulo ay nakatagilid na nakapatong sa palad. Nakatingin ito sa bungad ng pintuan kaya naman nagulat si Yaya Constancia. "Nakung bata ka. Ginulat mo naman ako. Good morning pala hija. Mukhang sobrang aga ng gising mo ngayon ah," bati ni Yaya Constancia at hilampasan na si Jean. "Gusto mo bang kape, ipagtitimpla na rin kita. Iinitin ko na lang muna iyong tinapay para may pampartner tayo sa kape. May peanut butter pa naman," ani Yaya Constancia ngunit walang sagot mula kay Jean. Matapos makapagsalan n

